Kabanata XXXVI

765 33 8
                                    

ELLA 



After a week, finally, ngayong araw, makakalabas na ako ng ospital. Nakakalakad na 'ko nang maayos. Wala na ring benda 'yung ulo ko pero may dressing doon sa sugat na natamo ko sa left part ng forehead ko. Hindi pa naman tinatanggal 'yung cast sa left arm ko dahil hindi pa naman magaling ito. Bali pa rin. Siguro, mga 2 weeks after daw, magiging okay naman na rin ako. Kailangan ko lang magpa-follow up check up bago tanggalin ito para ma-x-ray ulit upang masigurado na okay na talaga ako. 

Kasalukuyang inaayos nina Jonel at Cardo ang discharge papers ko habang kami naman nina Bogart, Macky at Xymon ay naiwan dito sa kwarto at chinecheck ang mga gamit namin para walang makalimutan. Si Wanda nama'y nasa bahay na kagabi pa. Isinama ni Cardo sina Macky at Onyok ngayon dito sa ospital dahil sa Sabado naman (walang klase) at talagang nagpupumilit ang mga bata na sumama sa pag-discharge ko. 

"Ate Ella, umupo ka nalang muna," sambit ni Macky sa'kin habang ako'y tumutulong kay Xymon na ayusin ang mga bag sa upuan. 

Hinila niya ang kamay ko paupo muli sa couch. 

"Hindi ka pa totally magaling 'no? Rest ka muna diyan. Hayaan mo na kami," sambit pa niya nang ako'y maupo na muli. 

"Grabe 'to. Hindi naman ako nabaldado tsaka isang linggo na rin akong nakapagpahinga 'no?" pangatwiran ko. 

"Ate Ella, may bali ka pa oh. Mabuti pa, mag-relax ka lang diyan at hayaan mo nalang kaming mag-ayos dito," sambit naman ni Xymon. 

"Nako, Ate. Pinagsasabihan ka na ng mga anak-anakan mo. Makinig ka na sa kanila," natatawang sambit ni Bogart na kalalabas lang ng CR. 

Umupo naman si Macky sa tabi ko. 

"Syempre. 'To kasing nanay-nanayan namin, may pagkaka-parehas sa tatay-tatayan namin," panimula ni Macky. Bahagya akong napakunot-noo. "Parehas kasi kayong matigas ang ulo, 'te."

"Kaya nagkakasundo sila, Mack," sagot naman ni Xymon. 

Natawa ako nang bahagya, "Ah, matigas pala ulo namin ni Cardo ah? Eh ano nalang kaya kayong dalawa 'no? Pati ikaw na rin, Bogart." 

"Hala! Nadamay pa tuloy ako," sambit ni Bogart na nakasandal sa pader. 

"Matigas nga rin pala kami. Hahahaha," sambit naman ni Xymon na napakamot pa sa kanyang batok. 

Ilang sandali pa'y dumating na sina Cardo at Jonel na natapos na ang discharge process ko. Ibig sabihin, sa wakas, makakalanghap na rin ako ng sariwang hangin! Makakalabas na ako mula sa ospital na 'to. 

"Gain, dahan-dahan. Gusto mo buhatin nalang kita para hindi ka mahirapan?" tanong sa'kin ni Cardo habang kami'y naglalakad sa pasilyo ng ospital. 

Inaalalayan niya pa ako sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa bewang ko kahit nakailang sabi na ako sa kanya na kaya ko naman na maglakad. 

"Huy, Carding. Ano ba? Okay lang nga ako," sagot ko sa kanya. "Sa braso ako napilayan ha? Hindi sa paa."

"Nako! Para-paraan lang din talaga 'yang si Kuya Cardo para maka-iskor sa'yo, Ate Ella," pang-aasar sa kanya ni Xymon na nasa tabi niya. 

"May pa-buhat buhat pang nalalaman ah?" sambit naman ni Macky na nasa tabi ni Bogart sa likuran namin nina Cardo at Xymon. 

Ngumisi naman itong katabi ko, "Gusto ko lang naman makasigurado na komportable itong Ate Ella niyo." 

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon