Kabanata XXXX

543 26 5
                                    

GENERAL 



Hindi magkanda-ugaga si Cardo at ang kanyang mga kasamahan na kanina pa nililibot ang buong siyudad para subukang hanapin si Ella at ang kanyang mga kapatid na mahigit bente-kwatro oras ng nawawala. 

Napapasapak nalang si Cardo sa manobela ng kanyang sasakyan dahil hindi pa rin siya mapalagay sa kung ano na nga ba ang nangyari sa kanyang fiancé at mag kapatid nito. Mag-isa siyang nagda-drive ng kanyang pick-up habang nakasunod lang naman sa kanya ang sasakyan ni Billy lulan sina Chikoy at Mark at ang police vehicle na gamit nina Jerome at Rigor. 

"Kanina pa tayo paikot-ikot sa buong siyudad pero wala pa rin tayong lead sa kung anong nangyari kina Ella," sambit ni Billy na siyang nagda-drive. 

"Malakas ang pakiramdam kong kinidnap sina Ella at ang mga kapatid niya," sambit ni Chikoy na nakaupo sa front seat. "Wala man tayong nakitang ebidensya sa pamamahay nila, tulad ni Cardo, malakas din ang pakiramdam kong si Joaquin ang may pakana ng lahat ng ito."

"Malamang. Sino pa ba ang may gustong dumukot kay Ella? Si Joaquin lang naman diba? Gagawa at gagawa ng paraan 'yun para mapasakamay niya si Ella," pahayag naman ni Mark na nakaupo sa backseat. 

"Kung totoo man ang mga hinala natin, kailangan na nating mahanap kaagad si Joaquin," sambit ni Billy. "Tawagan mo si General Borja, Chikoy. Magtanong ka kung may intel na bang dumating sa CIDG." 

Ginawa naman kaagad ni Chikoy ang iniutos ni Billy. 



Sa kabilang dako...

"Sir Jerome, ano? Wala pa rin ba tayong natatanggap na lead tungkol sa pagkawala nina Ella?" tanong ni Rigor kay Jerome na nakaupo sa front seat habang si Rigor ang siyang nagda-drive ng police vehicle. 

"Wala pa eh pero ang gusto ni Cardo, ipagpatuloy lang natin ang paghahalughog sa siyudad."

"Eh pero Sir, buong magdamag na natin 'tong ginagawa. Naikot na natin ang buong siyudad pero hindi pa rin natin nakikita sina Ella," katwiran ni Rigor. 

"Rigor, hindi ito ang panahon para sumuko tayo," saad ni Jerome. "Kailangang-kailangan ni Cardo ng tulong at suporta natin ngayon."

"Hindi ko naman sinasabing susuko tayo sa paghahanap, Sir. Ang sa akin lang, wala na bang mas mabilis at mas epektibong paraan para mahanap na natin sina Ella?" katanungan ni Rigor. 

Napa-buntong hininga naman si Jerome at hindi na nakasagot pa sa katanungan ng huli. 



Kanina pa sila bumababa sa bawat kanto at barangay na kanilang nadaraanan upang magpakita ng mga picture ng mga nawawalang tao. Bagama't palaging dismayado, hindi naman nawawalan ng lakas at pag-asa si Cardo. 

"Cardo, magpahinga na muna tayo," saad ni Billy matapos nilang magtanong sa tindahang nadaanan nila. "Kanina pa nating madaling araw ginagawa 'to. Ni hindi ka pa kumakain."

"Kaya ko ho ang sarili ko, Sir. Kayo nalang ho muna ang magpahinga. Magpapatuloy ako sa paghahanap."

"Cardo, kung hindi ka kakain, mawawalan ka ng lakas," pahayag ni Jerome. 

"Ayos lang ho ako," saad ni Cardo at napatingin sa mga litratong hawak niya. Lalo na ang litrato ng kanyang iniibig. "Magpahinga na muna kayo. Mas mabuting maghiwa-hiwalay na muna tayo at baka mas mapabilis ang paghahanap natin sa kanila."

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon