Kabanata X

1K 32 21
                                    

GENERAL 

Nagising si Ella sa sinag ng araw mula sa bintana ng kanyang kwarto. Iminulat niya ang kanyang mga mata at kinusot-kusot ito. Luminga-linga siya sa paligid at nang maalala niyang Sabado ngayon, napangiti siya nang bahagya. 

"Hay, salamat. Rest day," bulong niya sa kanyang sarili. 

Tumagilid siya ng higa at kinuha ang kanyang cellphone mula sa side table. Inunlock niya ito at nakitang mayroon siyang morning messages. 

Sir Cardo :) 
3 new messages

Ador :) 
New message 

Arci M.
New message

Una niyang binuksan ang mensahe sa kanya ni Ador. 

"Tagal na ring 'di nagparamdam nitong mokong na 'to ah?" sambit niya bago binasa ang message ni Ador. 

Fr: Ador :) 

Good morning, Ella!!! Kita tayo bukas? 5 pm. Sunduin nalang kita. 

Agad rin naman niya itong nireplayan. 

To: Ador :)

Buhay ka pa pala? 

Napapailing na natawa nalang si Ella sa tinext niya kay Ador. Matapos itong replayan ay binasa naman niya ang text mula kay Arci. 

Fr: Arci M. 

Hi, 'te! May party mamaya sa friend namin ni Bea. Sama ka sa'min! Pakilala ka namin do'n. Text back or call me if makakasama ka.

Matapos basahin ay hindi naman makaisip nang maire-reply si Ella kaya binalewala nalang muna niya ito at binuksan ang text mesages sa kanya ni Cardo. 

Fr: Sir Cardo :)

Good morning, sexy. ;)

Fr: Sir Cardo :) 

Kain ka ng almusal. Bawal magpagutom. Hindi ka rin pwedeng mangayayat.

Fr: Sir Cardo :) 

Mamahalin pa kita. ;)

Napadiin naman ang hawak ni Ella sa kanyang cellphone at napatakip sa bunganga gamit ang isa niyang kamay. 

"Aaaahhhhh," pabulong niyang sigaw dahil sa pagpipigil ng kilig. 

Seconds later, napakagat siya sa kanyang daliri at nireplayan si Cardo. 

To: Sir Cardo :) 

Ay oh. Iba din siya eh. Umagang-umaga, bumabanat ka na agad ha. :)

Matapos niyang replayan si Cardo, umupo siya sa kanyang kama bago dinial ang numero ni Arci. After a few rings, sumagot na rin ito. 

"Hi Ella!!!" masiglang pagbati ni Arci mula sa kabilang linya. 

"Uy, saya natin ah?" sambit ni Ella. 

"Hahaha! Sorry naman! Naexcite lang. Oh, ano? Call ka later?" tanong ni Arci.

"Hmm... ewan ko. Ano bang meron mamaya?" tanong naman pabalik ni Ella. 

"Eh kasi birthday party no'ng sosyalin naming friend ni Bea. Kabarkada namin 'yon no'ng college. Ipapakilala ka namin sa kanya kasi mahilig din 'yon sa mga sapatos eh. Baka sakaling magkasundo kayo. Masaya 'yon!" 

"Eh Arci... hindi ba parang nakakahiya? Napaka-joiner ko naman ata sa inyo. Tsaka, sosyalin 'yong party? Bakla, alam mo namang 'di ako pang-mayaman," nanghihinayang na sabi ni Ella. 

In The Rain | ViCoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon