Chapter 08: JOURNAL part 02

15.2K 253 5
                                    

Dedicated to: RochelleFriala04

Chapter 08 : JOURNAL part 02

Ang mga nabasa ko sa diary in AJ ay isang malaking rebelasyon. Una, hindi ko akalain na may mga pinagdaanan pala siya na naging dahilan nang pagbabago ng tingin niya sa buhay, lalo na sa mga babae.

Ikalawa, nakakainis lang kasi parang business proposal lang ang ginawa nilang pag-uusap na mag-ama tungkol sa balak nila sa akin. Buhay ang ginugulo nila, hindi ba sila naba-bothered do'n? Hindi ko akalain na talaga pa lang may mga ganung tao.

I took a deep breath bago pinagpatuloy ang pagbabasa.

The next day, wala akong ibang ginawa kundi mag-imbestiga at sundan si Yancey. I found out that they will meet on a coffee shop few days bago ang kasal. The perfect timing for the plan.

Umupo ako malapit sa table ni Yancey at tinitigan ko siyang mabuti na tila 'di nya napapansin. But what caught my attention is a woman that kept on looking at Yancey, too.

Napalingon ako sa entrance ng coffee shop when Kyle entered habang ibinubulsa ang susi ng motor niya. But the lines on my forehead deepen nang mapansin ko ang pamumutla ni Kyle after seeing the girl na kanina pa nakatitig kay Yancey.

Lalo pa akong nagduda nang marinig kong sabihin niya kay Yancey na nawawala ang susi niya. But I was so sure na ibinulsa ni Kyle ang susi niya at 'di ko naman napansin na nahulog ito.

Pasimple na sumenyas si Kyle sa babae at inis na umirap sa kanya ang babae. Lumabas si Kyle sa coffee shop pero ang babae ay nanatili pa ring nakaupo at nakatingin kay Yancey.

I smirked. Yancey is so stupid. I can't believe na hindi man lang niya napansin ang nangyayari.

Lumingon si Yancey sa direksyon ko ng dalawang beses kaya batid ko na napansin na niya ang pagmamasid ko.

Tumingin sa cellphone niya ang babaeng sinenyasan ni Kyle. Inis na tumayo ito at naglakad palabas ng coffee shop. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong sumunod dito.

I smirked.

I smell something fishy...

Hindi ki maiwasan na hindi kabahan. Anung ibig niyang sabihin?

Imbis tuloy na malinawan ay lalo akong naguluhan.

I mean... Nabubuo ang isang hinala na kahit ako mismo ay ayaw kong paniwalaan.

Patay na ang fiance mo Yancey. He had been good at you. Don't taint his memories nang dahil lang sa tamang hinala! Sigaw ng isang boses sa isip ko.

I closed the diary at inilapag ito.

Hindi tamang pag-isipan ko ng masama si Kyle lalo na ngayong wala na siya. Ako na nga ang dahilan ng pagkamatay niya, dudungisan ko pa ang alaala niya? Anung klase akong fiance... I mean ex-fiance kung ganun.

At saka anything is possible naman, 'di ba? Malay ko ba kung may utang do'n si Kyle. O pwede rin naman na model nila si ateng girl. Posible rin na malayong kamag-anak, 'di ba?

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon