Chapter 27: TRESPASS

9.4K 150 1
                                    

JON'S POV

Ilang beses akong bumuntong hininga. Kahit na-check ko na kung may camera ba o guards sa paligid ay nag-aalinlangan pa rin ako. Damn AJ! Kung nag-stick lang sana siya sa plano, 'di sana ay hindi ko kailangang magmadali sa mga dapat kong gawin!

Nag-leave ako para lang sa case nila Yancey at nandito ako ngayon sa tapat ng isa sa mga bahay ni Michae Lee. Actually, medyo natagalan si Mike na matunton ito. Maraming bahay ang matandang 'yon pero ito ang lubos na kahina-hinala.

Malaki ito ngunit maraming taon na raw ang nakakaraan simula nang may tumira rito. At sa tingin ko, mukhang napabayaan na ito.

Inakyat ko ang gate at binuksan ang pinto gamit ang lock picking skills ko.

Nang magtagumpay ako sa pagbukas ay napatunayan kong tama ang hinala ko. Tila inabandona na ni Michael ang bahay na ito. Puno ng alikabok at ang daming sapot ng gagamba ang paligid.

Halatang 'di na ito napapalinis at mukhang wala siyang balak na ibenta.

Bakit? Dahil sigurado akong may tinatago siya rito!

Kaya naman kailangan kong mahanap ang mga ebidensya na magdidiin kay Michael Lee.

I shook my head nang maalala ko si AJ. Magbibigay na lang kasi ng impormasyon, kulang pa!

FLASHBACK

"I want to make Michael's life a living hell."

Natigilan ako saglit sa sinabi nito. "Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? He's your father and there's no reason for you to turn your back on him."

He sighed. "I have my reasons, Jon... Very personal. I've been waiting everyday on how to destroy him, how to make him down. Now is the time. And I need your help."

Pero 'di pa rin nawawala ang pagdududa ko sa kanya. "At bakit ako? Sa dami ng pwede mong hingan ng tulong bakit ako?"

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon