Dedicated to: katwriterwannabe
CHAPTER 09: TYRA
Yancey's POV
I don't know kung may mas ilalala pa ba ang mga nangyayari.
Una ay naikasal ako sa isang tao ng sapilitan. Nagawa ko ring makapatay ng 'di sinasadya habang wala ako sa sarili. Ngayon naman ay nalaman ko na ang taong inakala ko na makakasama ko hanggang sa pagtanda ay nagawa akong lokohin. Worse, may anak pala siya sa iba. And I don't know kung may plano ba siyang sabihin ito sa akin kung nabubuhay pa siya ngayon.
Isa pa, nagtatalo ang isip at damdamin ko about kay AJ. All this time ay sinisisi ko siya sa lahat. But now, hindi ko alam kung magagalit ba 'ko o maaawa...
Naiisip ko rin kung deserve ko ba ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
Ano ba talaga ang nagawa ng mga magulang ko sa papa ni AJ? Sapat na dahilan ba 'yun para magdusa ako ng ganito?
I tried to compose myself bago inilipat ang pahina at nagsimula muling magbasa.
" I've never hurt a girl using my own hands. But because my father commanded me to do so, kelangan ko 'yung gawin kay Yancey.
She shouldn't notice that everything was beyond my will. 'Di ko alam kung dahil ba sa awa but everytime I hurt her, it feels like I'm hurting myself, too. Palagay ko nga ay maaga akong mamamatay because of lung cancer kakasigarilyo para lang ma-relax ang sarili ko.
My father decided na oras na para dalhin siya sa Joy. He seems to be satisfied while watching Yancey joining For Girls Only. While she fought inside the arena ay halos 'di ako makatingin sa laban. That was the first time that I had a heavy feeling while someone's fighting. Poor Yancey... She's too innocent para magbayad sa kasalanan ng mga magulang niya sa ama ko. I don't know what they did but whatever it is, I still need to follow my father's order. Lumalambot na ba 'ko? No! That should not happen!
I decided to close the diary. Hanggang doon na lamang ang nabasa ko. He already said na hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ng papa niya sa akin kaya I don't think na may mapapala pa 'ko.
I sighed. Bakit hindi mawala-wala sa isip ko ang mga huli kong nabasa? Big deal ba kung talagang naaawa si AJ sa akin at kung labag sa loob niya ang mga ginagawa niya sa akin. Hindi ba dapat wala na akong pakialam dun at 'di ko na dapat 'yon intindihin?
Ang dapat kong isipin ay kung papaano ako makakaalis sa sitwasyon ko ngayon.
Kailangan may gawin ako.
TYRA'S POV
I never received any text message or call from AJ more than a month from now.
Well, aminado naman ako na kahit noon pa man ay complicated na ang relationship status namin. We don't need a label to feel something for each other, right?
I sighed. Who am I convincing anyway?
Ako lagi ang nag-aapproach sa kanya. I was always the first one na nagti-text, tumatawag at nangangamusta. Pero gano'n naman talaga dapat, 'di ba? Girls are the one who's supposed to be sweet and clingy. And maybe hindi lang talaga showy si AJ sa feelings niya towards sa akin.
What's not to like with me? I'm pretty, hot, rich, smart and daughter of the influential General Grey Reyes. Most especially, I am Tyra. The woman who's close to perfection.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?