Chapter 07 - JOURNAL part 01
A/N: Present mode ulit. So this is the continuation of Chapter 05 ^_^ GOd bless everyone!
Dedicated to speedrozen
****
*KNOCK*KNOCK*
Bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok ang isang maid na may dalang tray ng pagkain.
"Ma'am, pinaakyat po ni sir AJ 'yung pananghalian n'yo."
"Pakilagay nalang sa side table. Salamat." Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo. Hindi pa ako kumakain simula nang magising ako kanina. The thought that I killed Khate is enough for me to lost my appetite.
Hindi ko ginusto na gawin 'yon! Masama na ba akong tao?
"T-Teka, ano ang mga 'yan?"
"Ah, 'yung mga hinanda namin Ma'am? These are Roti Prata, Tomato and Ravioli soup at Szechuan pepper fish. Nag-prepare rin po kami ng panna cota for dessert. Milk tea naman po Ma'am ang hinanda for drinks." Lumabas siya at iniwan akong nakanganga.
Ano raw? Bakit ba kasi mga gan'to ang dinalang pagkain sa 'kin? Ni hindi ko nga sure kung masarap ba ang mga 'to. Kahit pritong tuyo naman kinakain ko, 'no.
Paano ko uubusin 'to?
Bumukas muli ang pinto. "At saka po pala ma'am, sabi ni sir AJ dapat daw po ubos 'yan kundi malalagot daw po kayo sa kanya."
Bago pa ako makasagot ay sumara nang muli ang pinto.
Teka! P-Pinadala ni AJ ang mga 'to? Para sa 'kin?
So kelan pa siya naging concern?
Napangiwi ako. Concern? Spell asa!
Knowing AJ, hindi niya magagawang magbiro kaya kailangan ko talagang ubusin ang mga ito.
Magsisimula na sana akong kumain nang mapansin kong walang kasamang tubig na inihatid sa akin. Kahit may milk tea, iba pa rin talaga ang may tubig.
Tumayo ako at akma na sanang lalabas. Ngunit paghawak ko pa lamang sa door knob ay narinig ko si AJ na tila malapit lang sa pinto.
Hindi muna ako lumabas. Bagkus ay inilapat ko ang tainga ko sa pinto para mas marinig s'ya. Ibig sabihin ba nito kanina pa siya nasa labas?
"Yes sir... I received the 2.5 million on my account after ng fight ni Yancey... I agree, malaki ang increase ng income... Request for a new round para sa kanya? May sinusunod tayong 2-week interval kada isang fighter and besides, mukhang na-trauma siya sa naging laban nya... Sure, I'll settle that. 'Di ko palalagpasin ang perang kikitain ko oras na lumaban ulit si Yancey... Meeting, Sir? Ngayon na? Okay, I'm on my way..." Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag na pahina nang pahina at mukhang palayo na.
Anung ibig sabihin niyang lalaban ulit ako? Na naman?!
Kuyom ang palad na naglakad ako pabalik sa kama at umupo.
Pera?
Dahil sa pera kaya kahit mismong asawa niya hahayaan niyang mapasubo sa isang masalimuot na sitwasyon sa loob ng lugar na 'yon?!
All for money?!
I shook my head. Ano pa nga bang aasahan ko? Sa mahigit two weeks namin na pagsasama ay puro bugbog ang inabot ko sa kanya. Halos tulog, kain, at sigarilyo lang 'ata ang pahinga niya, eh.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
AksiKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?