Chapter 03 - SPEECHLESS

30.6K 437 3
                                    

Dedicated to deianniee

Halos hindi ko magawang huminga habang parang akong tuod na hindi makagalaw mula sa pagkakatayo.

Gusto kong tumakbo palayo! Nais kong umalis at magtago sa lugar na hindi na 'ko maaaring makita pa.

Pero parang bigla na lamang nanigas ang buong katawan ko at hindi ako magalaw. Nanlalaki ang mata kong walang kakurap-kurap habang nakatitig sa senaryo na nasa aking harapan.

Totoo ba 'tong nakikita ko? O sa  dami ng iniisip at pinoproblema ko ngayon ay nagha-hallucinate na ako?

I hope it's the latter... But no.

S-Si AJ! Bakit siya nandito?

Prenteng nakaupo siya sa sofa na nakapaharap sa puwesto ko habang ang parents ko naman ay nakaupo sa sofa na nakatalikod sa akin.

Ano ang ginagawa niya rito? Ano na naman ang binabalak niya?

AJ met my gaze and smirked devilishly. Dahil sa ginawa niya ay pumihit si Papa and looked into my direction. "Yancey! Nandito ka na pala!" Nilingon niya saglit si AJ bago muling ibinaling ang tingin sa akin. "Sakto lamang ang dating mo. May kailangan kang ipaliwanag sa amin ng Mama mo. O, Siya. Halika na't umupo ka sa tabi ng lalaking 'to." Ngumuso si Papa sa direksiyon ni AJ. Nang mapalingon akong muli sa huli ay binigyan niya ako ng malademonyong pagngisi.

W-What?!

Tama ba ang narinig ko? Ako, pinatatabi ni Papa kay AJ?!

Hindi ko napigilang mapangiwi. Mas gusto ko pang ilibing ako ng buhay kaysa tumabi sa killer na 'yan!

Pero wala akong ibang nagawa kundi baliin ang sarili kong salita. Nanginginig ang katawan ko sa takot habang tinatabihan ko si AJ. Hangga't maaari ay pinipilit kong hindi mapagawi ang tingin sa kanya at nanatili lamang akong nakayuko. Nakakainis lang ang badtrip na peripheral vision na 'yan! I can still see kung paanong tumingin ng nakakaloko si AJ sa 'kin. The way he looked at me makes me cringed.

Kahit hindi naman mainit ay bigla tuloy akong pinagpawisan sa kaba. Hindi ko aakalain na magkikita kami agad at sa bahay pa namin! What if hindi agad ako nakauwi? Na-kidnap na kaya niya ang pamilya ko? Worse, baka tinorture at pinatay pa niya!

Napailing ako at agad iwinaksi 'yon sa isipan ko. Masyado ng malawak ang nililipad ng imagination ko at maging ako ay 'di masikmura kung paano 'yon pumapasok sa isip ko!

I decided na iangat ang aking ulo mula sa pagkakayuko. My brows twitched nang sumalubong sa akin ang nanlilisik na mga mata ni Papa habang nakatingin sa'min ni AJ. Nang mapadako ang tingin ko kay Mama ay tila anytime iiyak na siya.

Teka! Ano'ng nangyayari?

I gulped. Ano naman kaya ang sinabi ni AJ sa 'king mga magulang habang wala ako? Hindi kaya pinagbantaan niya ang mga ito? O baka naman ipinaalam niya ang ginawa niyang pagpatay kay Kyle? No! I don't think he'll do the latter.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang sumigaw si Papa. Halata ang galit sa boses niya. "Ano ang pinagsasabi ng lalaking 'yan?! Ha, Yancey?!" Idinuro niya si AJ habang nakapako ang tingin sa akin.

Ha?! Teka, kanina lang naman  kalmado pa siya, ah! What's with the sudden change of mood?

At ano naman ang tinutukoy ni Papa na sinabi ni AJ? To think na kadarating ko lamang at wala akong alam sa nangyari at naging pag-uusap nilang tatlo!

"Pa, ano pong—"

''Kasal, Yancey! Tungkol sa kasal! Huwag mong sabihin na hindi mo alam?! Ni hindi pa nga naililibing si Kyle magpapakasal ka na agad sa kung sinumang lalaki na 'yan! Bakit, Yancey? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan!" Ang kanina na tahimik na si Mama ay bigla na lamang sumabog at hindi na rin napigilan ang pagsigaw. Kitang-kita ko ang paglandas ng luha  sa kaniyang mga pisngi.

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon