Chapter 22: CRYING SHOULDER

10.4K 176 7
                                    

YANCEY'S POV

"Ate Yancey!" Masiglang tumatakbo ang kapatid ko papalapit sa 'kin.

"Uy, Cyan.. Musta?" I patted his head at bahagyang yumuko para magpantay kami.

Sa pag-angat ko ng  tingin ay nakita ko ang mga pamilyar na mukha na papalapit sa 'kin... Ang mga magulang ko, ang papa ni AJ at ang mama ni Kyle. Sa kanilang apat ay tanging papa ni AJ lang ang nakangisi, habang ang mga magulang ko ay tila uma-attend ng lamay.

Napalunok ako ng balingan ng tingin ang mama ni Kyle. Matalim na tingin ang ipinupukol niya sa 'min ni AJ.

AJ tilted his head to my side at pasimpleng bumulong. "Relax."

Tumango lang ako kahit Alan ko sa sarili ko na hindi ako mapapakali ngayong gabi. Nang tuluyan silang makalapit ay agad bumati ang papa ni AJ. "Well, you're so lovely tonight, my beloved daughter in law!"

Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Patuloy lang na nakapako ang tingin ko sa aking mga magulang. Huminga ako ng malalim para pigilan ang tuluyang pagtulo ng luha ko. Napansin ko rin ang pamumuo ng luha sa mata ng mga magulang ko na siyang nagpasikip ng dibdib ko.

Napasinghap ako sa sunod na binitang salita ng papa ni AJ. "I'm so glad na sa lahat ng magiging balae ko, ay ang highschool best friend ko pa..." He grinned at inakbayan ang papa ko.

Nagtatakang tinignan ko si Papa. He gulped at umiwas ng tingin sa 'kin.

Sila, magbestfriend? No way!

Mahinang tinapik naman ng papa ni AJ ang mama ko. "And my ex-girlfriend."

My jaw dropped. W-What? Si Mama at ang Papa ni AJ? Mag-ex sila?!

Tinapunan ko ng tingin ang katabi ko, ngunit maging siya ay nagulat sa rebelasyon ng papa niya. Halos malaglag naman sa sahig ang panga ng mama ni Kyle.

Katahimikan. 'Yan ang saglit na bumalot sa 'ming anim na agad binasag ng mama ni Kyle. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa amin bago napangiwi. " So, malapit pala talaga kayo sa isa't-isa?" She said sarcastically.

Tinapunan ako ng matalim na tingin ng mama ni AJ. I can't help but flinched and gulped. "Kaya mo ba ako inimbitahan, Yancey? Para insultuhin ako at ang namatay kong anak?!" Tumalikod siya at mabilis na naglakad palayo sa 'min.

Nahagip ng mata ko ang bahagyang pagngisi ng papa ni AJ dahil sa nangyari.

I clenched my fist. Ang sama mo!

Hahabulin ko na sana ang mama ni Kyle pero naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

Nagtatakang tinignan ko si AJ. "You don't have to--"

"No." I said firmly habang bumibitaw sa pagkakahawak niya. "I have to do this." Agad akong tumalikod para habulin ang mama ni Kyle.

"Tita!"

Ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang walang naririnig.

"Tita!"

Wala pa rin...

"Tita!"

Sa wakas ay huminto siya ngunit hindi pa rin pumipihit para lingunin ako. Malayo na kami sa events hall at wala na masyadong tao na dumadaan.

Huminto ako sa pagtakbo nang nasa likod na niya ko. Sunud-sunod ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya at halos marinig ko na rin ang paghinga niya kahit nakatalikod siya.

Humarap siya sa akin at sinalubong ako ng kambal na sampal sa pisngi.

Hindi ako lumaban. Hinayaan ko lamang siya na sampalin ako. Handa akong tanggapin ang pananakit niya sa 'kin. Kung tutuusin ay kulang pa ang mga sampal kumpara sa pinagdadaanan niya dahil sa pagkamatay ni Kyle.

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon