YANCEY'S POVHirap na hirap na ako sa paghahabol sa aking paghinga. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang ginagawa namin ni AJ. At hindi ko na rin nga mabilang kung pang-ilan na namin ito ngayong araw!
"Ta-Tama na AJ... Hindi ko na talaga kaya!" Maluha-luha ako at halos manlupaypay na ang katawan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinipilit kong umupo. Hindi ko naman akalain na masakit pala talaga! Akala ko dati exaggerated lang 'yung mga nagsasabi na masakit 'pag first time.
Malakas na napabuga ng hangin si AJ. Halatang nagpipigil ito ng galit. "Well, I don't care! Pangalawang set mo pa lang 'yan nang 10 jumps, 15 sit ups at 15 push ups! 20 minutes ka nga lang nag-jogging tapos gusto mo pagbigyan na naman kita?!"
Gulat na napatingin ako kay AJ. "2 sets pa lang?! Akala ko mahigit lima na!" Ugh...
My eyes widened when I saw that he rolled his eyes. At hindi siya nagmukhang bakla sa ginawa niya, parang manly version.
I flinched when he shouted. "Again!"
I groaned bago tumayo para sa panibagong set. Ni minsan ay hindi ako nag-work out kaya hindi ako sanay sa ganito. Feeling ko nga anytime ay bibigay na ang katawan ko. Ang sakit na sakit na kaya ng muscles ko!
Naririnig ko ang bungisngis ng mga nagbabantay sa amin na tauhan ng papa ni AJ. Ang yayabang! Buti na lang talaga dito muna kami sa bahay hindi sa gym. Kundi ay baka sa mas marami pang tao ako napahiya!
"Okay... One! Two! Three!"
Nagpatuloy lang siya sa pagbibilang hanggang sampo habang nagja-jumping rope ako. Matapos nito ay mabilis niya akong pinapuwesto para sa sit ups.
Nakaka-anim na bilang palang siya pero hindi ko na talaga kayang iangat pa ang katawan ko. Ang sakit na ng muscles ng tyan ko at halos hindi na ako makahinga sa paghingal.
Wala man lang break? Baka ito pa ang ikamatay ko!
"What the---"
"Please, AJ. Hindi ko na talaga kaya---Aray!"
Napasigaw ako sa sakit nang sapilitan niya akong itinayo at hinarap sa kaniya. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko dahilan para dumampi ang hininga niya sa balat ko.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Ramdam ko ang pagkainis sa kaniyang boses habang bumubulong.
"I thought you want to live? Ginusto mo 'to, 'di ba? If it's too easy for you to give up sa simpleng exercise lang, magsimula ka ng maghanda sa kamatayan mo! Underground fights are not for the weaklings, Yancey. If you really want your freedom then you need to be strong! Be hungry for survival if you want to win!"
Marahas niya akong binitawan dahilan para mapaupo ako sa sahig.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinigilan na maiyak.
Tama siya...
Paano ako mananalo kung sa simpleng paghahanda lamang ay sumusuko na ako? Kung hindi naman talaga dahil sa epekto ng special drug nila ay hindi naman ako mananalo laban kay Khate.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?