Dedicated to dbellezalin
Yancey's POV
"This is insanity." Paulit-ulit ang pag-iling ni AJ habang walang kakurap-kurap na nakatitig sa 'kin. Bahagyang nakaawang pa ang kaniyang bibig na tila ba hindi makapaniwala sa nakita.
Halos kapusin na ako ng hininga. "Sino'ng susunod?" Kakatapos ko pa lang mapatumba ang ka-sparing ko ngayon. Gayon man ay hindi pa rin ako ma-kunteto hangga't hindi ko nakakalaban ang lahat ng nandito sa training room.
Sunud-sunod ang pagpatak ng pawis ko. Pilit kong itinayo ang sarili ko mula sa pagkakaluhod. Nanginginig na ang kalamnan ko, but I don't care at all.
Pero dahil sa panlalambot ng katawan ko ay hindi ko nagawang tumayo ng maayos. Kailangan ko pang humawak sa mga tuhod ko para lang hindi ako matumba mula sa pagkakatayo.
Walang nag-presinta na lumaban sa 'kin. Naaawa ba sila sa kalagayan ko? Hindi ko kailangan ng awa nila. Kaya ko pa!
Hindi ko napigilan sumigaw. "Sino sabi'ng susunod, eh?!" My eyes are fixed on the ground. Hindi ko magawang iangat ang ulo ko dahil sa pagkahilo na pilit kong nilalabanan. Napapikit na lamang ako ng mariin upang iwaksi ang nararamdaman.
Kailangan kong kayanin...
Kailangan kong maging malakas...
Hindi ako magpapatalo sa walang puso na si Michael Lee!
Kahit nakapikit ay ramdam ko pa rin ang pag-akyat ng isang tao sa loob ng ring. Hinanda ko ang aking sarili. Hindi ako gumalaw mula sa aking pwesto at posisyon. Inireserba ko ang natitira kong kaunting lakas para sumugod.
Pinakiramdaman ko ang bawat hakbang niya papalapit sa akin. Nang maramdaman ko na malapit na ito sa 'kin, agad akong dumilat. Pinihit ko ang katawan paharap sa pwesto niya. Kasabay ng pagtayo ko ay ang paglipad ng kaliwa kong kamao sa kaniyang direksyon.
Pero mas mabilis itong kumilos kaysa sa akin. Nakailag siya agad at nahawakan ang kaliwang braso ko upang hilain. Isinandal niya ang likod ko sa dibdib niya at ipinulupot ang isa niyang braso sa leeg ko.
He leaned on my ear and whispered. "Enough, Yancey. You're tired."
Inilayo niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "Leave us for a while!" Utos niya sa mga kasama namin sa loob ng training room.
Binitawan niya agad ako nang kami na lamang dalawa ang naiwan. Para naman akong nauupos na kandila na bumagsak sa lupa sa panghihina.
"Kaya ko pa, AJ eh. Kaya ko pa." I sobbed. Halos manlabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa 'king mga mata.AJ sighed. "No, Yancey." He said firmly. "Just so you know, you worked out for five straight hours today, for Pete's sake!"
Teka! Gano'on katagal? "Limang oras?" Napangiwi ako. "Hindi pa naman ako pagod, eh! Hindi ako pwedeng mapagod, AJ. Hindi ako pwedeng manghina. Kasi... Kasi..." 'Di ko na napigilan ang paghagulgol ko. "Kasi ako na lang ang maasahan ng pamilya ko."
"Yancey," Napahilamos ng mukha si AJ before he sighed again. "Don't let your emotions consume you. Learn to control, learn to rest. Know your limitations. Familiarize yourself with your strength, as well as your weaknesses. " Naglakad siya papunta sa direlsyon ko at umupo sa aking tabi. He looked at me and I could see sincerity on his eyes as he whispered. "Stop drowning yourself with my father's words. Don't give him the satisfaction of messing with your mind."
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?