Dedicated to MisslittleJC
YANCEY'S POV
Napapikit akong muli dahil sa liwanag na sumalubong sa akin.
Dahan-dahan kong idinilat muli ang mga mata ko hanggang sa tuluyang makapag-adjust ito sa liwanag.
I groaned. Ang bigat ng pakiramdam ko at ang sakit ng katawan ko!
Nandito na ulit ako sa bahay ni AJ.
I'm still bothered. Alam ko naman na mangyayari 'yon...
Na isa sa amin ng kalaban ko ang kailangang mamatay.Pero bakit sa kabila ng sitwasyon, nakaramdam pa rin ako ng awa sa kanya?
Bakit kahit nanalo ako, may part sa akin na malungkot... At nagsisisi.
Nagi-guilty din ako at nasasaktan?
Kailangan ko ba talagang maramdaman ang mga 'yun?
Hindi ba pwedeng ang intindihin ko na lang ay ako at ang pamilya ko?
Kailangan ba intindihin ko pa rin ang iba kahit na hindi lang ako ang nakasalalay, kundi pati ang pamilya ko?
Bumaling ako sa pinto nang bumukas ito at sumilip si AJ.
"Take a bath and prepare yourself." Malamig na utos sa 'kin ni AJ. Nasa bahay niya kami kaya acting-an time ulit. Maraming mata ang nakatingin idagdag pa ang mga camera na nagkalat kahit dito sa kwarto.
I swallowed the lump on my throat. "B-Bakit?" Kinakabahan kong tanong. Kakatapos lang ng laban ko, 'wag niyang sabihin naay kasunod agad? I need a break, 'no!
Naging abnormal ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang isasagot niya.
"There will be a celebration for my father's birthday."
Tumango-tango ako. Ah, kaya pala...
My eyes widened and I gasped.
Teka, ano'ng sinabi ni AJ? Mamaya?! Birthday ng papa nya?!
Napalunok akong muli. Kailangan ko ba talagang pumunta do'n?!
'Di ba pwedeng sabihing may lagnat ako, 'di ako makatayo, napilay ako, o na-comma ako?!
Kahit ang totoo ay kaunti lamang ang pasa ko ngayon kumpara sa una kong laban, at may maliit na cut ako sa gilid ng labi. Gusto nilang maki-celebrate ako na gan'to ang hitsura? At as if naman na ipagdiwang ko ang existence ng papa ni AJ sa buhay ko.
"Pero--"
"No buts!" Huling wika ni AJ bago tuluyang isara ang pinto.
***
After several minutes...
Tumigil sa isang five star hotel ang sasakyan ni AJ. Agad kaming pumasok sa loob at literal akong napapanganga.
Ang ganda at ang laki! Hindi maipagkakailang mamahalin dito dahil napaka-engrande nito at halatang sosyalin!
Napansin ko ang mga empleyado na nagtitinginan sa 'min ni AJ. Medyo nailang ako sa atensyong ibinibigay nila kaya agad akong yumuko.
"Good morning, Mr. Lee." Bati ng ilang empleyadong nadadaanan namin. Siguro ay madalas siya rito para makilala na siya ng mga employees.
Hindi man lamang nililingon ni AJ ang mga bumabati. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na tila walang nakikita. Ako nalang ang ngumiti sa mga empleyado on behalf of him.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?