Chapter 44 : Blame

10K 129 9
                                    

Dedicated to georpan

Yancey's POV

Pagdilat ng mata ko ay sinalubong ako ng liwanag. Napapikit akong muli at binuksan muli ang mata kong unti-unting nag-aadjust sa liwanag.

"A-Ate Yancey?"

Agad akong lumingon sa nagsalita.

Cyan? Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita ngunit walang salita ang lumalabas mula rito.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Papa. His eyes widened at dali-dali akong nilapitan para bigyan ng tubig.

Agad ko itong ininom. Shocks! Parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko, ah!

"Thank God gising ka na!" Ibinaba ni Papa ang baso sa malapit na mesa at hindi inalis ang tingin sa akin. "May masakit ba sa 'yo? Teka, tatawag lang ako ng nurse-—"

Hinawakan ko ang braso niya. "Ano po'ng nangyari?"

Nabaling ang atensyon ko sa humihikbing si Cyan. "A-Ate... Si Mama... Patay na... Huhuhu!"

Natigilan ako. Bigla ay parang gripong binuksan ang mga mata ko dahil sa sunud-sunod na pag-agos ng luha.

Hinagod ni Papa ang likod ko. "Magpahinga ka muna. Tatawag lang ako ng nurse."

"H-Hindi ko siya nailigtas, Papa. Hinayaan ko si Mama na mamatay."

Agad naman itong umiling. "Hindi mo siya hinayaang mamatay. Ginawa mo ang lahat. Magpahinga ka na lang at huwag ng mag-isip ng kung anu-ano."

I nodded reluctantly. Tumayo naman si Papa para tumawag ng doctor.

Matapos akong i-check ng doctor at agad ding umalis ito.

"Pa..." Agad ako nitong tinignan.

"May kailangan ka, Yancey?"

"May sasabihin lang po..." Lumunok ako. Hindi ko alam kung magagalit ba siya o kung ito ba ang right time na sabihin ito sa kanya pero patatagalin ko pa ba? "AJ and I... Well, we're planning to get married again."

Kinakabahan kong tinignan ang magiging reaksyon ni Papa pero agad itong umiwas ng tingin at hindi sumagot.

I gulped. "Are you angry? Pa, kung ano man po ang mga nagawa ni AJ sinisigurado ko po sa inyo na hindi na 'yon mauulit. Nagawa lang po niya ang mga iyon dahil sa papa niya..."

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon