Chapter 14: JON
JON REYES' POV
"Sir Jon, ako po makakagalitan ng daddy niyo." Pigil sa'kin ni manang Glo. Kasalukuyan akong naglalakad paakyat sa study room ni daddy. I know he knows something.
Flashback
"Sir!" Saludo sa'kin ng mga kasamahan ko.
Halos kasing-ranggo ko lang sila pero dahil sa impluwensya ng ama ko ay malaki rin ang respeto nila sa 'kin. No'ng una, nailang ako... Pero nang tumagal, nasanay na lang din ako sa pakikitungo nila. Gan'to 'ata talaga, palakasan."I'll ask you once again, anung pinag-uusapan n'yo and anung tungkol kay Mr.Lee?" Maawtoridad kong tanong.
"W-Wala po, Sir..." Umiwas ng tingin ang mga kasama ko. Halatang ayaw nilang ipaalam sa'kin ang tungkol sa idinudulog ng mag-asawa. Lalo tuloy akong naiintriga dahil sa ikinikilos nila.
I was about to open my mouth nang maunahan ako ng ginang. "Anung wala?! Ang sabihin nyo, ayaw niyo lang kaming pakinggan! Bakit? Porket ba si Michael Lee ang involve? Ganyan na ba kayo kawalang puso!" Nakakuyom ang kaniyang mga kamay at walang tigil sa pag-iyak. Niyakap siya ng kaniyang asawa na nagpipigil na mapa-iyak din.
"Sana lang, hindi mangyari sa pamilya niyo ang nangyayari sa anak namin." Mahinahon na wika ng asawang lalaki bagamat halata ang galit at pagkadismaya nito sa boses niya. "Kasi kung sa kapamilya niyo nangyayari ang nararanasan ng anak namin, baka kung ano na ang nagawa niyo." Tumalikod ang mag-asawa at lumabas ng presinto.
Tinapunan ko naman ng tingin ang mga kasamahan kong nagsisikuhan at nagpipigil ng tawa. Napayuko sila ng mapansing tinititigan ko sila ng masama.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?