YANCEY'S POV
Hindi ko magawang kumilos mula sa kinatatayuan ko. Natatakot ako na 'pag mag-angat man lamang ako ng daliri ay papatayin niya ako.
Kung sana 'di na lang ako lumayo sa kanya. Mas lalo tuloy akong nawalan ng tsansang lumaban o maagaw ang baril niya dahil sa distansya namin.
Sa ganito na lang ba matatapos ang lahat?
Hindi ko ba talaga kayang iligtas ang pamilya ko mula sa papa ni AJ?
BANG!
Mas dumiin ang pagkakapikit ng mga mata ko nang marinig ko ang putok ng baril. Rinig at ramdam ko rin ang pagkakagulo ng mga tao sa paligid.
Ganito ba talaga pag nabaril ka? Kapag katapusan mo na?
Parang namanhid ka at walang maramdaman na sakit?
Sunod kong narinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng cage.
"Yancey!"
Dumilat ako at napatingin sa pinanggalingan ng tinig. "AJ!"
Paano siya nakapasok? At bakit may dala siyang baril?
Bumaling ako sa katunggali ko. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Nakahandusay na siya sa sahig at naliligo sa dugo.
Wala sa sariling kinapa ko ang sarili ko. Buhay ako! Wala akong tama ng baril!
Nang tuluyang makalapit si AJ sa 'kin ay agad niya akong niyakap ng mahigpit. "A-AJ..." Sa isang iglap ay naramdam ko ang pag-init ng mukha ko at pagkailang.
"I'm glad I came on the right time." Tila may himig ng pag-aalala sa boses niya. Teka! Ano'ng sabi ko? Pag-aalala? Si AJ?
Erase, erase! Imagination mo lang 'yun, Yancey!
Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at hinawakan ang mga balikat ko.
"I'll explain everything later. For now, we need to leave this place." Inaabot niya sa 'kin ang isa pang baril na galing sa bulsa niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng cage.
'Di na ako nakapalag o nakapagtanong sa bilis ng mga pangyayari.
Aalis kami? Saan naman kami pupunta? At paano na 'yung laban?
Humalo kami sa mga nagkakagulong tao. Nanatiling alerto si AJ at nagmamasid sa paligid.
Tuwing may makikita siyang tauhan ng papa niya ay agad niyang binabaril ang mga ito.
Lalo tuloy akong nagtataka sa nangyayari at nadagdagan lamang ang mga katanungan ko sa aking isipan. Kinakalaban ba niya ang sarili niyang ama? Pero bakit? Ano bang nangyayari?!
Hinigpitan ko ang hawak sa baril na ibinigay sa akin ni AJ. Hiniling na sana ay hindi dumating ang oras na kailangan ko itong gamitin.
Nakalabas na kami ng Joy at mas marami ang mga tauhan dito ng papa niya, na tila inaasahan nila ang paglabas naming dalawa.
My eyes widened when one man aimed his gun at AJ. Bago ko pa man ma-warningan si AJ ay nakapagpautok na ito.
Hindi!
Dumaplis ang bala sa braso ni AJ. "Aah!" Pag-inda niya.
"AJ!" I screamed as I looked at him enduring the pain.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para barilin ang lalaking bumaril kay AJ.
Hindi ko inakala na magagamit ko ang itinuro ni AJ sa target shooting. Ipinako ko sa sarili ko no'n na hindi ko ito gagamitin sa tao!
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?