CHAPTER 10: THE DEAL

15.7K 232 4
                                    

Dedicated to: deepblue14seadeepblu

CHAPTER 10: THE DEAL



YANCEY'S POV

Wala akong specific na plano kapag nakarating na kami sa Joy. Ang tanging nasa isip ko lamang ay kailangan na naming magkaharap-harap ng mag-amang Lee. Simula pa lang ay 'di na tama ang mga nangyayari. Kailangan ng matapos ang kahibangan ni Michael Lee!

Sa buong biyahe ay wala ni isa man sa aming dalawa ni Tyra ang nagsalita. Tila kapwa namin nararamdaman ang namumuong tensyon. Bukod sa hindi naging maganda ang encounter namin kagabi ay nainis din ako sa ibinulong niya kanina. Hindi dahil sa fact na may gusto siya kay AJ, kundi dahil nainsulto ako sa sinabi niya! Hindi raw siya threatened sa 'kin pero kabaligtaran naman 'yun sa hitsura niya nang makita ang wedding picture namin ni AJ.

Never kami talaga na magkakasundo ng babae na 'to. Akala mo kung sino!

"We're here."  Putol ni Tyra sa katahimikan sa loob ng kaniyang sasakyan. Paghinto niya ng sasakyan ay nauna na akong bumaba sa kaniya.

Nang makababa na si Tyra ay agad akong sumunod sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga bantay nang makita nila na magkasama kaming dalawa, ngunit wala namang nangahas na magtanong sa kasama ko.

Sa pagsunod ko kay Tyra ay nakarating kami malapit sa isang kuwarto. Nakasarado ang pinto nito at may dalawang lalaki na nagbabantay sa paligid.

"Si Sir Michael?" Tanong ni Tyra sa dalawa.

"Nagmi-meeting sila boss." Tugon ng isa sa dalawang lalaki habang tinuturo ang pinto na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan namin.

I took a deep breath as I looked at the door. This is it!

Hindi inaasahan ng dalawang lalaki at ni Tyra ang mabilis na paglapit ko sa pinto para buksan ito.

"Hey, no! Wait here!" Hindi ko inintindi ang sigaw ni Tyra. Huli na rin naman para pigilan niya ako dahil padabog ko ng nabuksan ang pinto...

Halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga ko sa gulat nang sabay-sabay lumingon sa direksyon ko ang mga tao na nandoon. Take note... Mga!

My Ghad! Hindi ko inakala na madami pala sila sa 'meeting' na 'to! Ang buong akala ko pa naman ay ang mag-amang Lee lamang ang nagmi-meeting sa loob!

I mentally shook my head. Kahit gaano pa sila kadami na mapanghusgang nakatingin sa akin, dapat ipakita ko na matapang ako at hindi basta-basta mai-intimidate sa mga tingin nila!

Taas noo ko silang hinarap.  Agad nahagip ng mata ko si AJ. Tila hindi nito inaasahan ang biglaang pagsulpot ko sa kanilang pagpupulong, base na rin sa gulat nitong expression. Ngunit agad din siyang naka-recover at bumalik sa kaniyang usual na cold stare at expressionless face. Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito, hindi alintana ang mga tao sa paligid niya na makakaamoy sa usok mula rito.

Naalala ko tuloy ang nakasulat sa diary niya. Na ang smoking is his way to kill the tension building inside of him.

"Well, well, well..." Agad kong ibinaling ang tingin sa nagsalita. "What a surprise visit from my dear daughter in-law." Binigyang diin niya ang pagkakasabi ng daughter in-law. Ang mga tingin niya sa akin ay nakakapanliit na tila ba is a akong insekto na kinikilatis niya muna bago tuluyang tirisin. "You need something?" Bagamat nagtatanong ay punung-puno pa rin ng awtoridad ang tono nito.

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon