Dedicated to Nickz11
AJ's POV
"Do you even have a plan?"
She flinched. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Kahit ako ay nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Hindi siya nakasagot at napayuko na lamang.
Tsk! Why am I asking her? The hell I care 'bout their deal!
I sighed. Maybe I'm just worried with what will happen to me. Yep, that's it! Tama! Inaalala ko lamang ang mangyayari sa akin. Wala naman akong pakialam sa babae na 'to!
Me... And money...
'Yun lamang ang mahalaga sa 'kin. Wala ng iba!
I sighed. What if matapos nang ginawa niyang pakikipag-usap ay nagduda ang aking ama sa 'kin? Ang tagal kong pinaghirapan na makuha ang tiwala niya, pero maaari itong mawala sa isang iglap lang dahil kay Yancey!
Hindi ko rin maiwasan na hindi magtaka. He said yes. That easy. And if I am right, hindi niya hahayaan na mamatay ito agad.
And why didn't he protest nang isama ako ni Yancey sa kondisyon niya? If Yancey can make it, he'll loose me...
Or is it because hindi na 'ko isang malaking kawalan sa kan'ya?
I shook my head. No! Hindi puwede!
Kaya niya akong itapon at pakawalan ng ganun kadali matapos niya akong pakinabangan?!
At pa'no ako? Sa sitwasyon ngayon ay hindi ko pa siya kayang pabagsakin! Kailangan ko pa ng sapat na oras para maisagawa ang mga plano na matagal kong pinag-isipan. Hindi ko hahayaan na itapon niya ako nang hindi ko muna siya napapabagsak!
Saglit akong natigilan when a plan suddenly came on my mind... I smirked with my own thought.
Hindi ko tuloy mapigilan na tanungin ang sarili ko kung bakit ang walang utak na babaeng 'to pa ang tinanong ko! Hindi ko nga alam kung marunong ba siyang mag-isip o sadyang padalos-dalos lang siya sa lahat ng ginagawa niya? Tsss...
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang malakas na pagbuga niya ng hangin. "A-AJ..." There's a hint of fear on her voice."Ma-May kasalanan kasi ako..."
I frowned and took a quick glance at her. What is it this time? Kailan ba siya hindi nagkaroon ng kasalanan sa 'kin?
"Bi-Binasa ko kasi...'yung journal mo..."
Bigla akong napapreno nang wala sa oras. My eyes were wide and my mouth went agape.
D-Did I hear it right?
What the---!
I clenched my fists and gritted my teeth. I threw a daggered glare at her that made her flinched. "Have you ever heard the phrase mind your own business?! Bakit kailangan mo pang mangialam!"
Something inside me started to build. Nabasa kaya niya lahat?
YANCEY'S POV
Napapikit ako ng mariin. Sabi na nga ba gan'to ang magiging reaksyon niya! Dapat pala talaga hindi ko na lang inamin sa kaniya, eh!
'Yan kasi, Yancey! 'Di naman 'yon ang tinatanong niya, bakit gan'on ang sinagot ko!
I gulped and opened my eyes. I couldn't look directly at him kaya manibela na lang ang tinitigan ko. "Sorry na. Hi-Hindi ko naman nabasa lahat kasi dumating si Tyra."
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?