Dedicated to kalabaw23
Last week ko pa talaga na-update ang Battered Wife. But for some reasons, hindi nag-a-appear 'yung new chap. So ito, try ulit i-publish. Haist.
YANCEY'S POV
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadampi sa mukha ko.
Teka! Falling for me raw? Si AJ?!
Dahil sa pagkatigalgal ko sa narinig ko ay hindi agad na-proseso sa utak ko ang sitwasyon namin ngayon.
Nanlaki ang mata ko. Teka?! Hahalikan ba niya ako?!
Halos nakadikit na ang labi ni AJ sa akin nang bigla ko siyang itulak.
"Oh, shit!" Muntikan ng ma-out balance si AJ. Hindi niya inaasahan ang pagtulak ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng puno ng pagtataka at pagkalito. Ako naman ay nakaramdaman ng pag-init ng mukha .
Bakit gan'to ang nararamdaman ko?
May parte sa akin na nagsisisi na tinulak ko si AJ at dapat nagpahalik na lang ako. Pero may parte naman sa akin na nagsasabing tama lang ang ginawa ko.
"What's the problem, Yancey?"
Napatingin ako sa mukha niya. Walang halong galit sa boses niya. Walang inis. Walang bangis.Bagkus ay tila nalilito. Nag-aalala. Nagtataka.
"A-AJ..." Hindi ko mahagilap ang dapat kong sabihin.
Unti-unti syang lumapit sa akin pero umatras ako. Tumigil siya at bumuntong hininga.
"Don't you feel the same way with me?"
Nasa tono ng boses niya ang pain at ang disappointment. Tila hindi ko nagugustuhan ang ibang AJ na nasa harapan ko ngayon, dahil ma's lalo lang niyang pinabibilis ang tibok ng puso ko!
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko sa kaniya.
Nagkakagusto nga ba ako sa kanya? O baka dahil lang ito sa lagi kaming magkasama?
Totoo bang may gusto na siya sa akin? Pero bakit? Papa'no?
Hindi... Hindi pwede!
Anak siya ng sumira sa buhay ko... Sa buhay ng pamilya ko!
Umiwas ako ng tingin at yumuko. "I-I'm sorry."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Agad ko siyang tinalikuran at tumakbo palayo. Patuloy lamang akong tumatakbo nang walang tiyak na patutunguhan.
Bakit?!
Bakit kailangan sabihin ni AJ ang mga salitang iyon?!
Bakit ako nalilito?!
Bakit ako nasasaktan sa paglayo ko?!
Bakit may parte sa akin na gustong bumalik, yakapin siya at sabihing gusto ko rin siya?!
Bakit?! Bakit?! At marami pang bakot!
Anak siya ni Michael Lee! Accessory siya ng kaniyang ama sa pagsira sa buhay ko. Kahit saang anggulo ko tignan, mali na magkagustuhan kami! Hindi kami pwede! Hindi!
Eh 'di ba kasal na kayo? Ano namang mali kung magkagusto kayo sa isa't-isa?
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?