Dedicated to gayabalde
Jon's PoV
Matapos naming malaman na pinapili si Yancey kung sino ang ililigtas niya between kay AJ at Mrs. Sparks ay parang gusto ko ng pasukin ang Joy! Lalo na ng marinig namin ang announcement ni Michael Lee tungkol sa gaganaping laban ni Yancey ngayong gabi! He is really a demon!
Pero hindi nasunod ang unang plano na susugod kami kapag nagsimula na ang laban. Una ay nagloko na naman ang device na dapat sana ay makakayulong samin upang marinig ang nangyayari sa loob, specially kay Yancey. Ikalawa, hindi kami basta pwedeng sumugod lalo na at hawak ni Michael ang Mama ni Yancey. Baka kapag bigla kaming umatake ay saktan niya ito!
That's why we formed a new plan.
Si Mike kasama ang lima pa naming kasamahan ay magkukunwaring audience.
Wondering kung paano namin nagawa ang operation na ito considering na hawak ni Michael ang karamihan sa mga kasamahan naming pulis?
Hindi man kapani-paniwala, bago pa ang pagtakas ni AJ kasama si Yancey mula sa Joy at nagawang traydurin ni AJ ang ama. Hindi ko alam kung paano niya naisakatuparan ang mga plano niya pero ang masasabi ko lang ay nagawa niya ito ng malinis at very smooth— na kahit si Michael ay walang kaalam-alam at hindi napansin ang mga nagawa ng anak behind his back.
At isa sa na-achieve ni AJ ay ang mapalipat sa panig niya ang aking ama!
I don't know how that jerk did it. Nagulat na lamang ako ng lumapit ang aking ama sa akin, asking for my forgiveness at handa raw siyang makipagtulungan para sa pagbagsak ni Michael.
Of course no'ng una nagduda ako. But when AJ said that we can trust my father at nang malaman ko na siya pala ang kumausap dito ay wala akong nagawa but to give him my trust.
Because of my father's connection and power, at bilang pinagkakatiwalaan ni Michael, ay nakagawa ito ng paraan para ang mga hawak niyang pulis ay magamit para sa operation na ito.
Ang hindi ko inaasahan ay may mga dinala rin si AJ na mga tauhan na halos kasing dami ng kapulisang kasama ko. Saan niya nakuha ang mga iyon? Hindi ko rin alam kung paano siya nakakuha ng ganoon karaming 'body guards' in a short span of time.
Mike's POV
Kasama ko ang lima sa kasama namin sa pagsugod sa Joy. Ang dalawa sa kanila ay tauhan ni AJ habang ang tatlo naman ay kapwa ko pulis.
Ang plano ay magpapanggap kaming audience para makapasok sa loob ng Joy.
Bukod sa kailangan naming magbayad ng malaking halaga per head ay may password pa bago ka makapasok.
Naghiwa-hiwalay kaming anim para hindi sila maghinala.
Pagkapasok namin sa loob ng Joy ay nag-obserba muna kami. Nang makahanap ng tyempo ay pinasok naming apat ang control room, hawak ang kanya-kanyang baril, habang ang dalawa ay pasimpleng nagbabantay sa labas nito.
Gulat na gulat ang limang katao sa control room ng makita kami. Hindi nila napansin ang pagpasok namin sa loob kaya hindi agad sila nakapaghanda sa pagdating namin.
Palihim sanang ipapaalam ng isa sa tauhan ni Michael ang pagpasok namin sa pamamagitan ng pagpindot ng button na nasa likod niya. Pagbabantaan ko na sana ito at sasawayin pero nabaril agad ito sa braso ng tauhan ni AJ. Ni-lock namin ang control room at ginawa namang tila hostage ng tatlo ang mga tauhan ni Micharl. Ako naman ay agad na lumapit sa mga monitor at controls na pwesto kanina ng mga tauhan ni Michael.
Nakita ko si AJ sa isang kwarto na halos magwala na habang pinanonood si Yancey sa monitor na nasa harapan njya.
Nakita ko rin sa isa pang monitor si Mrs. Sparks na nakaupo sa isang upuan at nakayuko.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?