YANCEY'S POV"Ang daya mo naman AJ, eh! Halos ikaw na 'yung umubos!"
Nandito ulit kami sa isang hotel suite. Ayon kasi kay AJ ay kailangan naming magplano.
Pero simula kanina ay wala naman kaming napaplano. May kinontak lamang siya kanina pero hindi ko naman alam kung ano ang pinag-usapan nila.
Matapos 'yun ay natulog siya at inutusan akong magbantay!
At ngayon, inubusan naman ako ng pagkain!
He wrinkled his nose. "I'm starving like hell! And you don't have any right to complain because I was the one who bought this! Fat and ugly lady!"
Nagpantig ang tenga ko sa narinig.
Ano daw?! Ako?!
Fat na ugly pa?!
Batak na batak na nga ang katawan ko sa pagte-training at diet tapos fat pa rin ang term niya sa katawang 'to? Hello, may abs na kaya 'ko!
Aminado naman ako na hindi ko ka-level sa ganda si Tyra, pero sigurado nama ako na hindi ako pangit, 'no! Teka, ba't ba nasali si Tyra? Erase, erase!
Ganiyan siya! Palibhasa kasi, wala akong makitang kapintasan sa mukha niya! Mas makinis pa nga 'ata mukha niya sa 'kin, eh. Sa ugali, 'yan tiyak na marami!
Teka! What? Pinuri ko ba siya?
"Baka ikaw!" Sa inis ko ay kinuha ko ang isang unan upang itakip ito sa mukha ko.
Pakiramdam ko ay tinitignan niya 'ko ng masama. Kaya itinaas ko ang isa kong kamay at nag-peace sign nang hindi nag-aangat ng mukha.
Hindi pa naman kami gano'n ka-close. May part pa rin ako na takot sa kanya.
Ikaw ba naman mura-murahin, bugbugin nang bugbugin, pagsalitaan ng kung anu-ano... Kahit sabihin na palabas lang ang mga 'yon, hindi ko pa rin maiwasan na matakot. Na baka kapag umikli ang pasensya niya mapatay niya na 'ko ng tuluyan.
On a good note, unti-unti na kaming nagiging okay kahit madalas ay masungit at bipolar siya. Baby steps, sabi nga nila.
Pero ang hirap talaga tantyahin ng ugali niya, promise!
Kapwa kaming nakaupo sa kama. Hindi pa rin nagbago ang posisyon ko, nakasubsob ang mukha ko sa unan. Nakatiklop ang mga binti ko at ito ang ginawa kong patungan ng unan na nasa mukha ko.
Hindi gawain ni AJ na magsalita kung hindi ka mauuna. Kaya naglakas loob akong magtanong...
"Asdfghjkl?"
Bigla niyang hinila ang unan na nasa mukha ko. Sumalubong sa akin ang nakabusangot niyang mukha.
"What the hell are you talking about? Sa tingin mo ba maiintindihan kita kung hinahalikan mo 'yung unan." Halata ang pagkairita sa boses niya. Hinagis niya ang unan palayo sa'kin bago muli ako binalingan ng masamang tingin. "Now, speak."
I gulped. Itatanong ko pa ba sa kaniya? Huwag na lang kaya? Baka biglang maging intentional pagsapak niya sa' kin, eh. Mahirap na.
Hindi ko napansin na natagalan ako sa pananahimik. Nagulat na lamang ako ng iritableng ginulo ni AJ ang kaniyang buhok at iritableng tumingin sa 'kin. "You're going to talk or what?!"
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?