Dedicated to imthestalker9091
YANCEY'S POV
"Ano?!" Gulat na tanong ko kay Jon at Mike. Nagbabakasakaling mali lang ako ng dinig.
"Ang mama mo ang nag- volunteer, Yancey. Ayaw niyang ipasabi ito hangga't hindi pa nasasagawa ang plano. Pasensya na." Ang tanging nasambit ni Jon.
Naramdaman ko naman ang pagpatong ni AJ ng kamay niya sa nanlulumo kong balikat. "Let's trust your mother."
Nanghihina akong ngumiti pero hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na mag-alala.
Napag-alaman ko kaynila Jon at Mike na nagpresinta ang mama ko na mag-spy sa papa ni AJ. Sa dinami-dami ng tao, ba't mama ko pa?!
Ito ba ang sinabi nila na malalaman namin sa papa ni AJ ang mismong sagot sa mga katanungan namin?
Ba't siya pa?! Ba't ba siya nagpresinta gayong galit ito sa kanila ni Papa?!
LUCY'S POV
Kinakabahan pa rin ako habang nasa guest room ng mansion ni Michael.
Simula ng dalhin ako ng tauhan niya rito ay 'di pa niya ako pinatawag para kausapin.
"Ma'am Lucy? Pinapatawag po kayo ni Sir Michael sa dining area." Putol ng isang kasambahay sa pag-iisip ko.
"S-Sige. "
Tumayo ako at iniayos ang sarili ko. Hinawakan ko ang kwintas na suot ko bago bumuntong hininga.
Para sa pamilya ko. Para kay Yancey.
JON'S POV
"Why didn't you tell me about this, huh Jon?! Mike?!" Nagpipigil sa galit ang bulong ni AJ sa 'min.
I sighed. "Hindi na ako nagkaroon ng chance na sabihin sa 'yo dahil sa nangyari kahapon at dahil...dahil na rin sa nangyari kanina."
Ayoko na sanang ipaalala ang tungkol sa pagkamatay ng nanay niya pero nasabi ko na, eh!
"At tulad nga ng sabi ni Jon kanina, ayaw ipaalam ng mama ni Yancey ang tungkol dito." Saad ni Mike.
Napahilamos na lang ng mukha si AJ at sinipa ang sofa.
Napatingin naman ako kay Yancey na tahimik lang at tila malalim ang iniisip. Ayoko rin naman no'ng una pero mama niya ang mapilit!
Inilabas ko ang laptop at binuksan. Napatingin ang lahat sa screen nito, maging si Yancey.
"Nakakonekta 'to sa hidden camera na nakakabit sa kwintas ng mama ni Yancey." Bungad ko.
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?