Chapter 06 - THE PAST

24.8K 285 7
                                    


LUCY'S POV

Ang bigat ng pakiramdam ko. Wala akong ibang ginawa ginawa sa buong araw na 'to kung 'di umiyak at magmukmok.

Batid naman namin na babalik si Michael para sa nagawa namin pero 'di ko akalaing si Yancey ang gagamitin niya para magantihan kami ni Ryan.

Ang sakit! Sobrang sakit na hindi man lang ako makagawa ng paraan para matulungan ang sarili kong anak!

Hindi ko maiwasang hindi balikan ang mga alaala na nagpabago sa buhay namin...

THIRD PERSON'S POV

Matalik na magkaibigan si Ryan at Michael. Bagamat bumalik ng Korea ang huli ay hindi nagbabago at pagmamahal nila sa isa't-isa na parang tunay na magkapatid.

Nagkakilala sa University na pinapasukan si Lucy at Ryan. Kapwa silang mga scholar ng pamilya Lee. Nagkagusto si Ryan kay Lucy at niligawan ito.

Unti-unting nahulog din ang loob ni Lucy kay Ryan. Sa araw na pinili ni Lucy na sagutin na ang huli ay siyang pagdating sa Pilipinas ni Michael at kapatid nitong si Soo Young.

Nakita ni Michael si Lucy ng dumalaw siya sa University. Unang kita pa lamang niya sa babae ay agad siyang nabighani dito.

Masiglang ikinuwento ni Michael kay Ryan at Soo Young ang tungkol sa babae na nakita niya.

"You know what, guys? I think I'm already in love.'' Michael said dreamily.

Napailing si Soo Young sa sinabi ng kapatid. "Stop it, Oppa! That's the fourth time na sinabi mo 'yan!"

Ryan chuckled. "Let him be, Soo Young. May nabasa 'ko na when people are in love, they become illogical."

Michael glared at Ryan while Soo Young rolled her eyes. "Ako sure akong in love ako sa'yo, but Oppa Chael? I doubt it. Ni hind niya nga ang alam 'yung name ng girl and I'm sure hindi siya kilala nito, 'no!"

Napangiwi si Michael sa tinuran ng kapatid. "Such a supportive sister, aren't you?"

They all laughed at his sarcastic remark nang biglang may maalala si Michael.

"How about you, Ryan? May napupusuan ka na ba?"

"Kuya!" Protesta ni Soo Young. "Ryan is mine, kaya!"

Napailing ang dalawang lalaki. Ryan answered Michael's question with a smile. "I'm courting someone."

***

Ryan promised Michael na ipapakilala niya ang nililigawan sa huli.

Ryan and Lucy planned to meet that day pero bago pa makarating si Lucy sa meeting place ay nakita na siya ni Michael.

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon