Chapter 28: Confession 01

10.6K 185 26
                                    

YANCEY'S POV

"Ann, hija, bibili lang ako ng gulay sa may bayan." Paalam sa 'kin ni aling Carol.

Agad akong ngumiti. "Pasensya na aling Carol, ha? Kung wala lang pong masasamang taong naghahanap sa 'min ay ako na po sana ang mamimili."

Winasiwas ni aling Carol ang isa niyang kamay. "Naku, Ann! Wala sa 'kin 'yon! Basta ba ay mag-iingat kayo. Bibili na rin ako ng gamot para kay Jacques."

Pagkaalis ni aling Carol ay saktong lumabas si AJ mula sa CR.

Bakit naman kaya biglang sumama ang tyan niya? Parehas lang naman kami ng kinain.

I sighed. "Ok ka lang ba?"

"Tss... I'm fine." bored niyang sagot. Dumiretso siya sa upuang kawayan para umupo. Tumitig siya sa sahig na tila malalim ang iniisip.

I can't help but smirked. Fine daw samantalang naka-tatlong balik na siya sa CR! Nagkakarera pa ang mga pawis niya mula sa noo niya. Pagod na pagod na nga ang hitsura niya tapos 'I'm fine'?

"Why are you smiling?" Naiirita niyang tanong.

Biglang nag-init ang mukha ko at napakagat sa labi.

"Uhm.. Ano... Kasi..." Ano bang sasabihin ko?! Paano ko ba mapapagaan ang kalooban niya sa kabila ng pinagdadaanan niya? "'Di ba ang saya pag nag-e-lbm, 'no? Kasi instant d-diet! T-Tanggal pa toxins sa katawan! 'Di ba ang saya? I-Inggit nga ko, eh." Pilit akong ngumiti kahit alam kong ngiting aso ang labas no'n.

Ano bang pinagsasabi ko!

Kumunot ang noo ni AJ at napakagat sa lower lip niya na tila ba nagpipigil sa pagtawa.

Napalunok ako habang hinihintay na kumawala ang isang ngiti sa kaniyang labi.

"I will just say this once..." Medyo nagulat ako ng magsalita siya bigla.

"A-Ano 'yon?" Ano ba Yancey?! 'Wag kang mautal, may sasabihin lang 'yung tao.

But what he said next made my jaw dropped.

"I think I like you. No... I don't just think I like you, 'cause I really do."

Matapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay halos nanigas ako sa puwesto ko. Laglag ang panga ko at halos tumalon na palabas ang mga mata ko. He smirked with my reaction and laid himself down.

Matapos niyang guluhin ang sistema ko, tutulugan niya lang ako?!

Dahil lutang pa rin ako, hindi ko napansin na dumating na pala si aling Carol. I tried to compose myself and offered my help to aling Carol.

Kinuha ko ang ampalaya at nagsimula nang maghiwa. Sa 'di malamang dahilan ay napasulyap ako sa natutulog na si AJ. Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ang sinabi niya kanina.

No, Yancey! 'Wag kang magpadala! Baka pinagti-tripan ka lang niya dahil sa pagngiti mo kahit nag-e-LBM na siya!

Biglang napatigil si aling Carol sa paghihiwa ng kalabasa. "Ayos ka lang ba, Ann? Namumula ka, ah!"

Napatingin ako kay aling Carol na nag-aalalang nakatingin sa 'kin.

Kinagat ko ang labi ko at umiling. Minabuti ko na lamang na ipinagpatuloy ang paghiwa ko sa ampalaya.

Ayon kay AJ, kahit gaano pa kabait si aling Carol sa amin ay kailangan pa rin naming mag-ingat. Kaya hindi namin sinabi ang tunay naming pangalan. Ang alam ni aling Carol ay ako si Ann at si AJ naman ay Jacques.

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon