Chapter 40 : Sabrina

8.3K 111 2
                                    

A/N: Ilang chapters na lang at matatapos na ang Battered Wife.

Will be posting a new story, maybe after ng BW but I'm still working on the plot.

Thanks po for reading kahit matagal bago ako makapag-update ;)

Still undecided kung happy o tragedy ang ending hihi..

Dedicated to darkswanstory

Yancey's POV

Pagod na pagod na ako at hinahabol ko na rin ang paghinga ko.

"Bakit mo ginawa 'yon?!" Nanginginig sa galit na tanong ko kay Sabrina. Ngunit sa kabila nito ay nagawa pa rin niya akong ngitian. Lalong nagpuyos ang damdamin ko.

"Why are you so angry? I gave you a favor. Believe it or not, sooner or later ay magiging pabigat siya sa'yo imbis makatulong. And I just erased your soon-to-be burden." Sagot niya. Mahina itong tumawa. "You should thanked me instead." She added using a irritatingly sweet voice.

"Iyon ba talaga?" Halos pabulong ngunit puno ng galit na nagdududang tanong ko sa kanya.

Tumawa si Sabrina ng nakakaloko na para bang nagsabi ako ng isang joke. "Of course not." Tumigil ito sa pagtawa at biglang naging seryoso. "Sadyang ayaw ko lang sa mga weak at isa siya sa mga weak na hindi na dapat hinahayaang mabuhay." Pinasadahan niya saglit ng tingin ang walang ulo na katawan ni Laurie at muling bumalik ang tingin sa akin. "She should've fight until her last breath pero mas pinili niyang maging pathetic at magmakaawa. And I can't even take na nag-offer siyang makipagtulungan sa kalaban in return of sparing her useless life." Napairap si Sabrina at nanliit ang mata. "She's nothing but a pathetic coward bitch." Maarteng saad nito. "And she deserves what I did to her."

Galit na galit ako.

'Yon lang ang dahilan?!

Ang pagmamakaawa ni Laurie?!

Ang pananaw niya na kaduwagan at pagiging mahina ang ginawa nito?!

"Mali ka..." Kontra ko sa sinabi niya na siyang ikina-nuot ng noo nito. "Hindi siya duwag at mahina tulad ng iniisip mo. It takes guts para magmakaawa ka sa kalaban mo. Hindi lahat kayang ibaba ang pride nila para mabuhay... Mabuhay hindi para sa sarili nila kundi para sa mahal nila sa buhay."

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon