CHAPTER 19: SURREAL

10.1K 165 2
                                    

Dedicated to rikilove1288

AJ' s POV

"Is she alright?" What a dumb question I have here! Of course she's not alright.

The doctor shrugged. "She will be fine. Kailangan lang nkya ng pahinga at inumin ang mga gamot na nireseta ko."

I nod. The doctor excused himself and left the room.

I sighed and took a glance at the woman who's sleeping peacefully like she's not carrying any burden.

She doesn't deserve these shits!

Kahit ilang buwan pa lamang kaming magkasama, napagtanto ko na isa siyang mabuting tao.

Kahit batid ko na nabasa niya na ang laman ng aking journal, I still can't believe na hindi man lamang siya nagpapakita ng poot sa akin!

Hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin o naiintindihan niya ang pinanggagalingan ko, pero hindi ko pa rin matanggap ang kabutihan niya sa 'kin.

I do not deserve that!

She should curse me... She should hate me...

But instead, she tried to understand me. And she even wished for my freedom!

I am not sure anymore if she's just playing around or she's really different among other women.

But one thing is for sure.... She's changing me. Bit by bit.

I hate it, but at the same time I like it.

I just shook my and shrugged the thought.

I took a cigarette from my pocke and lit it.

YANCEY'S POV

Bahagya kumunot ang noo ko nang makaamoy ako ng usok.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nilibot ng tingin ang paligid. Nasan nga ba ko?

"Are you alright?" Napunta kay AJ ang tingin ko, na kasalukuyang nagsisigarilyo habang nakatingin sa kawalan.

I nod curtly. "Nasa'n tayo?"

"House."

"Ano'ng nangyari?"

"You fainted." Bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at tila biglang nainis. "Damn!"

My mouth widened.

Teka, ano daw? Hinimatay? Sino? Ako?

Paanong ---

Bigla akong napasinghap nang maalala ko ang nangyari. Huli kong naaalala ay ang pagdilim ng paligid ko at ang pagtawag sa 'kin ni AJ.

So, nahimatay pala ako.

Hindi ko napigilan ang pagkuyom ko ng palad. Ang hina ko talaga! Pa'no ko magagawang manalo kung gan'to ako kahina?

Gamit ang aking peripheral vision, nakita ko ang pagkunot ng noo ni AJ habang nakatingin sa nakakuyom kong palad. Mukhang nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

He sighed and shook his head. "Not because you fainted, you are weak. No matter how strong and healthy you are, remember that you're still a human. Tao ka, Yancey. Tao na nasasaktan at napapagod. At tandaan mo rin na tao ka na nagmamahal sa pamilya at handang ipaglaban sila. Kaya 'wag kang basta-basta magpapadala sa sinasabi ng iba. Screw all their judgments! They don't know you and they are not you. Prove to my father that he is wrong!"

Nakatitig lamang ako kay AJ habang nagsasalita. And before I know it, a small smile formed into my lips at tila gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang sinabi ni AJ sa pagbabago ng mood ko. O sadyang hindi ko lang inakala na sa lahat ng maniniwala sa 'kin, si AJ pa.

Sa ikli ng panahon na nakilala ko si AJ, pinaniwala niya ako na may soft side pa rin siya sa kabila ng pagiging tila cold-hearted niya.

Minsan na siyang naging masayahin at normal na bata, kaya naniniwala akong may pag-asa pa siyang magbago.

Hindi ko napansin na bumuka ang akong labi, at lumabas ang mga katagang hindi ko akalain na sasabihin ko sa kanya.

"Thank you."

Every time I look at his eyes, I can see eyes that are hard to decipher, as if blocking anyone to see his thoughts and emotions. Para itong math problem na mahirap i-solve.

Pero nang magpasalamat ako sa kaniya, tila natunaw lahat ng proteksyon na bumabalot sa kaniyang mga mata. Rumehistro ang gulat. But it faded and his eyes became soft. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi.

Kahit hindi siya nagsalita, ang emosyon na nasa kaniyang mga mata at ang tamis sa kaniyang ngiti ay sapat na bilang tugon. The sincerity made my breath hitched and my heart beats... faster than usual.

Para siyang naging magnet. Hindi ko maalis ang tingin sa kanyang mukha. His face right now feels so surreal.

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Bakit gan'to ang nararamdaman ko?

Biglang tumayo si AJ at natatarantang lumapit sa 'kin. "Hey, are you alright?" Buong pag-aalala niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin at nanatiling tahimik. Pangalawang beses ng nangyari 'to.

Nang unang beses kong makita na nakangiti si AJ, naramdaman ko rin ang gan'to kabilis na pintig ng puso. Ang nasa isip ko pa nga no'n, kung nilalanggam lang ang ngiti malamang puro pantal na si AJ.

Sobrang tamis ng ngiti niyang 'yon at kahit saglit lang ay hindi ko na maalis sa isip ko. Wished that he'll smile once more.

I mentally laughed at myself.
Gano'n ba nakakabigla ang pagngiti ng gano'n ni AJ para maging abnormal ang pagtibok ng puso ko?

'Pag ba masungit, mainitin ang ulo at minsan masama ang ugali  bawal nang ngumiti? Wag OA, Yancey!

Pero naisip ko lang. Nakita ko na naman syang tumawa, pero ba't parang iba ang epekto ng ngiti niya sa'kin?

Teka, big deal ba dapat 'yon?

Erase, erase!

Bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang yamot na tinig ni AJ.

"Dalawang beses na kitang tinanong kung okay ka lang ba, but you didn't answer my question! Damn it!"

Tumikhim ako at umayos ng upo.

"O-Okay lang ako." Halos hindi ko magawang lakasan ang boses ko. I looked everywhere but him dahil hindi ko alam kung kaya ko siyang tignan.

Ngunit mukhang hindi siya kumbinsido. "Are you sure?"

Nainis ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko napigilan na pagtaasan siya ng boses. "Oo nga eh!" Hinablot ko ang kumot at humiga. Itinalukbong ko ito hanggang sa mukha ang buong mukha ko.

Ano ba'ng meron at parang nailang ako bigla? Bigla akong nagging uncomfortable at kahit wala akong lagnat ay naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

Are you alright ang tanong, Yancey, hindi will you marry me kaya umayos ka!

Teka! Bakit ko iniisip 'yon? May kinalaman ba ang pagkahimatay ko sa weirdness ko ngayon? O side effect pa rin ito ng special drug?

At impossible na tinanong niya 'yun dahil sa pag-aalala sa akin, 'no! For sure na nag-aalala lang siya na may mangyari sa akin at hindi ko magawa ang parte ko sa plano niya.

Narinig ko na lang ang yamot na tinig ni AJ. "Tss.. Women!" Sinipa niya pa ang gilid ng kama ko pero hindi ako gumalaw. "Tsk. Fine! Hindi na kita babantayan! Bahala ka sa buhay mo."  Narinig ko na lamang ang mga yabag niya papalayo at ang pagbukas ng pinto.

And before I realize he's gone, paulit-ulit kong tinatanong ang sarili...

Ibig bang sabihin, binantayan niya ko habang wala akong malay?

Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon