After a month...
YANCEY'S POV
"One spaghetti, one large fries, one chicken meal and two large drinks.." Pag-uulit ng cashier sa order ko. "Yun lang po ma'am?"
Tumango lang ako bilang tugon.
Oo, medyo nakakalaboy na 'ko, but not alone. Lagi kong kasama si AJ kahit saan man kami magpunta.
Tulad nga ng sabi ng papa niya, tinutulungan ako ni AJ para sa paghahanda sa darating kong laban. Lagi niya akong sinasamahan para mag-training.
Tuwing umaga ay nagja-jogging kami sa park at pagkatapos ay dumidiretso kami sa iba't-ibang gym. Matapos ng work out ay hinahanapan niya ako ng ka- sparing kahit ito ay lalaki.
Ilang beses na akong nanalo sa mga nakaka- sparing ko at batid ko na mas lumakas na ako physically. Pero feeling ko, hindi pa rin ako handa. Kapag si AJ kasi ang kalaban ko, 'di ako manalo-nalo. Pero at least, nag-improve na ako.
"Dine-in po ba ma'am or take out?"
Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng isang baritonong boses. "Take out."
Nang lingunin ko ang nagsalita ay nakita ko si AJ sa may bandang kanan ko.
"AJ!" Tipid akong ngumiti pero 'di niya pa rin ako tinatapunan ng tingin. "Akala ko ba maghahanap ka ng table?" Ang sabi niya kasi kanina ay dito na kami kakain.
"Are you stupid? I can't eat here! It's crowded!" I flinched nang bahagyang tumaas ang boses niya. Mukhang ayaw niya ngang kumain dito. Ako kasi ang nang-aya na sa fast food kami kumain ngayon, na-miss ko kasi.
Bumait na sa 'kin si AJ, pero slight lang naman. 'Pag nasa bahay kami, battered wife pa rin niya 'ko. Like what he said, dapat kaming mag-ingat dahil sa mga cameras at tauhan ng papa niya.
"So, saan natin kakainin 'tong order natin, sa bahay?" Gutom na talaga ang mga dragon ko sa tiyan matapos bang intense na work out.
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. "Can't you just shut your mouth and follow me?!" Bulyaw niya sa 'kin. Napatingin tuloy ang mga tao sa direksyon namin.
My mouth went agape. Simula ng malaman niya na nabasa ko ang diary niya, ngayon lang ako binulyawan ni AJ sa labas ng bahay.
PMS?
Halata ang pagkailang ng cashier habang inaabot sa akin ang order namin. Nang mahawakan ki na ang order ay agad tumalikod si AJ at sumenyas na sundan ko siya.
I just shook my head. Talaga naman! Akala ko ba kapag nasa labas, okay kami? Bakit ganito siya ngayon? Namamahiya pa!
'Di naman ako nag-e-expect na magiging gentle siya sa 'kin, kasi nasa personality na niya na kahit yata utot niya ay nagmumura.
"Grabe 'yung lalaki, 'no.."
"Gwapo sana, sama naman ng ugali!"
"Kawawa 'yung girlfriend.."
Napabuga ako ng hininga nang marining ko ang bulung-bulungan habang sumusunod ako kay AJ.
Mga judgmental talaga!
Never at ni sa panaginip na magiging girlfriend ako ni Aj!
Kapag talaga natapos na 'tong gulo, makakawala na rin ako sa kanila!
BINABASA MO ANG
Battered Wife [COMPLETED]
ActionKaya mo bang ipagsapalaran ang iyong buhay para sa pansariling interes ng iyong asawa at kapakanan ng iyong pamilya?