4 - The Warning

1.5K 53 1
                                    

CHAPTER 4 – The Warning

Chase’s POV:

Napagpasyahan kaagad naming umuwi pagkatapos na pagkatapos ng klase. Nyeta! Wala naman kwenta yung mga itinuturo nila sa klase kaya hindi kami pumasok tulad ng dati naming gawain sa ibang school at nagpagala gala lang kami sa buong Bloodwood Academy kanina at saka tumambay kami sa likod ng school nang mapagod kami hanggang sa nakatulog kami. Habang naglalakad kaming lima, napahinto ako para ayusin ang sintas ng sapatos ko kaya pinauna ko na sila Zico. Nakita ko naman na papunta sa direksyon ko sina Knight, KD, Ryanne at Aldave kaya nginitian ko sila. Ngumiti naman sila pabalik kaya inilabas ko na lang ang sigarilyo ko at sinindihan ito.

"Buong araw kayong hindi pumasok sa klase niyo kanina ah!" Bungad sa akin ni Knight habang nakalagay ang parehong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya at may nakasubong lollipop sa bibig.

"Ha? Ahh, oo! Wala kasing kwenta yung mga tinuturo nila kaya nagsaya na lang kami sa buong magdamag. Sayang nga at hindi naman kayo classmate, hindi tuloy kayo nakakasama sa amin."

"Nagsaya kayo?" Biglang sabat ni Ryanne sa amin ni Knight.

"Ang daya naman niyo naman. Hindi niyo man lang kami sinabihan kanina." Pagbibiro naman ni KD habang nakaakbay sa girlfriend niyang si Ryanne.

"Kung anu-ano na namang kalokohan ang pinaggagagawa niyo kanina noh?" Tanong na naman ni Knight kaya tumango lang ako sa kanya bilang sagot habang nakangisi sabay hithit sa sigarilyo ko.

"Paglabag na ba sa school rules yung pagiging masaya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakangisi. "Well, nanggulo lang naman kami kanina sa library tapos nanigarilyo lang kami sa likod ng school. Siguro nga paglabag ng matatawag yun."

"What?! Ginawa niyo talaga yun?" Gulat na tanong ni Ryanne sa akin kaya natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Hindi man lang ba kayo natatakot na baka magsumbong sila sa mga magulang niyo?" Tanong na naman ni Knight sa akin na parang nag-aalala.

Magulang? Wala namang pakialam sa akin yung mga yun eh. Kahit anong gawin ko, mas uunahin nila ang magpayaman. Kaya nga ako nagkaganito dahil sa kanila eh! Kung binuhos sana nila ang atensyon at pagmamahal nila sa akin, e di sana hindi ako ganito ngayon. 

"Walang pakialam sa amin mga magulang namin." Sabi ko habang nakatingin kay Knight. "Si Zelo, iniwan lang ng mga magulang niya sa kung saan nung bata pa lang siya. Si Amber at Zico, lumayas sa bahay nila dahil palaging nag-aaway ang mga magulang niya at si Cassadee, namatayan ng nanay nung bata pa siya tapos yung tatay niya inom lang ng inom at madalas mag-uwi ng kung sino-sinong babae sa bahay nila." Humithit ulit ako sa sigarilyo ko bago ko ito itapon. "Walang kwenta, di ba?"

"Akala namin mas maswerte kayo sa amin." Bulong ni Knight habang nakayuko.

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now