13 - The University Library

977 31 0
                                    

CHAPTER 13 – The University Library

Zelo’s POV:

Kanina pa kami nakakulong ni KD dito sa library at kanina pa din kami nagtatangkang kalasina ng pagkakatali naming dalawa. Tangina! Anong klaseng pagtali ba itong ginawa nila sa amin? Sobrang higpit! Pareho kaming nakaupo ni KD sa malamig na sahig ng library at medyo nakakatakot ang buong paligid dahil wala man lang ka-ilaw ilaw dito.

“Zelo, naririnig mo ba yun?” Bulong sa akin ni KD habang sinusubukan pa ring alisin ang tali niya sa kamay. Lumingon-lingon ako sa paligid, madilim kaya’t hindi naming makita kung may tao o hindi. Tanging naririnig lang naming ay ang mga yabag na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan naming dalawa.

“Shit! Sino kaya yung parating? Sana naman hindi yung mga baliw na student councils.”

“Sana sila Chase yung paparating.”

Halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nang makakita ako ng isang pigura ng babae na papalapit sa amin ni KD. Tinitigan kong mabuti kung isa sa mga student council yun.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makilala kung sino ang babaeng papalapit sa amin.

Si Ryanne, girlfriend ni KD.

Kitang-kita ang takot sa mukha niya pero napalitan din ng saya nang makita niya kami kaya agad niya kaming nilapitan at inalis ang pagkakatali naming dalawa.

"N-natatakot na ako sa lugar na to. L-let’s get out of here.” Nanginginig na ang boses ni Ryanne habang sinasabi yun kaya’t hinigit kaagad siya ni KD papalapit sa kanya at niyakap.

Napatingin lang ako sa kanila at napakagat ng labi ko. Nasaan na kaya sila? Ayos lang ba sila? Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sinabi ni Ryanne na sinubukan na niya sa main door pero nakalock maging ang mga bintana. Nilibot na niya ang buong school pero wala siyang nakita kahit isa.

Hindi naman magandang idea kung maghihiwa-hiwalay kami para maghanap ng labasan dahil baka may mangyaring masama sa isa sa amin. Napagpasyahan naming magsama-sama. Sa mga nababasa kong kwento, maraming sikretong lagusan ang mga library pero ewan ko lang sa lugar na to kung meron. Pero malay naman namin, di ba? 

Ang mga mamamatay tao na tulad nila, maraming itinatago at marami silang mga lagusan para mapunta silang kung saan-saan. Baka nga meron, dahil palagi na lang silang lumilitaw kung saan saan.

Kung meron, nasaan naman kaya?

Naglibot libot pa kami sa buong library pero wala talaga kaming makita kaya naisipan naming maghiwa-hiwalay na at baka mapabilis ang paghahanap namin. Pumunta sina KD at Ryanne sa basement ng library habang ako naiwan dito.

Sinubukan ko lahat ng nababasa ko sa mga kwento pero wala namang nangyayari. Napasandal na lang ako sa isang bookshelf dahil sa sobrang inis. Tanging ang tunog ng aircon lang ang naririnig ko.

Bumuntong hininga ako at nakarinig ako ng pagbukas ng pinto malapit sa kinatatayuan ko. Parang nanggaling sa likuran ko.

Alam kong tama ang narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"K---"

Tatawagin ko sana sina KD nang makita ko kung sino ang bumungad sa pinto. Si Alyana. Huminga siya ng malalim at sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Sinara niya ulit ang pinto at inilock. Ibinalik niya ang susi sa bulsa niya at kumanta kanta pa habang naglalakad sa library para hanapin kami.

Kahit na wala siyang dalang kanina ano, nakakatakot pa rin ang itsura niya.

Hinanap ko na sina KD at Ryanne at nakita ko naman sila sa likod ng mga bookshelves. Tinakpan namin ang mga bibig namin para maiwasang makagawa ng kahit anong ingay. Sana umalis na siya.

Zico’s POV:

Dumiretso kaagad kami nina Chase at Aldave sa pintuang nakita namin. Hindi man namin alam kung saan papunta to at least nakatakas kami dun sa tatlong baliw na sina Maxine, Ivan at Aldrin.

Ayos na rin naman ang kalagayan ni Aldave kaya hindi na kami nahirapang maglakad-lakad. Hindi na niya tinanong kung anong nangyayari at tinanong lang niya kung bakit wala siyang malay kanina at kung saan kami pupunta.

Madalim sa daang tinatahak namin pero mabuti na lang at may maliit akong flashlight na dala-dala.

"Nakakabaliw na to."

Napatingin lang si Aldave kay Chase. Talagang nakakabaliw tong mga nangyayari sa amin. Para kaming binabangungot at sana magising na kaagad kami. Ilang beses ko man paniwalain ang sarili ko na hindi totoo tong mga to, hindi ko pa rin magawa kundi ang tanggappin na talagang nangyayari to.

Napatigil kami sa paglalakad. Dead end. Isang matigas at malamig na pader na lang ang nasa harapan namin ngayon. Inilibot namin ang mga tingin namin at nagbabaka sakaling may ibang daan.

"Dude, may button dito oh." Bulong sa amin ni Aldave at dahan-dahan pinundot ito. Napaatras na lang kami nang biglang umangat yung inaakala naming pader. Bumungad sa aming tatlo ang napakalamig na hangin. Hindi na kami nagdalawang isip pa na tumuloy dun hanggang sa ma-realize namin na nasa library pala kami.

Wow, mula cafeteria hanggang library?

Nakita naman naming medyo nakabukas ang main door ng library. Alam kong itinago nila ang iba namin kaibigan dun.

"Nakatakas ba sila o isa lang sa mga siraulo yung nandyan?" Bulong sa amin ni Chase. Nagkibit balikat lang ako at nilibot ang library. Nagkalat ang mga libro kung saan-saan. 

Ano kayang nangyri dito?

"Guys!!!" Nakita ko na lang na nakangiti si Aldave na nasa harapan matapos marinig yung sigaw na yun.

"Zelo..." Bulong ni Chase at napangiti habang dahan-dahang naglalakad papalapit kay Zelo. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya. Thank God!

"Kasama ko sina KD at Ryanne kanina." Bungad niya. "Pero mag-isa na lang ako ngayon dahil tinatakasan nila si Alyana matapos nilang agawin yung susi. Hinahabol sila ngayon ni Alyana..."

Naglakad na kami papalabas ng library at nagsimula na kaming maghanap ng daan namin papunta sa football field ng Bloodwood Academy.

Amber’s POV:

Takbo lang ako ng takbo kahit na parang anytime matutumba na ako.  Nagtago ako sa makakapal na halaman malapit sa gate ng Bloodwood Academy. Kailangan kong makaipon ulit ng lakas para kahit papaano makalaban ako sa kanya at para mahanap ko na rin ang iba.

Sana okay lang sila.

Nanatili lang ako sa kinaroroonan ko habang nag-iisip kung anong dapat kong gawin. Saan na ba ako pupunta? Sa school building, library o gym?

Matapos kong makapagpahinga, napagpasyahan kong sa school building na lang magpunta tutal eto ang pinakamalapit sa akin ngayon. Mabuti na lang at hindi nakalock. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyan pumasok at isinara ng tahimik ang pinto.

Napakadilim ng mga hallway at hindi ko alam kung nasaan yung mga light switches. Seriously, nabibwisit na talaga ako sa mga nangyayari sa amin. Gusto kong pasabugin tong Bloodwood Academy sa sobrang galit. Leche!

Hay, hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin.

Should I go or stay?

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now