CHAPTER 18 – Almost Too Close…
Chase’s POV:
Napapakuyom na lang ang mga kamao ko sa sobrang inis. Kanina pa kami paglakad-lakad para maghanap ng daan papalabas sa lugar na ito pero wala kaming mahanap. Naiinis na talaga ako! Bakit ba hindi na lang sila lumabas sa pinagtataguan nila? Magpakita sila at humarap sila sa akin! Bakit pinapatagal pa nila kung papatayin din pala nila kami?! Hindi ba't mas mapapadali ang pagpatay nila sa amin kung magpapakita sila sa amin imbis na pinapaikot-ikot nila kami ng ganito!
Nagpahinga muna kaming lahat dahil kanina pa kami nagpapalakad-lakad dito. Maya-maya lang ay napagpasyahan naming kumilos na ulit. Nagkasundo kaming maghiwa-hiwalay para mas mapadali ang paghahanap namin. Kasama ko sina Amber, Cassadee, Knight at Aldave samantalang sina Zico, Zelo, Catrice, KD ang magkakasama.
Habang naglalakad kami, nakakita kami ng isang silid kaya naman dahan-dahan kaming pumasok doon.
"Ano yan?" Tanong ni Amber nang tumambad sa amin ang isang malaking makina sa gitna ng silid. Lumapit doon si Knight at pinagmasdan yun. Nilibot namin ang buong silid para makapaghanap ng mga tagong daan.
"Tulooooong!" Nagulat na lang kami nang biglang sumigaw si Knight. Nakita namin siyang nasa loob ng makinang nilapitan niya kanina at pilit na binubuksan yun. Agad-agad kamin naghanap ng bagay na pwedeng pambasag sa mga salamin ng makina.
Nanlaki ang mga mata namin nang biglang naglabasan ang tubig sa malilit na bukas sa loob ng makina. Shit! Pinaghahampas ko yung salamin pero walang nangyayari. Mabilis ang pagtaas ng tubig hanggang sa umabot na sa tuhod ni Knight.
"Cassadee..."
"Ilalabas ka namin dyan, okay?" Natatarantang sabi ni Cassadee kay Knight na hanggang ngayon ay nasa bandang dibdib na ang tubig. Sinenyasan niya si Knight na lumayo at nagsimulang pagsusuntukin ang salamin.
"Cassadee!" Pilit namin siyang pinapatigil pero ayaw niya. Patuloy lang siya sa pagsuntok dun hanggang sa dumugo ang mga kamao niya. Hinila siya nina Amber at umiling-iling pero nagpupumiglas lang siya at pinagsusuntok na naman ang mga salamin habang umiiyak. Napansin na lang namin na nagkakalamat na yun kaya tumulong na din ako sa pagbasag ng mga salamin hanggang sa mailabas na namin si Knight na naghahabol ng hininga.
Lumapit kaagad si Cassadee kay Knight at niyakap ito ng mahigpit.
"Thank God, you're okay."
Napalingon na lang kami nang pumasok sa silid na kinaroroonan namin sina Zico na alalang-alala. Lumapit kaagad sila sa amin at tinulungan kaming akayin si Knight.
"Damn it! Anong nangyari? Okay lang ba kayo?"
Tumango na lang kami at ginamot na muna ang kamao ni Cassadee. Napabuntong-hininga na lang si Zico para mahinahon ang sarili niya. Alam kong nanggagalaiti na itong isang to sa mga baliw na nakikipaglaro sa amin.

YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."