CHAPTER 19 – The Search
Amber’s POV:
Magkasama kaming dalawa ni Zelo sa iisang kabaong at nakapatong ako sa kanya. Rinig na rinig ko ang mabibigat na paghinga niya. Sigurado akong hirap na hirap na siya lalo na't nakapatong pa ako sa kanya. Sinubukan kong umusog sa tabi niya pero hindi ako makagalaw.
Pawis na pawis na kaming dalawa. Ang init dito and not to mention, nakakasuffocate. Iniangat ko ng konti ang sarili ko para makahinga kahit papaano si Zelo.
"H-hindi ko na kaya..."
"No, baby! W-wag ka magsalita ng ganyan, okay? M-makakaalis tayo dito. J-just hang in there." Hinalikan ko siya sa labi at pinilit kong umusog sa gilid niya. Nakatagilid kaming dalawa ngayon at magkaharap. Sigaw kami ng sigaw ng tulong. Alam kong may taon diyan sa labas. Gustung-gusto nilang nakikipaglaro sa amin kaya alam kong hinding-hindi nila kami iiwan na lang basta-basta.
Someone please come and save us. We're running out of time.
Chase’s POV:
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Inilibot ko ang mga paningin ko sa buong lugar at saka ko lang napatanto kung nasaan ako ngayon. Dinig na dinig ko ang pag-agos ng tubig mula sa gripo malapit sa akin.
Halos nakalubog na ang katawan ko sa tubig. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Ang higpit ng pagkakatali nila sa mga kamay ko. Fuck!
Nakahiga ako sa isang bathtub habang nakatali ang mga kamay. Napamura na lang ako dahil unti-unting tumataas ang lebel ng tubig. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng mga kamay ko kaya naman napapikit na lang ako.
Is this how my fuckin' life going to end?! Shit!
Knight’s POV:
Nasaan na ako? Inilibot ko ang paningin ko pero wala akong ibang makita kundi kadiliman.
Malamig ang buong lugar pero ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa sobrang kaba at takot. Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa duct tape. Nakatali naman ang mga kamay ko sa likuran ng upuan ko. Sinubukan kong kalasin ang tali sa kamay ko pero bigla na lang may humablot sa buhok ko at pilit akong itiningala. Naramdaman ko rin ang isang matalim na bagay na nakatapat sa pisngi ko.
"Gustong-gusto ko talaga ang mga taong mukhang mga manika. And you know what, isa ka na sa kanila."
Si Maxine! Lalo akong nakaramdam ng takot nang haplusin niya ang mukha ko. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Lumayo siya konti sa akin at binuksan niya ang lampshade sa tabi namin. Kumuha siya ng upuan at naupo sa harapan ko habang nakangiti.
Nakangisi lang siya sa akin habang hawak-hawak pa rin ang kutsilyo sa kaliwang kamay niya. Nakatingin lang siya ng diretso sa mukha ko at nakita kong lalong lumaki ang mga ngisi niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at inilapit din ang kutsilyo sa pisngi ko pababa sa leeg ko.
Napalunok na lang ako nang itinigil siya iyon sa leeg ko. Ngumisi lalo siya at ibinalik ang kutsilyo sa pisngi ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang sakit. Napailing ako sa sakit na naramdaman ko pero tumawa lang siya.
Bumaba na naman ang kutsilyo niya sa dibdib ko kaya lalo akong umiling-iling. Natatakot akong bigla niya akong saksakin sa puso. Mas gugustuhin ko pang ihulog niya ako dito sa building kaysa masaksak.
Hinaplos niya ang dibdib ko habang tumatawa.
"Let's see. Ano kayang gagawin ko sayo?" Nakalagay ang kamay niya sa ilalim ng baba niya na para bang nag-iisip. Umiiling-iling lang ako sa kanya para magmakaawa. "Oh, I know.."
![](https://img.wattpad.com/cover/9864805-288-k676395.jpg)
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Misterio / SuspensoBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."