"Wow! Sobrang ganda dito Lance." napahanga si Pat ng nakarating na sila sa talon. Ito iyong natatanaw niya mula sa bungad ng Hacienda ng dumating sila.
"Yes, lalong gumanda ngayon." sabi nitong nakatingin sa kaniya.
"Wala bang naninirahan malapit dito?"
"Wala, ako lang." maikling sagot nito.
"Is that your cottage?" napansin niya ang isang kubo, malapit sa talon.
"Come, kailangan mo ng magpahinga." aya nito.
"Dito tayo matutulog?" gulat na tanong niya. Sabagay medyo malayo din ang villa, pagod na rin siya.
"Yes, Ill sleep here. Pero kung gusto mong bumalik sa Villa, you are free to go." bumaba na ito sa kabayo, ng nasa harap na sila ng cottage.
"Sungit! Nagtatanong lang eh!" mahinang sabi niya sabay make face.
"You prefer to sleep with Mystic? Ba't dika pa bumababa diyan?" pumasok na ito sa cottage.
Inirapan niya ito.
"Kung dika naman kasi ungentelman, di kanina pa sana ako nakababa." bulong nito. Sabay baba sa kabayo. Pumasok narin siya sa cottage.
Sa loob nito, hindi mo masasabing simpleng cottage lang. May isang room, may munting sala, at kusina. Actually, bahay iyon. May isang mahabang sofa at may TV. Hindi mo aakalaing ang isang kubo na yari sa kawayan ang labas nito ay isang modernong disenyo ang makikita mo sa loob. What do you expect Patricia? Magiging future engineer kaya ang future husband mo. Kinilig siya sa isiping iyon. Nangingiti siyang tumingin kay Lance.
"What?" hasik nito. OMG! Kanina pa pala siya nito tinitingnan.
"Nothing, saan ako matutulog?" nakaramdam na siya ng antok. Bukas na siya mamasyal.
"Sa kwarto."
"Okay." at pumasok na siya. Single bed. Iyon ang nakita niya.Saan matutulog si Lance kung uukopahan niya iyong bed? Bumalik ulit siya sa sala. Nakapikit si Lance, na nakaupo sa sofa.
"Lance?" mahinang gising niya.
Hindi ito sumasagot.
"Lance." ulit niya.
Nakapikit pa rin ito. Ang gwapo niya. Matutulog kaya ako o titigan ko nalang siya? Ang layo mo sakin noon, ngayon sobrang lapit mo na. Konti nalang magiging tayo na.
"Lance." niyugyog niya ito ng mahina.
"Don't make me open my eyes Patricia, dahil baka di ako makapagpigil ay pareho tayong di makakatulog hanggang umaga." wika ni Lance pero nakapikit parin ito.
"Ha?" Ano daw? Di niya gets. Pero iyong di makatulog hanggang umaga. Hindi niya kaya iyon. Kaya mabilis pa sa alas kwatro siyang pumasok ulit sa kwarto.
Ten minutes palang siyang nakahiga, nakatulog na siya. Hindi na niya namalayan ang pagsilip ni Lance.
*****
"Morning love." masayang bati ni Pat kay Lance, na nagkakape sa may kusina. Kumunot ang noo niya. Ano pa ba ang bago kay Lawrence Saavedra, e punaglihi ata sa kasungitan. Naku! kung di lang niya mahal e, baka pinaglalamayan na to.
"Kain na."
"Ikaw?" Sunny side up, tocino at sinangag. Iyon ang linuto ni Lance. Nang biglang may naalala siya. Kinuha niya ang phone niya.
"What are you doing?"
"Pipicturan ko, kasi ito ang una mong niluto para sakin." masayang sabi nito. Nakailang take na ito ng picture.
"Crazy." mahina pero dinig niyang sinabi ni Lance.
Iningusan niya lang ito.
"Okay, let's eat!" pagkatapos nakakuha ng 20 shots ng pare parehong anggulo ng itlog at tocino. Syempre san ka naman nakakita ng itlog na marunong umanggulo.
"I'm done." sabay tayo. Hawak niya ag kape niyang lumabas.
"Pero, ang dami nito."
"Ubusin mo, kapayat mo." sabi lang niya.
What? Siya payat? Sexy siya. Dahil sa medyo na hurt siya sa sinabi ni Lance. Inubos niya lahat ng nakahain.
Wala si Lance sa labas ng cottage paglabas niya. Sobrang ganda ng paligid. Nag aanyaya ang talon. Lumapit siya dito. Maliligo siya, sabi naman ni Lance walang nagagawing tao doon. Inalis niya ang summer dress niya. Naka panty at bra nalang siya. Sanay siyang naka two piece at hindi siya nahihiya sa katawan niya. Hindi naman talaga siya payat, may pagka slim lang pero malaman. Sinawsaw niya ang paa niya. Napaatras siya dahil sa lamig ng tubig. Pero maginhawa sa pakiramdam. Lumusong na siya, hanggang sa may dibdib niya. Langoy dito langoy doon. Nang biglang may bumagsak sa tubig.
Ano iyon? Ahas? Lumulutang ito, na mejo maitim na mahaba. Papalapit ito sa kaniya. Parang nanigas siya sa kinakatayuan at hundi na siya nakagalaw. Ahas! Gusto niyang sumigaw. Pero walang boses na lumabas sa bibig niya. Oh! Lance san ka ba?. Naiiyak na siya, ksi palapit ng palapit iyong bagay na iyon. Sa wakas naihakbang niya ang paa niya. Pero sobrang gulat niya ng may nabunggo siyang matigas na bulto sa likuran niya.
"Afraid sweetheart?" si Lance.
Bigla siyang napayakap dito.
OMG! naka brief lang ito.
Bigla siyang lumayo.
"Ba't andito ka?" iyon ang unang lumabas na mga salita sa bibig niya.
"Maliligo." sabay kuha sa bagay na iniiwasan niya. Isang sanga lang pala ng puno.
Inilubog niya ang katawan niya sa tubig, hanggang leeg. Nakaramdam siya ng hiya, kahit halos may nangyari na sa kanila ni Lance nahihiya parin siya. Alam niya hindi ito nagagandahan sa katawan niya. Lumayo siya ng bahagya rito, parang bigla kasing naging hotspring iyong dating napakalamig na tubig kanina. Sa sobrang hot niya, kukulo na ata tong tubig. Lumangoy si Lance, palayo sa kaniya at habang siya'y di na makagalaw sa kinalalagyan.
"Aahon na ako." sabi niya, kailangan na niyang umalis doon.
"Wait." pinigilan siya ni Lance. Nasa tabi na pala niya ito. Hinapit siya niyo. Gosh! Ang yummy!
Tiningala niya ito. Ang tangkad niya. Ang macho pa. Ang gwapo parin niya kahit wet look.Ang hot!
"Feel it, sweety?" tanong nito at lalong dinikit ang katawan niya sa kaniya.
Ano daw? Hindi niya magets.
Hanggang sa....
Owmaygad!
May ahas!
"A-aahaas!" napasigaw siya.
"Ha? Where?" palinga linga si Lance.
"No, no, no!" ang laki na ang mga mata niya. "Lance, here." Inginuso niya sa pagitan ng mga katawan nila.
Di siya makagalaw. Ang tigas namang ah-as.. Nang biglang tumawa ng malakas si Lance.Nakanganga lang siya habang tinitingnan itong tumatawa.
"Why are you laughing? Sinabi kung may a-!" bigla siya nitong hinalikan.At lalong hinapit ang katawan niya. Parang nawala ang lahat ng init ng katawan niya ng napagtanto ang totoo. Hindi pala ahas kundi si Mr. Anaconda.Itinulak niya si Lance ng malakas.
"asshole!" sigaw nito at mabilis na umahon. Nakakahiya siya. Matigas na ahas sa ilalim ng tubig? Pero pinaglalaruan parin siya ni Lance. Dapat hindi siya nito tinawanan. Nanggigil siya. Dinig na dinig parin niya ang tawa ni Lance hanggang sa cottage.
"Bastard!" nanggigigil paring sigaw niya.
______________________________________
Hi po,
Pls. vote and comment po.
Thank you.
"
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise