Isang linggo na ang nakakaraan simula ng huli silang nag-usap ni Lance. Naging busy narin siya sa bago niyang clinic. Ang hudyo di pa nagsisimula, umaatras na! Hindi na kasi ito nagpaparamdam.
"Doktora, bulaklak po para sa inyo." pumasok ang assistant niya sa office niya na may dalang isang bouquet na red roses.
"Kanino daw galing?" kinuha niya ito at tiningnan ang note.
To: Dr. Patricia Louise SAAVEDRA,
I miss you babe.
Your husband,
Napangiti siya. Talagang naka-capitalized ang alelyedo nito a. Napaka possesive naman ng note. Parang isa lang ang gusto nitong sabihin dun. Na asaaa siya nito.
Naala niya bigla ang pag-uusap nila ng kaniyang mga magulang sa hospital noon.
"I'm sorry anak." ang Dad niya.
"Bakit Dad? Masyado na ba kayong desperado at nagawa niyong planuhin ang pekeng kasal na iyon para lang sa kaligtasan ko?" galit niyang sumbat sa ama. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ng magulang niya.
"Anong pekeng kasal,na sinasabi mo anak?" ang kaniyang ina.
"Huwag na kayong mag-maang maangan Mom. Si Lance, pinakasalan niya ako dahi narin sa pakiusap niyo!" ramdam parin niya ang sakit na dulot ng kinungalingang iyon.
"Sino nagsabi sa iyo niyan?" nagulat ang Daddy niya. Siya naman ay di makasagot. Kay Belinda lang naman niya nalaman iyon. Pero...
"Hija. Mali ang iniisip mo." ang Mommy niya.
"Patricia listen to me. Alam kung may problema kayo ng asawa mo bago ka pa man nawalan ng ala-ala. Pero ang sinisigurado ko sa iyo, hindi peke ang kasal niyo ni Lance." paliwanag ng ama niya.
"Ang ideyang kasal ay hindi sa amin mismo nanggaling anak. Kay Lance misml iyon. Nakiusap siya sa amin,na pakasaln ka. Sa una, nagulat kami. Kahit minsan hindi ka nagpakilala ng kasintahan sa amin. Tapos biglang may lalakeng humihingi ng blessing para pakasalan ka." kwento ng ina niya.
Nagulat siya sa rebelasyong iyon. Being Mrs. Saavedra is for real. Masyado lang siyang nagpabulag sa mga kasinungalingan ni Belinda. Sinira nito lahat. Nanikip ang dibdib niya ng maalala ang pinagbubuntis niya ng mga panahong iyon. Kasalanan ko. Kung hindi ako umalis noon, siguro buhay pa ang baby namin ni Lance. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha niya.
"Anak. Mahal ka ng asawa mo. Kami ng Mommy mo ang magpapatunay iyon." ang Dad niya. Hindi niya magawang sumagot.
"Noong araw na may nagtangka sa buhay mo ay iyon din ang araw na naaksidente si Lance. Na comatose siya ng anim na buwan. Samantalang ikaw, isang buwan bago ka nagising pero wala kang maalala." lalo siyang nagulat sa sinabi ng kaniyang ina. "Inilayo ka namin anak sa takot na mapahamak ka ulit. Tulad ng unang plano namin ng Dad mo, pinalitan namin ang identity mo at dinala ka namin sa liblib na lugar na iyon. Sorry anak, pero iyon lang ang alam naming makabubuti sa iyo. Lalo na't sa mga panahong iyon ay hindi pa nahuhuli ang nagtangka sa buhay mo." mahabang paliwanag nito.
"Mommy." humaguhol na siya. Ganun pala ang nangyari sa kanila ni Lance.
"Nang magising si Lance, ikaw ang una niyang hinanap. Hindi pa siya gumagaling ay nagpunta na siya sa bahay. Hindi namin masabi kung nasan ka anak, naawa kami sa kaniya." sabi ng Dad niya. "Sinabi ko sa kaniyang wala ka na. Pero hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit sa amin. Katulad noong time na gusto ka niyang pakasalan, matigas ang ulo ng batang iyon." napangiti ang Daddy niya.
"Kaya patawarin mo na siya anak." nakangiting saad ng Mommy niya.
Napaiyak siya.
Kinapa niya ang dibdib niya. Galit ba siya kay Lance? Sa nalaman sa magulang, parang lalong umusbong ang pagmamahal niya sa asawa. Yes.Asawa niya. Hindi lang siya ang nahirapan, pati rin ito.
Isa nalang ang gusto niyang marinig. Ang salitang "mahal kita" mula sa binata.
Nagulat siya ng bumalik siya sa realidad ng biglang nag ring ang cellphone niya.Tiningnan niya ang screen. Si Lance.
"Hi babe, natanggap mo iyong mga bulaklak?" bati nito sa kabilang linya.
"Yes." sagot niya
"Nagustuhan mo ba?" tanong ulit nito.
"Ah, medyo?"
"Medyo? Bakit pangit ba? Damn! Ipapasara ko ang flower shop na iyon!" mura nito. Napangiti siya. Okay lang ngumiti, hindi naman nito nakikita.
"Hindi ko naman kasi favorite ang red na rose." sabi niya dito.
"Ganoon ba?" narinig niyang huminga ito ng malalim. "Okay! Starting today, make it as your favorite flower." ang hudyo, diniktahan pa siya. Naku!
"Bakit mo ako kailangang diktahan kung ano ang gugustuhin ko aber?"
"Para pag nakakita ka ng red roses, ako lang ang maiisip mo." tudyo nito.
Napangiti siya. May hugot lang sa bulaklak?
"Okay. Katulad ng rosas, matinik.nakakasakit." siya din may hugot. Bigla itong tumahimik sa kabilang linya.
"Pero masarap amoy-amoyin." seryoso nitong sabi. What? alam nanaman niya ang ibig sabihin ng mga salita niya.
"Pervert!" mabilis niyang pinatay ang phone, pero narinig pa rin niya ang pagtawa nito.
Inilagay niya sa base ang mga rosas. Ito ang unang bulaklak na natanngap niya sa lalakeng pinakamamahal.
Nagsisimula na bang manligaw ang despicable prince niya?
______________________________________
Thank you:)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
Lãng mạnSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise