Lumipas ng mga araw ng napagdesisyonan ni Pat na di muna sundan si Lance. Malapit na kasi ang finals nila. Second year college na siya sa kursong Vet Med. She loves animals. Kahit gaano siya kaarte, hindi siya naartehan sa mga hayop. Pareho sila ni Kat ng kinukuha. Kailangan niyang magfocus para sa future nila ni Lance. Napangiti siya. Kahit iniisip lang niya iyon na may future silang dalawa, masaya na siya. Pareho sila ng school na pinapasukan ni Lance, kaso medyo malayo ang building nila. Kumukuha naman ito ng Civil Engrng. nasa fourth year college na din ito. Walang hindi nakakakilala kay Lawrence Saavedra. Guwapo at matalino. Masyado siyang misterious, suplado ang dating at higit sa lahat mas mayaman kaysa sa angkan niya.Pero lahat nun balewala sa kaniya. Madami na siyang alam tungkol sa kaniya! Favorite food, class schedules, classrooms, Grades niya sa quiz at exams niya.
"Namimiss ko na siya, 1 week ko na siyang di nakikita." bulong nito sa sarili. Napayuko nalang ito sa mesa, ng ilang segundo lang bigla siyang napatayo. "Alam ko na! Sa canteen nalang ng college nila ako maglunch!" excited na sabi nito, sabay ayos sa gamit at tumalilis na.
College of Engineering
"Pumasok kaya siya?" dahan dahang naglalakad papunta sa canteen, habang palingalinga ito.Ng biglang may nabunggo. Lahat ng books na hawak niya ay nahulog.
"Hey! Ano ba! Dika ba-" galit na sabi niya pero napatigil siya ng mapagsino ang nakabunggo sa kaniya.Si Lance. Okay! Relax, Patricia! Yang beauty mo!
"Oh, it's Patricia Navarro! What are you doing here?" sabi ng babaeng nakapulupot kay Lance.
Bumalik ang inis niya. Okay! Selos siya! Impakta! akala mo maganda para namang ahas kung makapulupot!
"Well, may binibisita lang ako." maarte ding sagot niya. Akala mo siya lang ang may K? Mas may karapatan naman siyang mag inarte kasi mas maganda siya.
"Let's go" sabi ni Lance na nakatingin sa kaniya. Medyo matalim na tingin. Hinila nya iyong ahas! Este babae! Nainis siya. Iiwan nalang siya pagkatapos siyang banggain? Sa sobrang inis niya, hindi pwedeng binabalewala lang siya. Siya kaya si Patricia Navarro. Ano man magustohan niya ay makukuha niya! Kahit sa anong paraan! Bahala na si Batman.
"Hey Lance!" Tawag nito ng malakas. Nakuha naman niya ang attention niya pati ang babaeng nakakapit sa kaniya.Humarap ito. Pagkatapos nun ay lumapit ito sa kanila.Nakakatawag na sila ng pansin sa mga estudyanteng nandun. Nang nakalapit na ito sa kanila ay tinanggal nito ang kamay ng babae na nakakapit kay Lance.
" Whaaat?!" nagulat ito, at halos mabuwal sa lakas ng pagkatulak ni Pat.
"Bitch! Umalis ka na sa harap ko kung ayaw mong malaman ng lahat ng baho mo at huwag na huwag ka na ring lalapit kay Lance kung hindi ipapa kick out kita sa school na ito!" sobrang nagulat ang babae at dalidali naman itong umalis. Yeah! madali lang takutin ang mga katulad niyang malalandi! Alam niya lahat ang sikreto niya. Isa kasi ito sa laging dikit ng dikit kay Lance kaya inalam din niya ang kahinaan niya para may panlaban siya! Gandang moves. Tiningnan niya si Lance. Wala man lang itomg reaksyon!
"May sasabihin ka ba?" walang facial expression na sabi nito.
"Yes!" This is it. Iti na iyong time! "Lance, kwaaan kasi-" Nabubulol niyang sabi. Bakit pag siya na kausap niya nawawala na iyong pagkamaldita niya.
"Aabutin ba tayo ng gabi, bago masabi ang gusto mong sabihin?" pasupladong sabi nito. "If you are sorry about what you did, Its okay. Sanay na ako." sabi ulit nito ng biglang tatalikod na para umalis.
"I love you Lawrence Saavedra! Six months, three weeks and 2 days na kitang mahal!" wala na siyang hiya, sinabi na niya. Napatigil si Lance sa paghakbang,pero nakatalikod parin ito sa kaniya. "Mahal kita Lance, kailan mo ako papansinin?" nakakaagaw pansin na sila. May kinikilig, may nagbubulungan at may di makapaniwala sa inakto ni Pat. The high and mighty Patricia Louise Navarro, na dati lalake ang naghahabol ngayon siya na naghahabol sa lalake. Humarap sa kaniya si Lance.
" What's your name again Miss?" tanong ni Lance sa kaniya.
Nabigla siya sa tinuran ni Lance. Sabi niya kilala niya ako. Don't tell me, panaginip lang lahat iyon.
"I thought, you know me? We even kissed the other day." wala sa loob niyang nasambit.Lalong lumakas ang bulongan.
"Ah yah! Your Id. So you are Miss Patricia Navarro". Kibit balikat na sabi nito sabay tingin sa Id niya.
Napatulala siya. So nabasa lang niya nun sa ID niya ung pangalan niya. Ilusyunada ka talaga Pat.
" And the kiss? You can call that a kiss?" nakangising sabi nito. "Madami ka pang kailangang matutunan bago mo masasabing kiss iyon, Princess" nakaismid na sabi ni Lance.
Iniinsulto ba siya nito? First time niya e. Anong magagawa niya! Nabaliw siya at hindi siya pinatulog ng ilang gabi dahil sa kiss na yun. Tapos di pala kiss para sa kaniya iyon. Nakakahiya! Pinapahiya niya sarili niya! Okay! Nasasaktan siya. Una dahil hindi talaga siya nito kilala at pangalawa ininsulto siya sa paraan ng kaniyang paghalik!
"Okay, Mister alam mo bang first time ko iyon? At ganiyan lang sasabihin mo sa akin?!" nanggigil na siya" Don't worry, babalikan kita at ipapatikim sayo ang halik na hinahanap mo! Madami akong suitors na handang magturo sa akin, lahat ng klaseng halik ipapaturo ko! Mayabang, akala mo kung sino ka. I'll get back on you so wait!" nangagalaiti na siya. I hate him but I love him too! Ano ba yan ang gulo.Tumingin ito kay Lance. Nagagalit ba siya? Nakatiim baga ito. Ang dilim ng mukha niya parang magwawala. Anong bang sinabi niya? Gosh, nakakatakot itsura ni Baby Lance.Lumapit ito sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay. Masakit ang pagkakahawak nito.
"Lance, nasasak-."
"Don't you dare, Tricia! Ipapabugbug ko lahat ng suitors mo o ako mismo bubugbog! Naiintindihan mo?! bulyaw nito sa kaniya at padaskol na binitawan ng kaniyang kamay, bago nito siya iniwan.
Nabigla siya. Ano daw? Rewind please! Bakit parang ang weird ni Lance.Nagseselos ba si Lance sa mga suitors niya? OMG! may pag-asa ba ang nararamdaman niya para dito. Nagniningning ang mata niya na sinundan ng tingin ang kaniyang Price Charming.Tinawag siya nitong Tricia? siya lang tumawag sakin ng ganun! Ang sweet! Kinikilig siya sa ideyang u.
![](https://img.wattpad.com/cover/75319914-288-k103863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomansSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise