Nasa kuwadra si Patricia sa mga sandaling iyon. Nabuburo na kasi siyang nagkukulong sa loob ng bahay. Kaya naisipan niyang pasyalan ang mga alagang kabayo nina Lance.
"Ma'am bakit nandito pa kayo? Dumating na po yata si Señorito." biglang sabi ng matandang katiwala. Magtatanghali na kasi, hindi na rin niya namalayan ang oras.
"Talaga po manong?" sobrang na excite siya ay tumakbo siya agad. Iniwan niya ang ginagawa niya. Mabilis pa sa alas-kwatro niya narating ang Villa.
Pero hindi niya inaasahan kung sino ang madadatnan niya sa sala. Si Belinda.
"Anong ginagawa mo dito?" tumigil siya sa paghakbang. Tumayo naman ang babae.
"Oh, hi Patricia. Ako dapat ang magtanong niyan diba? Bakit nandito ka pa?" nakataas kilay niyang sabi.
"May karapatan ako dito at hindi ikaw ang magpapaalis sa akin." kalma niyang sabi. Ayaw niyang magalit dahil inaalala niya ang dinadala niya. "Si Lance? Magkasama ba kayo?" bigla niyang natanong.
"Oo naman, isang buwan ko siyang kasama." tumawa ito.Sumakit ang dibdib niya sa narinig."Kung ako sa iyo ay umalis ka na, huwag mong antaying si Lance pa ang mag-paalis sa iyo." banta nito sa kaniya.
"Bakit niya ako papaalisin, asawa niya ako." sagog niya. Pero tawa lang ang narinig niya mula sa babae.
"Asawa?" sabay tawa. "Hindi mo ba alam na peke lang ang kasal niyo? Kaya huwag kang mag-inarte na parang totoo ka niyang asawa."
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mula dito.
"Ulitin mo ang sinabi mo!" napalakas ang boses niya. Hindi ginagawang biro ang ganoong bagay.
"Bakit hindi mo alam? Kinausap lang siya ng mga magulang mo para bantayan ka. Diba nga may treaths sa pamilya mo?" nakangisi pa ito.
"Hindi totoo iyan!" hindi siya naniniwala dito. Gawa gawa lang niya ito.
"Poor Patricia. Naaawa ako sayo. Alam mong sa simula palang ay hindi ka na kayang mahalin ni Lance, papakasalan ka pa kaya niya ng totoo?" Tumawa ito ng nakaka insulto."Tanongin mo sa mga magulang mo, na kaya ka pinakasalan ni Lance kunwari ay dahil sa kahilingan nila. Upang dumito ka muna dahil nanganganib ang buhay mo."
"No!'' iyon lang ang nasambit niya. Parang ilang beses tinarak ng kutsilyo ang dibdib niya sa sobrang sakit. Kaya pala hindi man lang siya hinanap ng magulang kahit minsan. Lahat pala ng mga nangyari sa kaniya ay isang plano. Kumapit siya sa sofa dahil pakiramdam niya ay matutumba siya.
" Ayokong ako ang magsabi sa iyo lahat ng iyan, pero hindi ko narin matiis na ang lalakeng mahal ko ay may kinakasamang iba sa bahay kahit alam kung ako ang mahal niya." napopoot ang mga titig ni Belinda."Bitch! hindi mo siya maagaw sa akin dahil magkaka-baby na kami."
Napahawak siya sa tiyan niya. Gosh! Ano bang ginawa ko anak? Mali ba akong minahal ang daddy mo? Hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. For all this time, niloloko lang siya ni Lance. No! nagpapaloko lang siya. Dahil kahit minsan nama'y walang pinangako ang binata sa kaniya.
"Tama na!" sobrang sakit na. Sinulyapan niya ang puson ng babae. May umbok na nga ito.
"Three months na akong buntis, wala ka pa dito noon." paliwanag ni Belinda. Hindi na niya kaya.
"Mga hayop kayo!" sigaw niya dito sabay sugod. Hindi napaghandaan ni Belinda ang ginawa niya. Sinampal niya ito ng malakas.
"Patricia!" boses ni Lance na kapapasok lang sa loob ng bahay. Mabilis na lumapit ito sa kanila at inawat. Pero dahil sa galit niya, hinawakan pa rin niya ang buhok ng babae. Gusto niyang kalbuhin ito. "Stop it, Patricia!" malakas na sigaw ni Lance. Bigla siya nitong hinawakan sa braso at inalis ang pagkakahawak niya sa buhok ng malanding si Belinda. "I said stop it!" malakas ang pagkakatulak sa kaniya ni Lance o sadyang mahina lang siya. Paupo siyang bumagsak sa sahig.
Ang baby ko! Masakit ang balakang niya. No! Kumapit ka anak please! Masakit ang katawqn niya pero mas masakit ang nakikita niya ngayon.
"Are you okay?" si Lance kay Belinda.
"Yes sweetheart, nagulat lang ako." sabay haplos sa puson nito.
Nakita niyang nakatingin sa kaniya si Lance haang nakapulupot ang ahas dito. Hindi niya mawari ang ekspresyon sa mukha nito. Ang sakit, ngayong malinaw pa sa kristal ang nakikita niya ngayon. Pinilit niyang tumayo. Sakto namang dumating si Manang Linda galing sa palengke.
"Naku! Anong nangyari dito." mabilis siya nitong dinaluhan at tinulongang tumayo. "Naku bata ka bakit dika nag-iingat."
"Ipasok mo na siya sa kwarto manang." utos ni Lance dito. Nakita niyang inalalayan niya si Belinda. Gusto niyang humagulhol sa iyak sa sakit na nararamdaman. Pinilit nalang niyang huwag lumuha, kinagat niya ang kaniyang labi kahit magkanda sugat ito.
"Bakit hindi ikaw ang magpasok sa kaniya." narinig nihang sabi ni Manang Linda. Naramdaman niya siguro ang nangyari. "Sa kalag-" pinisil niya ang kamay nito para balaang huwag ituloy ang sasabihin. Naintindihan naman agad ng matanda ang gusto nitong ipahiwatig.
"Lance, sweetheart dalhin mo ako sa hospital. Parang sumasakit ang puson ko." maarteng sabi ni Belinda. Nakita niya ang takot sa mga mata ni Lance. Nakita niya ang galit sa mga mata nito ng sulyapan siya. Pinilit niyang ngitian ito, tulad ng dati. Ito ang paraan niya sa pagsasabi ng "goodbye". Nakita niyang nagbago ang ekpresyon ng mukha nito. Parang humihingi ng sorry.
Naawa siya sa sarili niya at para sa magiging baby niya.
"Tara na ineng." niyakag siya nito hanggang makapasok siya sa kwarto niya. Hindi siya nito iniwan.
Pagkaupo niya sa kama hindi na niya napigilan ang humagulhol. Naawa namang nakatingin ang matanda sa kaniya.
"Tahan na. Pag-usapan niyo iyan." payo nito sabay haplos sa likod niya.
"Ang sakit po manang." sabag hagulhol
"Hindi pa ba niya alam ang kalagayan mo?" tanong nito.
"Hindi na po kailangan manang, hindi na niya kailangan ang isa pang anak. Tama na iyong magiging anak nila ni Belinda." halos hindi niya mabigkas ang mga katagang iyon. Halata naman ang pagkagulat ng matanda.
"Aba, loko ang batang iyon a."
"Manang salamat po. Kung wala po kayo baka hindi ko na alam ang nagyari sa akin."
"Naku, e para na kitang anak, itng batang ire." hinahaplos nito ang likod niya.
"Manang, uuwi po ako." sabi niya.
"Bakit? Hindi mo ba kakausapin ang asawa mo?" ayaw niyang itama ang matanda, tama na iyong sila lang ang nakakaalam na hindi talaga sila mag-asawa ni Lance. Na peke ang kasal nila.
"Gusto ko po munang mag-isip ng maayos manang." hindi kasi siya makakapag isip kung malapit siya sa dalawa.Pero ang totoo wala na siyang balak bumalik.
"Sige, kung iyan ang alam mong nakakabuti sa iyo. Basta mag-iingat ka lang a at bumalik a. Gusto ko ako mag-aalaga sa magiging baby niyo." nakangiti ito. Napayakap siya dito.
"Salamat po." ramdam nanaman niya ang mga luhang nag-uunahan mula sa pisngi niya.
Kailangan niyang umalis agad. Ayaw niyang madatnan pa siya ni Lance.
Bago siya umalis. May inilapag siyang mga bagay sa may table sa side ng bed. Gusto niyang makita iyon ni Lance kahit hindi na sila muli pang magkikita.
"Siguro ito na ang huli. Ang huling pagkakataon na mahalin ka."
Kinuha niya lahat ng gamit niya, dahil wala ng rason na babalik pa siya.
______________________________________
Isang chapter nalang po ang MM.
Open po ang suggestions.
Thank you..:)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise