MM 1

28.3K 486 1
                                    

"No!" sigaw ni Patricia sa kaniyang ama. Nasa library sila ngayon kasama ang mama niya.

"Huwag matigas ang ulo mo Patricia! Para sa kabutihan mo rkn ito." matigas na sabi ng kaniyang ama.

"No way Dad! Hindi na ako babalik sa Amerika at hindi ako papayag sa gusto niyo." sabi niya sa ama niya. Hindi siya makakapayag sa gusto ng magulang niya. Never!

Isang buwan na siya sa Pilipinas. Nagdesisyon siyang dito na mamalagi pagkatapos ng isang taon na pagtatrabaho niya sa Amerika bilang isang Private Veterinarian. Isa na siyang ganap na doktora. Animal Doctor. She loves her work, pero may hinahanap siya kaya nagdesisyon siyang umuwi nalang sa Pilipinas. Ayaw man ng magulang niya, pero nagpilit siya at wala na rin nagawa ang mga ito.

"Tama ang Daddy mo anak. Para sa iyo din naman ito." maalumanay na payo ng Mommy niya.

"Mommy, bakit hindi niyo ako maintindihan? Ayoko ng bumalik doon. I want to be here, kasama kayo." paglalambing niya sa ina.

Sa Amerika na rin kasi siya nakapagtapos ng pagiging Veterinarian niya. Doon na niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya kaya nagsawa na rin siyang manirahan doon. At ngayo'y pinababalik siya ng magulang niya doon.

"Alam mong halos araw-araw kaming nakakatanggap ng iyong ina ng death treath! Natatakot kami para sa iyo." ang ama niya."Go back, and use this name!" sabi nito sabay abot sa kaniya ng isang envelope.

Inabot niya ito at binuksan. Lalo siyang nainis sa nakita.

"Anong kalokohan ito Dad? Ipapagamit niyo sa akin itong identity na ito?" Nababaliw na ang magulang niya.

"Yes. Desperado na ang mga kalaban natin. Hindi magtatagal ay idadamay ka na. Alam mong hindi namin kakayanin ng mommy mo na mawala ka." medyo malumanay na sabi ng kaniyang ama.

Hindi lingid sa kaalaman niyang may nagtatangka sa pamilya niya. Halos hindi makatulog ang mga magulang niya sa mga death treaths. Mayaman ang pamilya niya. Pero hindi man lang siya nagkaroon ng interest sa mga negosyo nila. Hindi naman siya kinulit ng mga magulang niya na pangunahan ang mga negosyo nila. Hindi sila humadlang ng pumili siya ng kurso na kukunin at nang piliin niya ang career na tatahakin. Ngayon lang siya dinidiktahan ng mga magulang niya.

"Why do I need to use another identity Dad?" Iyon ang hindi niya maintindihan."Pwede naman akong umalis ng bansa na pangalan ko ang gamit ko." dugtong niya.

"Para hindi ka matunton ng mga nagtatangka sa pamilya natin. Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin Patricia." Seryoso? Alam niyang mahigpit ang sekyuridad ng kaniyang mga magulang. Talo pa nila ang presidente sa dami ng bodyguards.Pero parang bakit nag-oover react naman yata sila ngayon.

"No Dad. I can take care of myself." nagmatigasan siya ng ulo. Nagmana yata siya sa Daddy niya. Kung ano gusto niya makukuha niya. Really? E, bakit siya dimo nakuha? Ayaw na niyang isipin iyon. Basta ngayon, hindi niya susundin ang kagustuhan ng mga magulang niya.

"Wala ka nang magagaw. Naasikaso ko na lahat Patricia. Sa makalawa na ang flight mo pabalik sa Amerika." pinal na sabi ng Daddy niya at tumayo na ito at lumabas sa silid. Naiwan silang dalawa ng kaniyang ina.

"I'm sorry anak, para sa kaligtasan mo rin ito. Sumunod ka nalang sa Dad mo." sabi nang ina niya.

"Pero Mom. Matanda na ako, kaya ko ng pangalagaan ang sarili ko." wala na siyang magagawa. Kahit magmakaawa pa siya sa kaniyang ina, wala rin itong magagawa. Batas ang salitang binibitiwan ng Daddy niya.

"Pasensiya ka na anak." malungkot na sabi ng ina niya."Always remember, na mahal ka namin ng Dad mo. Ikaw parin ang baby girl namin." sabi nito at hinalikan siya sa pingi at yinakap.

"I love you too Mom, kayo ni Dad." kapag naglambing na kasi ito sa kaniya, ibig sabihin tapos na usapan nila. Pagkatapos ay nagpaalam na ring lumabas ang Mommy niya. Naiwan siyang nag-iisip kung ano ang gagawin niya. Napansin niya ang envelope na binigay ng ama niya kanina. Muli niya itong binuksan at nilabas ang laman nun. Isang Birth cert, IDs at iba pang documents. Picture niya lahat ang nandoon sa mga ID. Pero hindi niya pangalan ang nakaprinta sa mga iyon kundi isang...

Samantha Andres..

Kaiangan niyang mag isip ng paraan para matakasan ang mga magulang niya. Hindi siya makakapapayag na umalis sa bansa.

______________________________________
Thankss...:)

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon