Kilala niya ako!

48.8K 738 8
                                    

"Are you out of your mind lady?!" galit na sigaw ni Lance.Matiim ang titig nito sa kaniya at halatang nagulat sa ginawa niya.

"Ha, e..kwan!" Hindi niya alam ang sasabihin niya, dahil pati siya nagulat sa inakto niya.

Bago pa siya nakapagsalita ulit ay mahigpit na hinawakan ni Lance ang kamay niya at hinala siya nito.

"Wait Lance, bakit mo ba ako hinihila".Syet Beybe! Magka holding hands kami. Ang sweet! Kahit araw araw na may barilan kung ganito. Nang biglang naalala niya iyong mga lalake. Ano kayang nangyari sa kanila? Sino kaya nagpaputok? Perl bigla siyang napangiti ng napatingin sa kamay nilang magkahawak.

"Ouch! Lance, saglit lang!" wala na pala ang kaniyang shoes. Paika ika na siya, habang mabilis na hinihila siya ni Lance. Masakit na ang paa niya at feeling niya may sugat na ito.

" Don't call me that way, hindi tayo magkakilala! Darating na ang mga pulis, kailangan nating makalayo kjng ayaw mong matulog sa kulongan ngayon!"

"Ano? Bakit nama-n? Araay!" shit! masakit na talaga ang paa niya pero natakot siya sa sinabi ni Lance. Itong beauty kung to, matutulog sa kulongan?

Nakalayo na sila. Tumigil na sila sa palengke. Palegke? Paano sila nakarating ng di niya namamalayan. Ganun na ba niya inenjoy iyong moment para di niya mamalayan at take note wala siyang suot na sapatos.

"Shit!" sigaw ni Lance.

Nagulat si Pat sa sigaw ni Lance. Tiningnan niya ito ng napagtanto ang dahilan ng pagmumura niya. Nakatingin ito sa mga paa niya. Iyong isang paa niya na namumula na sa kalalakad at gasgas at putik ang makikita doon. Pinatong niya ito sa kabila na may sapatos. OMG! andumi palang paa ko! na turn off kaya siya? Binuksan niya ang bag niya at naghanap ng wipes. Pinunasan niya agad ang paa niya, hindi niya namalayang biglang nawala si Lance sa tabi niya.

"Grabe! Iiiww!" nandidiri siya, habang pinupunasan ang paa niya. Ngayon lang niya naramdaman ang karumihan. Naiiyak na siya sa kakikiskis sa paa niya ng biglang may nahulog sa harap niya.

"Isuot mo yan." si Lance

Tiningnan niya ang nakasupot sa harap niya. Kinuha niya ito at binuksan. Nakita niya ang isang pares ng tsinelas, kulay green at may nakatatak na "35 pesos only". Si Patricia magsusuot ng ganiyan? Pero kahit anong inarte sa katawan niya wala man lang siyang naramdaman kundi kilig at saya. Nagririgodon ng puso niya. Ito na ba ang cinderella version ng mayayaman? Agad niya itong sinuot. at pakiramdam niya iyon ang pinakamagandang tsinelas na naisuot niya.

" Ang ganda!" Hindi niya napigilang ibigkas.

" Crazy" Narinig niyang sabi ni Lance.Nakatingin parin ito sa kaniya at nka kunot ang noo niya.

"I need to go! sabay talikod.

" Wait, Lance!" tawag nito sa kaniya.

Tumigil ito at sumulyap sa kaniya.Mga limang metro na ang layo nila sa isat isa.

"I'm Patricia Louise Navarro" sigaw niya habang nakangiti.

"I know." sabi ni Lance

"Ha!?" nabigla siya. Hindi siya nakapagreact. nakatingin lang siya sa kaniya. Kilala niya ako? Totoo ba ito.? Umalis na si Lance at hindi pa siya gumagalaw sa sobrang pagkabigla. Sa sobrang kilig, nagtatatalon siya. wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya.

Sa sobrang saya niya hindi siya nakatulog sa gabi.Hindi siya naka get over sa kaiisip na kilala siya ni Lance. Her Hero.

Kasalukuyan

"Pat!" tawag ulit ni Kat

"I can't tell you now bez. Maybe, next month pag ready na ako" nangingiti niyang sabi sa kaibigan. Alam niyang di siya nito titigilan, makulit ito pero super sweet. She's a sister to her. Hindi lang isang kaibigan ang turing niya dito.

"Pat ha! dika naman siguro nagnakaw ng tsinelas para lang habulin si Lawrence?! paismid na sabi nito.

Nabigla siya. Hindi niya sinekreto na kaibigan niya na may gusto siya kay Lance pero panu niya nalaman na sinusundan niya ito.

" Nabigla ka ba, Miss. Stalker? Akala mo siguro hindi ko alam ang pinaggagawa mo nitong nakaraang tatlong buwan? Hindi na ikaw ang Patricia na nakilala ko, magsuot ka ba naman ng mascot ng halos limang oras para sundan siya at ito pa ang isa, kumakain ka na ng fishball at kwek-kwek sa street! My Ghad! at iyan!"-sabay turo sa suot parin niyang tsinelas. "Ang cheap, Pat ha! Okay lang na pinaglihiman mo ako pero iyong ginagawa mo sa sarili mo dahil sa lalakeng dika naman kilala at pinapansin, hindi na talaga kita maintindihan!Gusto mo bang malaman nina tito ito?" mahaba nitong lintaya.

Guilty siya. Sobra. Napayuko nalang siya sa sobrang hiya sa kaibigan.

"Kat, Sorry bez" iyon nalang nasabi niya.

Sasagot na sana si Kat ng biglang may sumigaw na babae sa likod nila.

"Oh, si Kiel Zandro Sy" impit na sigaw ng isang babae at kinikilig.

Napadako ang tingin ni Pat sa bagong pasok na lalake. It's Kiel, her fiance. Naglalakad ito papunta sa direksyon nila. Napadako siya sa kaibigan niya na biglang tumahimik. Di ito mapakali, at biglang binuklat ang book na nasa harap nito. Napangiti si Pat. Hindi lingid sa kaalaman nito na may gusto ang kaibigan niya sa lalakeng pinagkasundo ng magulang niya sa kaniya. Well! saviour niya si Kiel sa mga sandaling iyon kasi dipa siya handang pagalitan ni Kat.

"Hi Pat!" bati ni Kiel. sabay halik sa pisngi nito

"Hi, Kiel. Why are you here?" ganting bati nito. umupo ito sa tabi niya na nakaharap ito kay Kat.Naging uneasy tuloy ang friend niya.

"Ini invite ka nina Mommy, dinner sa house". sabi nito pero kay Kat siya nakatingin. Napangiti siya. Ang cute nila.

"Okay! Ah. Pwede bang invite ko si Kat? Bez, you wanna come?" tawag nito sa busy busyhan niyang kaibigan akala mo minememorize niya ang aklat na binabasa niya sa sobrang pagkakayuko nito.Dictionary lang naman ang binabasa niya.

"h- ha? " nauutal nitong sabi. "May pupuntahan ako mamaya, bez. Diba?" sabay laki ng mata sakin.

"Saan naman, diba nga nagyaya kan-" tanong nito pero di na niya naituloy dahil sinipa siya nito sa paa.

"Bez, may pupuntahan kami ni Peter."- sabay irap dito, at tumingin bahagya kay Kiel. Nakakunot ang noo ni Kiel at parang- Oh! My! parang galit.Anong meron, sa mga ito? Ehem. I smell something fishy ha!.

"Si Peter ba?" Oo si Peter na driver ni Kat, Pedro actually iyon pinasosyal lang. " Okay bez, may date pala kayo.I forgot." pambawi nalang niya sa kaibigan niya kaya sinang ayonan nalang niya gimik nito. Pero naguguluhan talaga siya sa dalawa. Padabog na tumayo si Kiel sa tabi niya. Galit ba to?.

"I'll go ahead Pat, Kita nalang tayo sa bahay." sabi ni Kiel pero nakatingin kay Kat. Mabilis itong umalis nanparang susuntok.

"Problema nun? Nag iinvite lang galit pa." Sabi niya na parang walang napansin. Tiningnan niya ang kaibigan, parang nakahinga ito ng maluwag, sinundan nito ng tingin si Kiel na papalabas sa pinto.

"Bez, may gusto ka ba kay Kiel?" di niya napigilang tanongin.

Namumula ang mukha ni Kat na tumingin sa kaniya. Bulls Eye! Dipa nagsasalita ang kaibigan, alam na niya ang sagot.













My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon