"Babe gisingin mo ako ng maaga bukas a." isang linggo na silang magkasama sa iisang bubong ni Lance. Hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan niya simula nun.
"Why babe?" busy itong inaayos ang blueprint ng bago niyang project. Nagconcentrate nalang ito sa kompanya nila. Hindi na rin siya muling tumanggap ng kahit na anong assigment mula sa agency nila, kung saan isa itong Secret Agent.
"Nakalimutan mo na bang birthday ng anak nina Kiel at Kat?" paalala niya dito. Nagsimula na niyang ayusin ang bed nila. Pagkatapos niya itong ayusin ay lumapit siya sa asawa na nakatayo sa may drawing table nito. Niyapos niya ang bewang ng asawa. "Di pa ba tapos 'yan?" Inilapat niya ang pisngi niya sa pisngi ni Lance.
"Kailangan ko itong taposin hanggang bukas babe. Hindi na ako makakasabay papunta kina Kiel bukas, presentation kasi namin." paliwanag nito. Pang limang beses na yata nito sinabi ang bagay na iyon.
"Opo, boss. Diba sabi ko nga isabay mo na ako bukas. Ihatid mo ako kina Kat para tumulong narin ako sa pagprepare sa gaganaping party." paglalambing niya dito."Nakakainggit no, akalain mo may baby na sila." may lungkot sa boses nito.
Ibinaba ni Lance ang hawak nitong blueprints at hinarap siya nito.
"I'm sorry babe. Alam ko kung hindi mo parin nakakalimutan ang nangyari." niyakap siya nito.
"Kahit kailan Lance hindi ko siya makakalimutan. Siya ang anghel natin. Sa mga sandaling iyon mas pipiliin ko nalang mamatay noon sa sakit na nararamdaman ko, pero siya ang dahilan kung bakit ako lumaban." humikbi siya."Gusto ko siyang iligtas pero ako ang niligtas niya." umiiyak niyang sabi niya sa asawa. Humigpit ang yakap sa kaniya ni Lance. Alam niyang umiiyak din ito. Iyon ang unang pagkakataon nilang pag-usapan ang nangyari sa sana'y magiging first baby nila.
"I'm sorry Trish, kasalanan ko ." narinig niya itong suminghot."Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko."
"Wala kang kasalanan. Alam ko pinatawad na niya tayo." humiwalay siya sa pagkakayakap nito."Kaya naman nating gumawa ng maraming kapalit diba babe?" ngumiti siya rito. Pinahid niya ang munting luha sa mata ni Lance.
"Ofcourse wife kahit ilan. Pero hindi siya mawawala sa puso natin, kasi siya parin ang panganay natin at nagligtas sa babaeng pinakamamahal ko." hinalikan siya nito sa mata, ilong pababa sa mga labi niya.
"I love you Lance."
"I love you more wife." hinalikan siya nito.
"Ano to babe? Sisimulan na ba nating gumawa ng kapalit ni baby angel?" nakangiti nitong tanong.
"Oh, ano sa palagay mo?" at pinangko na siya nito at pinahiga sa kama. Nang bigla siyang may naalala.
"Lance, diba may tataposin ka pang blueprint?" singit nito sa gitna ng halikan nila.
"Nevermind that, hindi tayo maghihirap diyan babe. Kahit Isang daang proyekto pa ang mawala sa akin. Huwag lang ikaw." syempre, kinilig nanaman siya. Ano pa nga bang magagawa niya. Hindi naman niya ito kayang hindihan.
****
"Bakit wala pa ang asawa mo? Masyadi naman yata siyang nagpapayaman." si Kiel. Nakacostume ito ng Hello Kitty. Wala itong choice, iyon ang piniling theme ng birthday party ng anak niya. Lalake ang anak niya, at ewan ba niya kung bakit hello kitty ang pinili nila."Ngayon ko lang napagtanto na bagay mo talaga ang hello kitty na damit." biro niya dito.
"Witch!" sabi nito.
"I'm happy for you Kiel, thank you for loving my bestfriend." sabi niya ditong nakangiti.
"Oh, sinong may sabing mahal ko siya?" nakakunot noo ito. Gusto niyang matawa. Iba kasi ang kasiyahang nakikita niya sa mukha nito sa sinasabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/75319914-288-k103863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomantizmSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise