I Think I'm Inlove

24.4K 635 4
                                    

Hindi pa umuuwi si Lawrence kaya naiinis si Samantha kasi namimiss niya ito. Yes. Miss na miss niya ito, na para bang magkakasakit siya. Kahit lagi silang nag-iiringan at nag-aaway ay gusto pa rin niya itong makasama at nakikita lagi. Oh! Gad! I think I'm inlove sa damuhong iyon!


Hapon na ng napagdesisyonan niyang bisitahin ang inaayos nilang bahay niya. Nakita niyang nag-aayos na ng gamit ang dalawang trabahador na kinuha ni Lawrence. 



"Umaambon po Ma'am, bakit po kayo lumabas." sabi ni Manong Pilo.



"Wala po kasi ako magawa sa malaking bahay." sagot niya dito at linibot ang bahay niya."Bakit po pala niyo binakbak lahat manong?" napansin kasi niyang parang iibahin lahat mula poste. Akala kasi niya renovation lang ang gagawin



"Sabi po kasi ni Sir, babaguhin nalang daw po lahat kasi hindi na po matibay ang pundasyon niya." sagot ni Manong Jose.



"Ganoon po ba? E, bakit dadalawa lang po kayo?" bigla niyang natanong. alam kasi niyang kailangan ng maraming trabahador para matapos agad ang bahay.




"Kaya na po namin Ma'am, at saka malaki po magpasahod si Sir." nakangiting sabi ni Mang Pilo. 




"Oo nga Ma'am, ang bait po ng asawa niyo. may advance pa kami. Swerte po kayo sa kaniya." masaya namang sabi ni Mang Jose. 


Mabait? Si Lawrence? Eh pinaglihi sa kasungitan at kasamaan iyong lalakeng iyon. Paano naging mabait.



"Hindi ko po asawa si Lawrence, manong." pagtatama niya sa mga ito. Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito.



"Boypren niyo palang siya Ma'am?" tanong ng isa. "Aba! akala ko po kasi mag-asawa na kayo, kasi po pinapabantayan rin po kayo ni Sir Lawrence. Tingnan-tingnan daw po namin kayo." kwento pa nito.Nagulat siya sa tinuran ni Mang Pilo. 



"Ganoon po ba?" di siya makapaniwala a narinig niya mula dito. Sweet din pala ang lalakeng iyon. Nag-aalala ba talaga ito sa kaniya?



"Oo ma'am bago po siya lumuwas." gusto sana niyang tanongin kung saan lumuwas si Lawrence. Hindi kasi niya alam dahil hindi na ito nagpaalam bago umalis. "Sige po ma'am uuwi na po kami, umuwi na rin po kayo baka lumakas pa ang ulan, magkakaskit kayo niyan." paalam nito.


"Sige po manong, salamat po." tumango siya. Umalis na ang dalawa at hindi pa rin siya umaalis sa kinakatayuan niya. Bigla ulit niya naisip ang binata. Namimiss na talaga niya ito. Napaluha siya. Ganoon ba talaga kung namimiss mo ang isang tao? Nagulat siya ng may naramdaman siyang bagay na pumatong sa ulo niya.

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon