Another Confession

32.9K 802 20
                                    

Nasa gym sila ngayon, kasama niya si Kat.Katatapos lang ang final exam nila. May baskeball game kasi ngayon ang department nila at College of Engrng. Napangiting tiningnan niya si Kat. Palinga linga ito at parang may hinahanap. Di na niya kailangang tanongin, alam niyang si Kiel ang hinahanap nito. Kasali si Kiel sa basketball team ng College of Engnrng, actually mag classmate sila ni Lance. Napabuntong hininga siya. Sana kasali din si Lance.How i wish. For sure nakauwi na ngayon yun. Napatingin ulit siya sa kaibigan. Nakangiti na ito. Hay! naalala niya yung naganap na usapan nila kanina.

Flashback

Pagpasok palang niya sa classroom nila, may humila na sa kamay niya pagungong CR.

"Now explain!" si Kat. Nakataas ang isang kilay nito. Kahit di niya tanongin ibig niyang sabihin alam na niya kung ano tinutukoy nito.

"Sorry Bez." parang bata niyang sabi at nilalaro pa ang mga paa. " Na carried away lang kasi ako, paano naman kasi- natamaan na talaga ako sa kaniya. Ang gwapo niya kasi, tapos bawat araw na di ko siya makita, namimiss ko siya ng sobra.Kahit alam kung di kami pareho ng nararamdaman,umaasa parin ako. Masama ba yun bez?" mahaba nitong paliwanag. Tiningnan niya ang kaibigan at lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Bez!" umiiyak itong niyakap siya. Nabigla siya sa ginasa ng kaibigan. Anong problema nito? Akala niya papagalitan siya nito, pero imbes na sumbatan siya, niyahakap siya nito at umiiyak?

"Wait bez. Anong nangyari? Okay ka lang? alo niya dito. Tinapik niya ang balikat nito at lalo itong napahagulhol.

" Bez, i feel you.huhu!" sabi lang nito, tapos humagulhol nanaman. Okay. Di niya magets! Ako dapat ang umaarte ngayon eh! Nang ilang minuto, tumigil na ito sa kaiiyak. "Tara sa gym bez mamaya, pagkatapos ng exam. Laro ngayon ng college natin at engnrng." bigla nalang nitong sabi.

Napanganga siya. Ganun nalang? Pagkatapos niyang nag iyak iyak parang walang nangyari. Nakaharap na ito sa malaking salamin sa washroom at nagreretouch. OMG! Don't tell me may Bipolar disorder na ang kaibigan niya?

Kasalukuyan

"Hey Bez!" tawag pansin ng kaibigan niya.

"Ha?" tumingin siya dito. Nakangiti ito. Nasa pangalawang bench sila, malapit sa court, dun sila pumwesto para daw makita nila ng malapitan sabi ni Kat. Nng biglang naghiyawan ang mga babae sa harap nila. So anong drama nila? Dumating na pala ang team ni Kiel. Siya ang team captain. Napangiti siya. Ang gwapo niya, kaso kay Lance lang siya.Pantay lang sila ni Lance kung kagwapuhan ang pag uusapan, si Lance kasi mas maangas ang dating hindi katulad ni Kiel na sweet. Sweet ba talaga? Tiningnan niya ulit ang kaibigan. Wala na ang ngiti sa labi niya. Nagdadarang ang mga matang nakatingin kay Kiel at sa- wait! May babaeng nakapulupot kay Kiel? At siya din yung babaeng kasama ni Lance nung nagconfess siya. Ang mahadera! That bitch! Tinatalo ba niya kaming magkaibigan? Nung padaan na sila sa harap nila ay di na sya nakapagpigil.Tumayo siya.

"Kiel, baby!" sigaw niya. Tumingin si Kiel sa kaniya at ngumiti.Kinawayan siya nito pero nagbago ang ekapresyon ng mukha nito ng napatingin sa besfren niya. "Galingan mo baby ha? Nandito kami ni Kat para i cheer ka." diniinan talaga niya yung Kat. "And one more thing baby, hindi mo kailangan ng ahas sa larong ito, basketball game to at wala ka sa zoo". Mataray na sabi nito sabay tingin sa babaeng agad namang tinanggal ang pagkakahawak sa braso ni Kiel at padabog na lumayo.

" Sure baby! Para sayo tong larong ito" sabi ni Kiel.Pero bakit, kay Pat siya nakatingin? Gusto niyang tumawa ng malakas. Kailangan na talaga nilang mag usap ng kaibigan. Uupo na sana siya ng biglang may humila sa kaniya palabas ng gym. Pamilyar sa kaniya iyon.

"Anong ginagawa mo? Ganiyan ka na ba kadesperada? si Lance.Galit na galit at pabalya siya nitong binitawan. Napasandal siya sa dingding.

" Lan-Lance?" di siya makapaniwanag. Ininda niha yung sakit sa likod niya.Napalakas ata ni Lance ang pagbitaw sa kaniya.

"Gawain mo ba talagang maghabol ng lalake?" ang mga mata niya, nag aapoy.

Nasaktan siya sa sinabi niya. Hindi talaga siya nito kilala. Ang sakit naman. Tumayo siya ng deretso at inayos ang sarili.

"Why Lance? Hindi mo ba maalala ang sinabi ko sayo? I need to learn how to kiss passionately at babalikan kita. From now on kailangan ko muna ang iba." dahil sa sobrang inis nasabi niya iyon.

"Princess, hindi mo sila kailangan. Because I am willing to teach you!" hinapit niya ang bewang niya. Sobrang higpit, parang di na siya makahinga.Magkalapit ang mukha nila. Hindi niya matitigan ang nag aapoy nitong mga mata.

"Lan--ce! di ako makahinga." Nahihirapang sabi niya. Naramdaman niyang biglang lumuwag ang pagkakayakap niya sa bewang niya. Pero bago siya makapagsalita, bumaba ang mga labi ni Lance sa mga labi niya. Sa una nabigla siya, halik na nagpalarusa. Masakit pero may kiliting dulot, kakaibang kuryente ang dumadaloy sa kaniyang katawan. Ito ba ang kiss? Dahan dahang naging mas mainit at maingat ang halik nito. Hindi niya namalayan kung ilang segundo ang pinagsaluhan nila, ang alam lang niya ay tumigil ang ikot ng mundo. Iniwan ni Lance ang mga labi niya pero nakapulupot parin ang kamay niya sa bewang niya. Naghahabol sila ng hininga.

"It's my first then." bigla nalang niyang nasabi. Kung yun ang matagawag na kiss, then yun ang first kiss niya. Gusto niyang kiligin.

Tumaas ang isang gilid ng labi ni Lance. Ngumigiti ba siya? Pero mukhang hindi na siya galit.

"La-nce, pwede mo na akong bitawan." itinulak niya ito ng bahagya. Sa totoo lang gustong gusto nila yung posisyon nila. Kahit ganun nalang sila forever walang problema.

"Si Kiel?" biglang tanong nito.

"Ha?" naguguluhan nanaman siya. Wala na bang mas mahabang tanong?

"Do you want me to play?" nakatitig ito sa kaniya. Nagpapaalam ba ito?

Wala siyang maisagot. Tumango siya. Maglalaro siya? Hindi pa niya ito nakitang naglaro. Ang alam niya nagrarace lang siya.

"In one condition Tricia." Iyon nanaman, para siyang nakalutang everytime na tinatawag siya nitong ganun at Princess. "Cheer for my name and not Kiel's." isa iyong utos. Binitawan siya nito at umalis na. Iniwan nanaman siya nito. Bakit ganun? Lagi siyang nililito. Magulo ang isip niyang bumalik sa loob ng gym.

Nagulat si Kat ng bumalik siya. Ang lakas ng sigawan sa loob ng gym kaya siguro  hindi nalang siya kinausap ni Kat hindi rin nila maririnig ang boses nila.Nginitian nalang niya ito indikasyon na okay lang siya. Lalong lumakas ang sigawan ng pumasok ang isang lalake. Oh! totoo nga! Si Lance maglalaro ng basketball. Parang di siya makahinga sa excitement. Ang gwapo niya lalo sa suot niyang jersey. Gusto niyang isigaw ang nararamdaman niya.Eh ano? Wala namang makakarinig. Hindi na talaga niya mapigilan. Hindi ma contain ng puso niya ang nararamdaman niya. Mag i start na ang laro, nasa court na sila Lance kasama si Kiel at ang team nito. Isa. Dalawa.... Tatlo. Tumayo siya at...

"I love you Lawrence Saavedra!"-Pat
"I love you Kiel Zandro Sy!" -Kat

Syete! What the hell! Nagkatinginan silang magkaibigan na parehong nakatayo at namumula. Nakakahiya! Nakatingin ang dalawang lalake sa kanila parehong nakakunoot ang noo. Narinig nila! Yes, ikaw ba naman biglang tumahimik ang mga tao sa gym. Timing na timing! My God! pangalawang beses na niyang nagconfess, pero kakaiba ito. Lahat ata ng estudyante sa unibersidad ay nandoon. Sobrang nakakahiya a ito. Pareho silang di makagalaw ni Kat. Pinagtitinginan na sila.

"Bez,are you okay?" tanong nito kay Kat. Parang hihimatayin na ito. Hinawakan niya ang kamay nito. Nasa ganung posisyon sila ng biglang sumipol ang referee. Mag i start na pala ang laro.

Tumalikod na ang dalawang lalake. May sumilay na ngiti sa mga labi nila. Well iyon ay di na napansin ng magkaibigan sa sobrang pagkabigla.



























My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon