Meet Dr. Samantha Andres

27.9K 630 19
                                    

6 years later..

"Dok Samantha, tingnan mo naman ang baby ko may nakain yata na iba." nakangiting sabi ng matabang babae kay Samantha.

Napangiti si Samantha, may alaga itong piglet. Kung titingnan mo, para silang mag ina. Siguro ganun talaga, parang gusto niyang maniwala na habang tumatagal mo na nakakasama ang isang nilalang ay nagiging kamukha mo ito. Lagi lagi si Doña Sonia Arellano sa Vet-clinic niya. Yes, isa siyang Veterinarian sa maliit na lugar sa probinsya ng Isabela. Sarili niya ang clinic na iyon. Dahil maraming may maraming mga alagang kabayo ang mga tao doon ay siya na ang pinagkakatiwalaan ng mga ito. Masayang masaya siya sa trabaho niya, kahit feeling niya may kulang.

"Naku, Doña Sonia baka nakalunok nanaman po ito ng bola." sabi niya sa may-ari. Sinusuri niya ito, medyo nanamlay ito.

"Doktora kagabi pa hindi nakakain si Ladybird." iyon ang pangalan ng baboy na pet nito. Ladybird. Mataman nitong sinuri ang bunganga nito.

"Behave sweety." pinipigilan niya ito dahil naglilikot habang may binubunot siya sa ngipin nito."Okay, heto na.1.2.3. Iyan, tanggal na." natanggal niya ang may kahabaang tinik ng isda na nakatusok sa gilagid nito.

"Malalagot si Pasing nito, sinabi ko ng huwag ikalat ang mga tinik sa paligid e. Nakita tuloy ni Ladybird." pumapaypay na sabi ng Doña.

"Okay na po siya. Painumin niyo lang po siya nung binigay kung vitamin para lumakas po siya agad at makakain." payo niya rito.

"Naku salamat doktora. Mabuti nalang nandito kayo at hindi na ako luluwas pa sa malayo." malayo na kasi ang kasunod na bayan ang lugar nila.

"Sige po, basta po may problema si Ladybird dalhin niyo lang po dito." inayos na niya ang gamit niya. Medyo malayo din ang bahay niya mula sa clinic niya.

"Uuwi ka na ba doktora? Sabay ka na sa amin. Idadaan ka namin sa bahay niyo." alok ng Doña.

"Sige po." hindi na siya tumanggi, dahil isang oras pa bago siya makasakay ng tricy pauwi. Pag mga ganoong oras na kasi ay wala ng masyadong nagdadaang sasakyan at pagod narin siya.

"Dok Samantha, dalawang taon ka na sa lugar namin pero wala pa akong nababalitaang bumibisitang nobyo mo." sabi ni Doña Sonia.Nasa likod sila ng sasakyan at magkatabi.

"Wala pa po kasi akong boyfriend." nakangiting sabi niya dito.

"Aba, sa ganda mong iyan. Kahihina naman ng mga lalake, hindi nila alam ang mga pinipili nila." may panghihinayang sa boses nito. Akala ko naman huli na ang lahat at hindi na siya magkaka boyfriend pa.

"25 palang naman po ako, at kontento na po ako sa buhay ko dito. Tahimik at masaya."

"Sabagay." at mataman siyang tiningnan nito. "Pero Dok, saan ka ba nagmula? Bigla ka nalang kasi sumulpot dito sa amin." Hindi niya nasagot ang Doña, dahil pati siya ay wala siyang matandaan.

"Hindi ko po masasagot ang tanong niyo po, pero sinisihurado ko pong di ako masamang tao." nakangiti nitong sabi.

"Naku, ang batang to e. Wala naman sa itsura mo ang pagiging masama. Baka nga mas mayaman ka pa sa akin sa lagay na iyan e." Ngunitian lang ulit niya ito. Ibinaba na siya sa tapat ng bahay niya.

Ngumiti siya. Sino nga ba siya? Ang alam lang niya ay siya si Samantha Andres, isang Veterinarian at namumuhay na mag-isa sa lugar na iyon. Nakatira sa maliit na bahay. Tuningnan niya ang maliit niyang bahay, sakto lang sa namumuhay ng mag-isang katulad niya. Malayo ang bahay niya sa ibang bahay, pero may isang nakatayong malaking bahay sa harap nito na simula nung tumira siya doon ay wala pa siyang nakikitang namamalagi sa malaking bahay.Balita niya nasa ibang bansa ang nagmamay-ari nun.

"Hi chichay."bati niya sa alaga niyang puting pusa. Agad nang lumapit sa kaniya ito at pinupunas ang katawan sa paa niya." Namiss mo ako?" sabay buhat dito. Umupo siya sa maliit niyang sofa at ini-on ang TV niya. Ganun ang ginagawa niya bago mag shower. Hanggang sa nakatulugan niya ang panonood.

"Pangarap kung mag-alaga ng mga hayop sa ganitong lugar." siya iyon. Nasa likod siya ng isang lalake habang sakay sila ng isang kabayo.

Napakagandang tanawin ang nakikita niya. Isang napakagandang talon at batis na napakalinaw. Masayang masaya ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon.

"Ibat-ibang hayop? Kahit ang mga mababangis?" tinig iyon ng lalakeng nasa harap niya. Pilit niyang tinitingnan ang itsura nito pero nakalikod ito sa kaniya.

"Oo, kahit ang pinakamabangis na hayop ay aalagaan ko." sabi niya.

"Naniniwala ako, dahil ang isang mabangis na nilalang ay napapaamo mo na." sabi ng lalake at bigla itong lumingon sa kaniya. Nahulog siya sa kabayo sa pagkagulat. Napakapangit ang itsura nito, parang ulol na aso na handa siyang sakmalin.

"Pero ako hindi mo mapapaamo! Ha.ha.ha.ha!" malakas at nakakabingi ang tawa nito.

"Lance!" biglang napasigaw si Samantha. Naalimpungatan siya mula sa masamang panaginip. Pero bakit pangalan ng lalake ang tinawag niya? Sino si Lance? Hindi lang iisang beses niyang napanagipan ang tagpong iyon at lagi lagi sa paggising niya,iisang pangalan ang tinatawag niya. At tulad ng dati, binalewala nanaman niya ulit ang panaginip na iyon.

______________________________________

Thank you po :)

























My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon