MM 9

25.5K 535 27
                                    

Lawrence POVs

"Saan ka pupunta?" sinulyapan niya si Belinda na nakahiga na sa hospital bed. Hinatid niya ito, pero hindi maalis sa isip niya ang asawa. Nag alala siya sa sitwasyon ni Belinda dahil buntis ito. Kaya ito ang una niyang dinaluhan kanina.

"Uuwi na ako." maikli niyang sagot.

"No! Please, sweetheart don't leave me. I swear hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." pagmamakaawa ng babae.

"I'm sorry, kailangan din ako ng asawa ko. Pasensya ka na ito lang ang kaya kung gawin para sa iyo." humingi ito ng paumanhin. Naawa siya dito dahil tinakbuhan siya ng lalakeng nakabuntis sa kaniya. Dahil kababata niya ito at may pinagsamahan sila hindi niya ito mahindian tuwing gusto nito ng kausap. But swear to God, sa bawat minutong kasama niya ito ay ang asawa niya ang tanging nasa isip niya.

"No Lawrence! Hindi ka niya maagaw sa akin! I know, hindi mo na siya madadatnan sa bahay niyo, kaya huwag ka nalang umuwi!" sigaw nito.

"Anong ibig mong sabihin?" biglang sumikdo ang dibdib niya.

"Alam kung naniwala siya na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko. Lalo na nung ako ang una mng dinaluhan."tumatawa nitong pahayag.

"Anong sabi mo?" napalakas narin ang boses niya. Kung hindi lang ito babae at buntis baka kanina pa niya ito binalya sa kama.

"She's crazy! Naniniwala ba namang totoo ang kasal niyo. Anong akala niya mahal mo siya para pakasalan mo?" derederetso lang ito sa pagsasalita.

"Enough!" sinigawan niya ito na ikanagulat ng isa. Ngayon lang siya nagalit ng ganito sa harap nito. Alam niyang natakot ito. "Sinasabi ko sa iyo, pag hindi ko nadatnan ang asawa ko sa bahay. Magtago ka na.Dahil pipilipitin ko ang leeg mo hanggang di ka na makahinga!" babala nito at tumalikod na siya.

"Sweetheart!" habol nito. Umiiyak. Liningon niya ulit ito.

"And one more thing Belinda. Pinakasalan ko ang aking asawa beacause I love her.That's the only reason.At totoo ang kasal namin, para sa kaalaman mo." sabi nito bago tuluyang lumabas sa silid na iyon.

Iba ang damdaming lumukob sa kaniya. Naalala niya ang itsura ng kaniyang asawa kanina. Ramdam niyang nasasaktan ito. And her smile. Ang ngiting iyon ang kinakatakutan niya. Alam niyang hindi maganda ang ibig sabihin nun. Lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kniyang sasakyan. Hindi niya kakayaning mawala si Patricia sa kaniya. Ginawa niyang dahilan ang muli nilang pagkikita, para maangkin at mapakasalan niya ang dalaga. Biglang sumagi sa isip niya ng pag-uusap nila ni Kiel.

"Pare, bumalik na si Patricia dito sa Pilipinas." si Kiel iyon. Parehong nagtratrabaho pa rin sila bilang Secret Agent, kahit may mga sarili na silang pinapatakbong negosyo.

"So?" tumungga siya ng alak. Nasa isang bar sila ngayon. Minsan nalang din sila magkita at lumabas ng kaibigan, pag magkasama lang sila sa isang proyekto.

"Oh man! Parang hindi mo naman inaantay ang pagbabalik niya. Apat na taon din iyon a." biro ni Kiel sa kaniya.

Simula ng naghiwalay sila ni Patricia, hindi na niya nakalimutan ang dalaga. Wala silang relasyon pero parang tumatak sa buhay niya ang mga alaala nila. Hanggang sa para na siyang mababaliw sa pagka'miss dito. Hindi man niya sigurado ang nararamdaman gusto niya sanang subukan. Kaso huli na dahil nagtransfer na ito sa ibang bansa.

At ngayon na nagbabalik na ito. Ginugulo nanaman niya ang tahimik nitong buhay, hindi pa man sila muling nagkikita ng dalaga.

"Shut up Kiel! Problema mo ang isipin mo, balita ko may anak ka na." gusto niyang matawa ng biglang parang nawalan ng kulay ang mukha ni ng binata.

My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon