"Marry me." walang emosyong pahayag ni Lance sa kaniya. Nasa library sila at nakaupo ito sa gilid ng mesa.
"An-anong sabi mo? Pakiulit nga." baka kasi nabibingi lang siya.
"Marry me for real." ulit nito.
"At bakit ako pakakasal sa iyo aber?" hindi talaga siya makapaniwala sa sinasabi nito.
"Pakakasalan mo ako kung gusto mo pang magtagal dito sa Villa."
"Iyon lang ba ang rason mo para pakasalan mo ako?" bigla niyang naitanong. Parang hindi kasi valid reason iyon.
"Ano ba ang gusto mong marinig na rason Patricia? Na kaya kita pakakasalan dahil mahal kita?" ngumiti ito ng nakakainsulto."Isipin mo na ang lahat ng pwedeng dahilan maliban sa unang sunabi ko." tuloy nito.
"Bakit ako? Iyong babae nalang na parang sawa kung makakapit sa iyo ang yayain mong magpakasal." sabi nito.
"Nagseselos ka ba kay Belinda?" nakangising sabi nito.
"Ofcourse not! Bakit ako magseselos doon? Hamak na mas maganda naman ako doon." narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lance.
"Kung hindi ka papayag, well siya talaga ang second choice ko." halos matumba siya sa narinig.
"Bastard! Kailangan ko bang ma-flatter dahil ako ang first choice mo?" bigla siyang napasigaw.
"Ano sa tingin mo ang sasabihin nila kung magpapakasal ako sa iba? Kung ang alam ng lahat dito ay asawa na kita." sabagay totoo naman ang sinabi nito.
"No! Hindi ako pakakasal sa iyo." sabi nito. Kung hindi naman siya nito mahal bakit siya pakakasal dito
"Bakit may naiwan ka bang kasintahan?" nagbabaga ang mga matang tanong nito.
"Tigilan mo na iyang kalokohan mo! Hindi ako makakapayag sa gusto mo." kahit sa isip isip niya ay gustong gusto niya iyong ideyang magiging totoong Mrs. Lawrence Saavedra siya.
"Okay. Mag empake ka na at umuwi. Ayokong magpakasal sa iba na nandito ka pa sa bahay." sabi nito.
Ouch! Ano ba kasing problema ng lalakeng ito. Basta nalang nagyayaya ng kasal. Tapos magagalit nalang kung di papayag. Kamay naman niya ang napinsala a, hindi naman siguro umabot sa ulo nito.
"Fine!'' talo nanaman siya."Papayag na ako. You Jerk!" sigaw niya.
"Good! Naka set na. Tomorrow ang kasal natin. Hindi na natin kailangang mag imbita ng bisita. Alam mo namang ang alam nila ay kasal na tayo, gagawin lang nating legal iyon." sabi nito. Ano pa nga bang magagawa niya? Kahit hindi pa siya nito tinanong, ay naayos na niya ito.
"Ito na ang pinaka romantic na marriage proposal, ever!" bulong niya.
"Bakit ano ang ineexpect mo? Luluhod pa ako sa harap mo with flowers and rings?" patuya nitong sabi. Narinig pala nito ang bulong niya.
"Kahit sa panaginip hindi ko man lang inisip na magagawa ng isang Lawrence Saavedra ang ganoong bagay. You're such an evil, bastard and jerk!" sabi nito sa sobrang inis niya bago lumabas sa loob ng kwartong iyon.
*****
"I now announce you husband and wife." sabi ng judge na nagkasal sa kanila. May dalawa silang saksi. Hindi pa nga pinakilala ni Lance sa kaniya ang mga iyon.Hindi siya makapaniwalang kasal na siya. Kasal na siya sa lalakeng laman ng panaginip niya simula kolehiyo palang siya. Hindi niya aakalaing sa pagbabalik niya sa ibang bansa ay mangyayari ito sa kaniya.
"You may now kiss the bride." nakangiting sabi ng judge. Mabilis naman siyang hinalikan sa pisngu ni Lance. Para lang siguro pagbigyan ang tradisyon. Hindi ganito ang pinapangarap niyang kasal. Okay lang iyan. Atleast sa lalaleng pinapangarap mo naman ikaw kinasal.
"Salamat po ninong." si Lance.
"Naku batang to e, wala iyon. I-kumusta mo pala ako sa daddy mo a." magkakilala pala ang mga ito.
Natapos agad ang seremonya ag ngayo'y isa na siyang Mrs. Saavedra. Dumeretso agad sila sa Villa.
"Mag-ayos ka ng gamit mo. May pupuntahan tayo." sabi sa kaniya ni Lance. Nasa kwarto na silang dalawa.
"Saan?" tanong niya.
"Huwag ka ng magtanong, sundin mo nalang ako."
"Sungit!" nakangusong sabi niya. Nakita naman iyon ni Lance.
"Huwag mo ulit gagawin iyan, kundi hahalikan kita." babala nito. Gusto niyang ibato dito ang hawak niyang bag. Nakakainis ang lalakeng ito!
Lumabas si Lance. Siya nama'y tapos na ring nag ayos ng gamit. Nagdesisyon siyang maliligo muna para makapagpalit din siya ng damit. Di pa naman bumabalik si Lance.
Trenta minutos din siya nagbabad sa bathtab bago siya tuluyang lumabas. Dahil nakalimutan niyang nagdala ng damit ay nakatapis lang siya ng tuwalyang lumabas sa banyo.
Nagulat siya nang nabungaran niyang nakahiga si Lance sa kama. Gusto niyang bumalik sa banyo pero naisip niyang wala siyang pagpapalitan.
"Pwede bang lumabas ka muna?" sabi niya.
"Bakit ako lalabas?" parang nag eenjoy naman ang lokong nakatitig sa kaniya.
"Magpapalit ako." mahigpit niyang hinawakan ang pagkabuhol ng tuwalya niya.
"E di magpalit ka lang." nang iinis sa turan ng hinata.
"Iyang damit ko po señorito, nadaganan mo." nahigaan kasi nito ang pamalit niya.
"Ito ba?" hinugog nito ang isa sa mga iyon at malas dahil ang panty niya ang nakuha nito. Itinaas nito iyon at winawagayway habang nakangisi.
"Bastos! Ibigay mo nga sa akin iyan!" mabilis siyang lumapit dito at aabutin iyon pero talagang pinaglalaruan siya ng binata. Hindi siya masyadong makagalaw dahil hawak ng isang kamay niya ang twalya niya.
"Kunin mo." si Lance. Loko ito! Nakatayo siya sa may paanan ng binata. Nakasandal kasi ito sa kama.
"Hindi ako nakikipaglaro Lance!" naiinis na siya.
"Me too sweetheart." sabi nito. Lalo siyang nainis ng marinig ang ginamit nitong endearment sa kaniya. Lumapit siya lalo dito at inabot ang braso nitong nakahawak ng undies niya saka ito kinagat."
"Ouch! You little witch!" napa aray ito sa sakit. Bigla siya nitong hinapit at napadapa siya sa katawan nito. Naalis din niya ang pagkakahawak sa twalya niya dahil sa pagkabigla. Nakapatong na siya sa binata.
Nooooooo! Para siyang mabibingi sa lakas ng pintig ng puso niya.
"I want you now Trish." sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. Ramdam niya ang pagnanasa sa mga mukha nito dahil ganoon din ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon. Ilang beses na bang halos may mangyari sa kanila? Siguro ngayo'y mas may karapatan na silang gawin ang bagay na iyon. Mag asawa naman na sila. Bago pa niya namalayan ay hinalikan na ni Lance ang mga labi niya.
At doon na nagsimula ang pagsuko niya..
______________________________________.
Thank you :)
![](https://img.wattpad.com/cover/75319914-288-k103863.jpg)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise