"Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Pat kay Lance ng marealize niyang hindi iyon ang patungo sa Villa nila. Doon kasi ang inaasahan niyang tutunguhin nila.
"Maghahanap ng tutuloyan mo." sagot ni Lance.
"Ha? Akala ko.." nahihiya siyang ituloy ang gusto niyang sabihin. Napasimangot nalang siya. Kanina lang ang saya niya. Nagkita ulit kasi sila ni Lance. Ang lalakeng kahit kailan di niya nakalimutan.
"Anong akala mo?" si Lance.
"Wala." maikli niyang sagot. Hindi naman niya pwedeng sabihin na akala niya iuuwi siya nito.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" biglang tanong nito pero nakatutok pa rin sa daan ang mga mata nito.
"Wala." sagot niya.
"Hindi pwedeng wala. Ano iyon, namamasyal ka lang dito dis oras ng gabi?" nakakunot noo ito.
"Lance. Ayokong mag stay sa hotel." iyon ang sinagot niya. Bigla kasing gumana ang isip niya. "Hindi ako safe doon." tuloy niya. Liningon siya ng binata.
"What are you talking about?" tanong nito.
"Ang sabi ko, hindi ako safe mag stay sa public places. Kaya ako umalis sa Maynila dahil may death treaths ang pamilya ko. Kaya nagdesisyon ang parents ko na lalayo muna ako." paliwanag niya. Totoo naman iyong sinabi niya. Pero hindi na niya kailangang sabihin na tumakas lang siya, kasi sa ibang bansa siya pinapapunta.
"That's nonesense!" alam niyang hindi ito naniniwala sa kaniya.
"Ayaw mong maniwala? Kung hindi totoo ang sinasabi ko, bakit dito pa ako nagpunta, kung pamamasyal lang ang sadya ko?"
"Kilala kita Patricia, alam kung may ginawa ka nanamang mali." umiiling nitong sabi.
"Really? I tought you didn't even bother to know me." sarcastic nitong sabi. "Kung para sa iyo mali ang mga ginagawa ko, para sa akin iyon ang mga pinakatamang desisyon na ginawa ko sa buhay ko." sabi nitong nakatingin sa daan. Humuhugot siya.Alam niyang Iba ang pinapahiwatig ni Lance sa sinabi nito.
"Ang hindi mo iniisip ay binibigyan mo ng problema ang ibang tao." matigas na sabi ng binata.
"So poblema lang ako sa iyo?" tumingin siya dito.
"Wala akong sinabi." si Lance.
"On the first place, ikaw ang lumapit sa akin. Hindi ko hiningi ang tulong mo." naiinis siya. "Stop the car!" pero hindi siya nito pinapansin. Pilit niyang niyang inagaw ang manibela.
"Shit! What are you doing?" piksi ni Lance.
"I said stop the car!" sigaw niya. Frustration na ang nararamdaman niya. Biglang iginilid ni Lance ang sasakyan at itinigil niya ito.
"What now? Paano kung naaksidente tayo? Are you out of your mind?" matigas nitong sabi.
"Get out." mahina pero pormal niyang sabi."I said get out!"
"Ano bang problema mo?" si Lance.
"Ikaw! I hate you for being so evil! Nagsasabi na akonng totoo, hindi ka pa naniniwala! Anong akala mo? Sinadya khng pumunta dito, ng dahil sa iyo? For your information Mr. Saavedra, matagal ng nawala ang feeling ko sa iyo! Puppy love lang iyon, bata pa ako noon. So huwag mong isipin na plinano ko itong muli nating pagkikita. Dahi never kung inisip at in'expect na magkikita pa tayo!" mahaba niyang paliwanag dito. Naiinis siya. Kaya hindi na rin niya napigilang lumuha."I don't like you anymore! Cause you're a devil! Ikaw ang pinakamasamang la-..." hindi na niya natapos ang sasabihin ng bigla siyang hinalika ni Lance.
Marahas at nagpaparusa.
Pero ilang segundo pa ay naging dahan dahan ito. Hindi na rin niya napigilan ang tugunin ito. She can't resist anymore, katulad ng dati. Tumagal ng isang minuto ang halik na iyon bago iniwan ni Lance ang labi niya.
"You're lying." nakangiti ang mga mata nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa gustong ipahiwatig ng binata. Tulak ng bibig, Kabig ng dibdib. "Itulog mo muna, dahil matagal pa ang biyahe natin." seryosong sabi ni Lance at pinaandar niya ulit ang kotse.
Nakakahiya! Bakit kasi ako tumugon sa halik niya. Pagkatapos kung sabihing hindi ko na siya gusto, papahalik ako? You are crazy Patricia!
Hindi na niya ulit sinulyapan ang binata, dahil sa sobrang hiya. Hanggang sa nakaidlip na siya sa sobrang pagod.***
"Trish, wake up. Nandito na tayo." mabining tapik sa pisngi niya ang nagpagising sa kaniya. Iminulat niya ang mata niya at nakita niyang nakatunghay si Lance sa kaniya. Halos dalawang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila. Agad niya iniwas ang kaniyang mukha. Nilinga niya ang paligid. Pamilyar sa kaniya ang lugar na iyon."Where are we?" tanong niya dito.
"Sa Villa." sagot ni Lance at bumaba na ito sa sasakyan. Hindi man lang iti nag abalang pagbuksan siya. Kahit kailan talaga, ungentleman parin ito.
Lumabas na rin siya at sumunod dito."Señorito, sino po-?" si Manang Linda.
"Hi po manang. Magandang umaga po." bati niya rito. Alas singko na kasi ng umaga.
"Ma'am Patricia?" di ito makapaniwala."Mabuti naman po at bumalik na kayo ma'am, hindi na po malulu-"
"Manang, papasukin mo na siya." putol agad ni Lance sasabihin ni Manang Linda.
"Ay oo. Halika na sa silid niyo ni Señorito. Nasaan ang mga gamit mo ineng?" biglang tanong nito.
"Naku, manang wala po akong-" hindi na niya naituloy ng muling nagsalita si Lance.
"Hindi na siya nagdala, kasi dati namang may mga gamit siya dito." sabi nito at iniwan na sila. Nagulat siya ng malamang nandoon pa ang mga naiwan niyang gamit noon. Akala niya ay pinatapon na ito ni Lance.
"Sungit!" nakanguso niyang sabi.
"Naku ineng, mas malala pa iyan simula noong iniwan mo siya." natatawang sabi ng matanda.
"Ha? Bakit naman po siya magsusungit noon manang?" natanong niya dito.
"Aba, ewan ko sa batang iyan. Halos bugbugin nga niya iyong driver na naghatid sa iyo pauwi noong araw na iyon." kwento nito. "Sobra siguro ang pinag-awayan ninyo no? Sabagay mga bata pa kayo noon. Akalain mo, ilang taon din kayo naghiwalay. Pero tingnan mo naman, kayo parin sa bandang huli." halata ang katuwaan sa mukha ng matanda. Masaya siyang gusto siya nito para kay Lance. Pero wala din namang kwenta kung ang binata mismo ang ayaw sa kaniya. Nakakainis!
Walang nagbago sa kwarto na tinuluyan niya noon. Nandoon din ang ilang mga damit niya. Na halos summer dress. Napangiti siya. Siguro, hindi rin siya nakalimutan ng binata.
Naligo muna siya at muling nakaidlip.
She's tired.
But happy.
______________________________________
Thank you :)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise