Dinner Date

26.2K 574 5
                                    

"Flowers for you ma'am, galing po sa inyong mahal na asawa." nakangiting saad ng isang delivery boy. Hindi pa siya nakakapasok sa clinic niya ay ito na ang una niyang nakita.

"Thank you." inabot niya ito. So, kailangan talaga nitong ipangalandakan na asawa niya ito. Pero kinilig siya. "Wait, pakisabi sa mahal kong asawa na siya na mismo mag-abot sa susunod a, baka kasi makalimutan ko na ang itsura niya." bilin niya dito. Iiling iling lang na umalis ang boy.

Sinamyo niya ang mga bulakak bago niya inilagay sa vase. Hindi na mukhang Vet clinic ang klinika niya mukha na itong flower shop. Araw araw itong nagpapala ng bulaklak pero hindi man lang magpakita sa kaniya.

Masyado siyang naging busy sa araw na iyon. Madami kasi siyang naging pasyente. Hindi na niya namalyan na halos sumabog na ang cellphone niya. Kanina pa tumutunog. Sino la ngaba ang tatawag sa kaniya. Kundi ang mabait niyang asawa. Binasa niya ang text nito.

Lancetoot: Gaano ka na ba kabusy at hindi o masagot ang tawag ko? Lets havs dinner tonight. Susunduin kita.

Alam niyang naiinis ito. Dinner? Magkikita sila ni Lance? Na excite siya. Maaga pa pero inayos na niya ang sarili niya.

Paglabas palang ni Pat sa klinika niya ay nakita na niya agad ang asawa niyang nakasandal sa kotse nito. He looked so gorgeous. Pwede bang ikaw nalang ang dinner ko? I miss you. Gusto na niyang daluhungin ito ng yakap pero nagpigil siya.

"Ang tagal mo." nakabusangot ito. Okay na sana. Pero bumawi ito ng may iabot sa kaniya. Isang red na rose. "To my lovely wife." napangiti siya at kinilig pero hindi niya pinahalata. Siguro nakarating ang sinabi niya sa delivery boy kanina.

"Thank you." tinanggap niya ito.

"Hindi mo naman na siguro makakalimutan ang itsura ng asawa mo ngayon." sabi nito.

"Well, siguro." "siguro kahit makalimutan ko ang itsura mo, ang puso ko ang magpapaalala sa akin." gusto niya sanang idugtong.

"Siguro?" nakataas ang kilay nito.

"Ano ka ba. Nagsusungit ka nanaman, akala ko ba magdidinner tayo. Gutom na ako e." sabi lang niya dito.

Agad naman nakaramdam ang binata. Sa Manila Hotel sila nagtungo at doon kumain.

"Kumusta ka na?" si Lance.

"Okay ang. Busy. Dumarami ns kasi ang nakakakilala sa klinika ko." sagot niya."Ikaw?"

"Busy rin." simpleng sagot nito.

"Saan ka busy? Sa pagiging Agent o Engr.?" tanong niya.

"Busy ako sa panliligaw sa iyo babe. Hindi pa ba halata?"

"Oh! Nanliligaw ka pala. I tought ang suitor ko ay iyong taga deliver ng bulaklak." anito na tila nang-iinis.

"Witch!" turan nito. Napangiti siya,napakasarap nitong asarin.

Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"I miss you babe." mayamaya itong nagsalita.

"Namiss mo ako?" nagblush siya.

"God! Patrica, halos iyon na ang nakalagay sa mga note ko sa mga pinapadala kung bulaklak. Don't tell me, hindi mo binabasa." he looked at hed intently.

Hindi siya nakasagot. Iba kasi pag sa personal, mas may feelings. At nakakakilig. Nginitian niya ito ng matamis.

"I miss you too Lance." sabi niya.

Ginanap ni Lance ang kaniyang kamay at nilalaro laro iyon.

"Then live with me babe, umuwi na tayo sa bahay." may pakiusap sa mga mata nito. Muntik na niyang nasabi ang "Yes".

"No. Hindi magandang tingnan." sabi lang niya.

"Hindi magandang tingnan? E bakit pa gusto mong pumunta sa bahay ko noon? Kulang nalang imbitahin mo ang sarili mong doon na rin tumira." tumaas ang kilay ng binata.

"Noon iyon. I've change." nagkibit balikat lang siya.

"Really? At ano ang nagbago?" tumaas ang tono nito.

"Concerned na kasi ako sa reputasyon ko ngayon." pahayag niya. Tumawa ang binata sa sinabi nya.

"You're unbelievable. God, woman, you are amazing! Kung kailan nakuha ko na ang lahat sa iyo at mag asawa na tayo, saka ka naman biglang naging concerned sa reputation mo? Hindi ko makuha ang punto." tumawa ulit ito.

Sinimangutan kang niya ang binata.

"Kung talagang concerned ka diyan sa reputasyon mo, umuwi ka na sa bahay." sabi ulit nito.

"Bakit gusto mo akong makasama?" bigla niyang tanong dito. Torpe kasi e hindi marunong manuyo.

"Because I want you in my life babe. I want to have you with me evsryday and every night!" sagot nito.

Huwag ka munang bibigay Patricia. Tapos na iyong pagiging cheap mo! Huwag kang easy. Hayaan mo siyang maghirap.

"Sure babe. Pero sa tamang panahon. Uuwi ako sa iyo, pag ready na ako." nakangiti nitong pahayag.

"Ready? Ano bang mababago sa iyo kung uuwi ka lang sa bahay at mamuhay tayo na tulad ng dati?" napailing ito." You are my wife Patricia, kaya uuwi ka sa bahay." matigas ang tono nito.

"But I have the right to say " no", babe." ngumiti siya.

"Not with me!" napasigaw ito. Napansin niyang naglingunan ang nasa paligid nila. Ang iba ay nagbubulungan. Napamura ang binata.

"Let's go." tumayo ito at hinawakan siya nito sa kamay at nag iwan siya ng pera sa mesa.

"Ihatid mo na ako sa bahay." nang makarating na sila sa parking lot.

"Hell! This will be the last time na ihahatid kita sa bahay ng magulang mo! Rember, na may asawa ka na at may sariling bahay Patricia." inis niting sabi.

"Okay." maiksi niya sagot.

Maybe, later my love. Darating din tayo sa time na iyon.

______________________________________
Oh! Lapit ko ng matapos

Thank you :)






My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon