Maling Akala

31.1K 647 4
                                    

Pagkatapos ng nangyari sa gym napagdesisyonan ng magkaibigan na magbakasyon muna sa sobrang pagkapahiya. Okay! Nakakahiya naman talaga iyon. Nakakahiya at nakakatawa. Ganun ang ginawa nilang magkaibigan ng bumalik sa realidad ang mga isip nila, hindi na nila tinapos ang laro at tumalilis na sila agad palabas ng gym. Panalo daw ang team ng engnrng. Para lang daw nakikipaglaro sa mga bata sina Kiel at Lance. Sayang di niya napanood. Tiningnan niya ang kaibigan, lasing na siya. Nasa isang resort silang magkaibigan, dokn na sila dumeretso pagkatapos ng nangyari. Bakasyon naman na kaya sinamantala na nila.

"Be-eshh kow shhuoory ahh. Di koww shinasadya iyuu-ung nang- yarii!" lasing na sabi ni Kat.

"Walaah iyoon bheshh, ak-akow da-pats magshoory!" Okay lasing na din siya. nakailang bote na ba sila ng redhorse? Sampu? Eleven?..iyon lang kasi available na alak sa resort kaya wala silang choice.

"I-iyong nangyari sha-amin beshh, wala la-laang daw iyoon, sha-sabi niya! G*go shhya be-shh!" Sabay iyak, pagkatapos nun napahiga na siya sa sobrang kalasingan.

Okay! Siya naman, di nag sink agad sa utak niya ang sinabi ng kaibigan. Para nalang siyang binuhusan ng malamig na tubig ng marealize niya iyon. Sa lahat ng nakakagulat na nangyari sa kaniya thess past days, iyon yung nakakabigla. Si Kiel at Kat? May nangyari sa kanila? Hell! Nawala ang lasing niya. Lumapit siya sa kaibigang tulog na tulog na. Gusto niya itong yugyugin para tanongin, pero naawa siya sa itsura niya, may naisang luha sa pisngi nito at humihikbi pa na parang bata. "Kiel" iyon ang paulit ulit niyang naririnig dito. Mas natamaan ata ang kaibigan niya.Nakuh! Makakatikim si Kiel sakin! Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ito. Ilang sandali lang may sumagot.

"Where the hell are you!" sa kabilang linya

Hindi na siya magtataka kung ang ikakamatay niya ay dahil sa pagkagulat. Naumid ang dila niya, kilala niya ang bosea na iyon at sigurado siyang hindi si Kiel un.

"Patricia! sumagot ka." sigaw ulit nito.

"Na- nasaan si Kiel?" iyon ang nasabi niya. Ano ba sasabihin niya dito, na namimiss niya ito.Masyado siyang pre- occupied para dun ngayon.

"F*ck!" iyon lang at wala na siya sa linya. Boses na ni Kiel ang narinig niya.

"Pat? Nasaan kayo? Sabi ni tita nagbakasyon kayo, pero ayaw nilang ipaalam kung saan. " alam niyang nag aalala ito dahil sa tono nito, pero alam niyang hindi para sa kaniya iyon.  "Pat! Baby!" rinig ulit niya dito. "Shit Kiel! Don't call her Baby again, or else I'll kill you!" boses ni Lance iyon. Magkatabi ba sila? Nagseselos ba siya kay Kiel? Maingay ang background nila, nasa Bar ba sila? "Loverboy, come with me!" boses naman ng babae iyon. "Pat! Please tell me, nasaan kayo, puntahan ko kayo!" nagsalita ulit si Kiel sa kabilang linya. May babae? Biglang umahon ang galit nya.

"Mag uusap ulit tayo Kiel Zandro! You Moron! Both of you! Magkakababy ka na dika parin nagbabago? Pare pareho kayong mga lalake, walang alam kundi saktan kaming magkaibigan! I hate you both!" Okay, iyong part na magkakababy, gawa gawa lang niya iyon. Tiningnan niya ang kaibigan na himbing na himbing. Sorry bez! Ng biglang nagkagulo sa kabilang linya, parang may nagsuntokan "F*ck you Kiel! papatayin kita!" iyon ang huli niyang narinig boses iyon ni Lance.

Naguguluhan siyang nakatitig sa phone niya. Anong nangyari dun?

Sa Bar....

Kanina pa nilalaro ni Lance ang kopita na may lamang alak. Kasama niya ang team nila, nagkaroon ng victory party at hindi siya naka hindi kay Kiel ng yayain siya nito. Malayo ang isip niya. He's thinking about Tricia. Napag alaman niyang nag out of town siya kasama ang bestfriend niya. pero pati pamilya nila hindi alam kung saan sila nagpunta. Nag aalala siya, ganun din ang nakikita niya kay Kiel. Nakahawak ito ng kaniyang cellphone at kanina pa siya may dina dial ng paulit ulit. Nang biglang naalala niya ang nangyari sa gym kanina. Hindi niya maiwasang mapangiti sa kabila ng pag aalala niya. Nakikita niya ang magandang mukha ni Tricia habang nakatingin ito sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganun nalang ang pakiramdam niya kanina. Kailan ba niya huling naramdaman ang ganun? Noong sila ni Brena? Napahigpit ang hawak niya ng biglang maalala ito. Ininom niya ang naiwang alak sa kopita niya at nagsalin ulit. Nang marinig niya si Kiel.

"Sh*t! Gawin nyo ang lahat para mahanap sila! I know Patricia, padalosdalos yun,she's a brat! baka mapahamak sila!" at pinatay na niya ang phone nito sabay inom ng alak.

Napatiim ang baga niya. Kaibigan niya si Kiel, actually pareho silang Secret Agent. Yes! Kakampi sila ng mga police at ng gobyerno. Ang pamilya niya ay nagmamay ari ng isang malaking contruction firm sa bansa, kaya sinunod niya ang Daddy niyang kumuha ng Engineering dahil siya ang magmamana ng kompanya nila balang araw. Pero masyadong walang thrill sa kaniya kaya pumasok siya bilang SA, at ang code name niya"My Love" napangiwi siya. Sa sinami dami ng pwedeng code name bakit yun pa. Doon din niya nakilala si Kiel, magkasunod lang silang nag apply. Ang code name naman nito ay - "Honey-pie". Napainom ulit siya. Naalala niya yung time na unang hinalikan siya ni Tricia, may misyon sila nun. kasama niya sina Kiel. Alam niyang sinusundan siya ni Tricia that time, well matagal na talaga niyang alam na ini stalk siya nito. Nagawa pa nitong pumasok sa loob ng Cr ng boys, nagsuot ng masscot, nagdisguise as waitress ng isang restaurant, kumain ng streetfoods para lang di niya mapansin. Almost apat na buwan siya nitong sinundan. Trabaho niya ang mag spy kaya hindi pwedeng hindi niya ito mapansin.Ang huli ay iyong sundan siya sa misyon nila. Sobrang alala niya sa oras na iyon, paano kung nakita siya ng mga kidnapper at napahamak siya. Pero bago pa niya nailayo, nabaril na ni Kiel ang mga kidnapper kaya mabilis ang naging kilos niya na ilayo ito doon para di niya masaksihan ang pangyayari.

Sinuntok siya ni Kiel dahil doon. Di lingid dito na sinusundan siya ni Pat. Alam niyang engage na ang dalawa.Naghihimagsik ang loob niya pag naiisip na magpapakasal sa iba si Pat! Bakit mahal mo ba siya? tanong ng isip niya! F*ck! NO! hindi pa sya handang magmahal muli. Pero bakit di niya maiwasang mainis, pag nakikita niyang magkasama sina Kiel at Pat! Uminom siya muli, sasalinan palang niya ang baso niya ng marinig niya si Kiel.

"Pat's is calling!" sasagutin na sana ni Kiel pero mabilis niyang inagaw ang phone at siya ang sumagot.

"Where the hell are you!" galit na tanong nito. Walang sumasagot sa kabilang linya. "Patricia, sumagot ka!" sigaw ulit niya. halohalong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Namimiss ba niya ang dalaga? Oh! C'mon! Ng marinig niyang nagsalita si Pat-

"Nasaan si Kiel?" tanong nito sa kabilang linya

Napamura siya.Si Kiel ang hinahanap niya. pagkatapos niyang magconfess sa kaniya kanina? Hell! Pinindot niya ang loudspeaker bago niya binigay kay Kiel. Nakikinig siya sa usapan nila,naiinis siya pag tinatawag ni Kiel si Patricia na Baby! Nagseselos kalang eh! Tinungga a niya ang bote ng alak sa sobrang inis, ng biglang may lumapit na babae sa kaniya. "Loverboy come with me". malambing na yaya sa kaniya ng babae. Pero wala doon ang atensyon niya kundi na kay Tricia sa kabilang linya, pero parang parang sasabog siya sa sobrang galit ng marinig niya ang tinuran nito "... magkakababy ka na, di ka parin nagbabago.." Nanigas ang buo niyang katawan, at di na niya napigilan ang sariling sinuntok ang nabiglang si Kiel. Bakit, siya ang sumuntok pero mas nasaktan siya?!

"F*ck you Kiel, papatayin kita!" sabi niya at susunukin ulit niya ito ng may humarang sa kaniya. Pinigilan siya ng mga ka team niya. Tiningnan niya ng masama si Kiel, pinupunasan niya ang ilong niyang dumugo. Tumayo ito sa pagkakatumba. Shit! dinig niyang sabi nito, hawak niya ang nasirang cellphone niya. Tiningnan siya nito, hindi galit ang nasa mukha niya kundi pag aalala.

"Kailangan na nating hanapin sina Pat!" desidido na sabi ni Kiel sa kaniya. "Im very sure,it's not Pat Pare!" napatiim baga ito.Kung di lang niya ito kilala, matatakot siya sa itsura ni Kiel sa mga oras na iyon.


















My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon