"Manang si Lance po?" isang linggo na kasi siya sa Villa pero hindi na muli niyang nakita ang binata simula ng ihatid siya doon.
"Aba, masanay ka na ineng. Sobrang workaholic iyong batang iyon." sabi nito habang nagluluto. Nasa hapag siya, at pinapanood ang matanda.
"Ganoon po ba? Ano po bang trabaho niya?" gusto niyang malaman ang pinagkakaabalahan ng binata. Nakita niyang kumunot ang noo ng matanda. Ay oo nga pala. Akala nito mag asawa sila. Paanong hindi niya alam iyon.
"Ay oo nga pala, ilang taon din kayong naghiwalay. Isa siyang Engr. at siya na ang humahawak ng isa sa mga construction firm nila dito sa bansa." paliwanag ng matanda. Napakagat siya ng dila. Siguro kung noong ini-stalk pa niya ang binata hindi na niya kailangang magtanong ng ganoon, kasi kilalang kilala niya noon ito. Hindi katulad ngayon. Wala na siyang alam tungkol dito.
"Wala na po kasi kaming komunikasyon noon manang." maikli niyang sabi dito. Ayaw niyang magpaliwanag.
"Kayo talagang mga bata, minsan huwag kayong magpadala sa init ng ulo." iiling iling ang matanda. Napangiti siya. "Kailangan pinag-uusapan ang problema, para hindi ito magsasanhi ng hiwalayan."
"Opo manang." isang boses na nagmula sa likuran niya. "Narinig mo babe?" si Lance. Bigla siya nitong niyakap sa likod at hinalikan siya sa pisngi. Para siyang naestatwa sa ginawa ng binata. Anong kayang nangyari dito? Ayos lang kaya ito? Hindi kaya ito nahulugan ng debris o hollowblocks sa ulo? Bakit bigla itong lumambing.
"O, ayan na pala ang asawa mo. Umupo ka na rin, at kumain na kayo." yaya ng matanda. Hanggang nayon hindi pa rin naitatama ang alam ng mga ito na mag-asawa talaga sila ni Lance.
"Lance." bulong at saway nito.Hindi pa rin kasi ito umaalis sa pagkakayakap sa kaniya.
"Why? Di mo ba ako namiss?" bulong nito sa tenga niya. Nakikiliti siya sa mainit na hininga nito.
"Tigilan mo nga yan, nakakahiya kay manang e." saway nito. pero lalong hmigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya.
"Naku, mga batang to. Ayos lang iyon, mag-asawa naman na kayo." natatawang sabi ng matanda. Iyon nga ang masama, hindi naman talaga sila totoong kasal.
"Narinig mo babe?" malambing na turan ni Lance. Aba! ano ba talaga ang nangyari sa lalakeng ito.
"Sige na. Kumain na muna kayo, bago kayo maglambingan diyan." yaya ni Manang. Pagkatapos niyang maghain ay nagpaalam ito upang mamalengke. Si Lance nama'y umupo na rin sa harap niya.
"Kumusta ang trabaho?" tanong niya dito. Bigla kasing tumahimik.
"Maayos naman." tiningnan siya nito." Ikaw kumusta ka dito?"balik tanong nito.
"Ito namimiss kang damuho ka!" gusto niyang isagot pero syempre hindi niya gagawin iyon.
"I'm fine." maiksi niyang sagot.
"You are safe here, don't worry." sabi lang niya sabay subo. Nang napansin niya ang kamay nitong naka-bandage. Napatayo siya bigla at lumapit dito.
"Anong nangyari sa kamay mo? Masakit ba?" hawak na niya ang kamay ng binata. Nagulat din ang binata sa inakto niya."Bakit hindi ka nag-ingat? Kaya mo pa bang igalaw?" sunod sunod nitong tanong.
Nagulat siya ng bigla siyang hapitin ng binata sa bewang gamit ang may bandage nitong kamay.
"See, kayang kaya ko pang igalaw." nakangiti nitong sabi. Bahagya niya itong itinulak. Pero lalo siyang hinapit papalapit dito. "I'm okay. Konting sugat lang ito."
"A-are you sure?" paninigurado niya.
"You are acting like a worried wife babe."
"Hindi naman sa ganun, kaso-" ano nga ba ang sasabihin niya?
"Pumayat ka lalo." puna nito. "Hindi ko halos maramdaman ang iyong bewang." lalo siya nitong hinapit. Medyo pumayat nga siya, dahil siguro sa lagi niyang pagpupuyat dati sa work niya.
"Hindi naman ako payat e." nakanguso nitong sabi. Bakit sa iba sexy ang tawag sa slim-body niya. Perk sa lalakeng ito matigas na "payat", ang tawag nito sa katawan niya simula pa noon.
"Mas prefer ba ng mga past boyfriends mo na ganiyan ang katawan mo?" matiim ang mga titig nito sa kaniya.
"Hindi naman ako payat a." napangiwi siya. Hindi kasi niya alam kung ano isasagot sa tanong nito. Kasi never pa naman siyang nagkaroon ng kasintahan. Madami namang nanliligaw sa kaniya kaso wala siyang magustuhan.
"You are not answering my question babe." nakakunot ang noo nito.
"Wala akong dapat sagutin. Bitiwan mo na ako at kakain na ako." malakas niya itong itinulak at bumalik na siya sa dating pwesto niya. Nakatitig lang si Lance sa kaniya.
"Mag-uusap tayo mamaya." si Lance at tumayo na ito. Iniwan siyang mag-isa.
******
Pagkatapos niyang naligo ay bumaba na siya upang puntahan si Lance. Ano kayang pag-uusapan nila? Kanina pa niya iniisip iyon. Suot niya ang summer dress na yellow. Sleeveless ito at above the knee. Pagbaba niya sa hagdan ay nagulat siya sa nadatnan.May nakakandong na babae kay Lance. Naka-angkla pa ang mga braso nito sa leeg ng binata. Biglang sumikdo ang dibdib niya. Napabagal ang pagbaba niya sa hagdan.
"Sweetheart, i miss you so much." sabi ng mahaderang babae.
"Belinda, pagod ako." iyon lang ang narinig niya mula sa binata. Biglang humalakhak iyong babae.
"I'm sorry sweetheart, napagod ba kita kagabi?" hindi niya alam kung naghahalikan ang mga ito. Nakalikod kasi ang babae sa kaniya."Gusto mo ng masahe?" sabay hagikhik.
Aba! Trabaho pala ang pinuntahan nito. Bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib niya. Selos ka?
Hindi niya matagalan ang mga itong tingnan. Aba! Ano nalang sasabihin ng mga kasambahay, may asawang tao tapos nakikipag harutan? Kinarir mo na talaga Patricia."Ehem!'' tikhim niya ng makalapit na siya sa mga ito. Lumingon naman ang babae sa kaniya. Aaminin niya, napakaganda nito, sexy at may hinaharap. Kung ito talaga ang batayan ni Lance ng " sexy" talagang "payat" ang tawag sa katawan niya kung ikukumpara dito.
Nakita niyang itinulak ni Lance ang katawan ng babae palayo dito.
"Who is she Lance?" nakataas ang kilay na tanong ng babae."Bago niyong katulong?" tapos tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
Tumaas ang dugo niya sa narinig. Gusto niyang sabigin dito na isa siyang prinsesa at tagapagmana. Pero syempre dahil may class siya, hindi siya papatol sa babaeng ito.
"Hindi siya katulong. She is Patricia." iyon lang ang pakilala ni Lance sa kaniya. Pero makabawi nan siya sa pangmamata ng babae, nakaisip siya ng paraan.
"Hi. I'm Patricia Louise Saavedra." iyon palang ay nakita na niya ang pagkagulat sa mukha ng babae. "His wife." sabay tutok ng mata kay Lance. Nakatitig lang din ito sa kaniya. Wala siyang mabanaag na inis o kahit na anong ekspresyon sa mukha nito.
"What? Sweetheart, totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito?" gusto niyang matawa sa nakikita sa babae. Buti nga sa iyo. Nakabawi din siya.
"Belinda, umuwi ka muna please. I need to take a rest." napapikit ito.
"No, Lance. You need to explain. Kailan pa? Bakit hindi ko alam!" halos magsigaw sigaw na ito sa galit. Nawala tuloy ang poise niya.
"Some other time. Not now." tumayo ito. Hinarap siya nito bago umakyat sa hagdan."Follow me." sumunod naman siya dito at hindi na niya binigyang pansin ang tigalgal pa ring si Belinda. Halatang nagpupuyos ito ng galit.
______________________________________
Thank you :)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise