Pinapasok ni Samantha si Lawrence sa loob ng bahay niya. Hindi niya mawari iyong pakiramdam niya na safe at parang harmless naman ito kaya ganoon nalang na hindi na siya nagdalawang isip na papasukin ito. At saka kapitbahay naman pala niya. Iyon ba talaga ang dahilan? Tudyo niya sa sarili. Lalo niyang nakita ang kagwapuhan nito. Nakasuot lang ito ng V-neck na T-shirt at naka rugged na maong na pants. Nakatali ah may kahabaan nitong buhok. May balbas ito at bigote na nababagay sa mukha niya. Basta, ang gwapo niya. Sobra.
"Huwag mo akong titigan na para bang ngayon ka lang nakakita ng gwapo." sabi nito. Inirapan lang niya ito. Sabagay totoo naman ang sinabi niya. Marami namang gwapo sa baryo pero iva itong nasa harap niya. Ito ang depinisyon ng kagwapuhan para sa kaniya. "Coffee or Juice?" tanong niya rito.
"Coffee." feel at home ito. Naku! Malapit na akong mamatay sa takot sa lalakeng ito, tapos kung umasta ngayon ay parang walang nangyari. Pumasok siya sa kusina niya at nagtimpla ng juice at kape. Nang bumalik ito sa sala ay nakaupo parin ito na para bang sinusuri ang bahay niya.
"Bakit hindi ka kumuha ng malaking bahay. Hindi ka safe dito." turan nito. Ibinigay niya ang kape at umupo siya sa tabi niya. Iisang sofa lang kasi ang nasa sala, hindi naman pwedeng tatayo lang siya. Ramdam parin niya ang pangangatog ng tuhod niya.
"Hindi ko kailangan ng malaking bahay. Mag isa ko lang naman." At ano ba ang pakialam mo? Gusto sana niyang idagdag. Pero kumunot noo agad ito.
"Ako na ang may ari ng bahay sa harap mo." sabi nito sabay higop ng kape.
"Ganoon ba?" salang pake na tanong niya. Bakit pa, e ang presko nito una palang niya itong nakita sa palengke ay ganito na ang ugali niya.
"Lumipat ka na doon." sabi niya.
"What? Bakit ko gagawin iyon? May bahay naman ako." gulat nitong sabi."At kahit wala akong bahay, hindi ako titira kasama mo." naiinis siya. Napaka straight forward nito.
"Wala ka ng magagawa." muli nitong sabi.
"At bakit wala akong magagawa, aber?" tanong niya. Tumingin ito sa kaniya.
"Dahil nabili ko na rin ang bahay mo." Hindi siya makapaniwala sa narinig. Pag mamay ari niya ang bahay na tinitirhan niya. Nabili niya ito sa may-ari.
"Bahay ko ito, at wala akobg natatandaang ibinenta ko ito sa iyo, Mister Whatsoever!" pagsusungit niya.
"It's Lawrence sweetheart." tumayo ito at hinarap siya. "Binili ko ito sa mismong may-ari. Kung nabili mo man ito, wala kang pinanghahawakang titulo dahil peke ang taong nagbenta sa iyo ng bahay na ito Samantha." parang may bigat ang pagbigkas nito sa pangalan niya. Totoo ang sinabi nitong wala siyang hawak na kapapelan ng binili niya ang bahay na iyon dahil akala niya ganoon sa baryo. Legal parin na mapapasa kaniya kahig walang papel.
"No! Hindi ako naniniwala sa iyo!" sabi niya.
"Gusto mong ipakiga ko sa iyo ang pinanghahaaakan ko?" tudyo nito." Kahit saan tayo magpang-abot, ako parin ang nagmamay-ari ng bahay na ito." mariin nitong sabi.
"Bakit?"
"Anong bakit, sweetheart?" nakataas ang kilay nito.
"Don't call me sweetheart!" bakit parang ayaw niya ang endearment na iyon. "Ano bang kailangan mo sa akin?"
"Wala."sagot nito. Ouch! bakit kasi iyon ang tinanong niya. " I need this house, dahil dito ko ipapatayo ang aking negosyo." mas lalo nanaman siyang nagulat sa sinabi nito.
"No!" sigaw nito. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito. Sisirain nito ang bahay niya na ilang taon din niyang tinirahan. Hindi siya makakapayag. Mahalaga sa kaniya ang bahay na iyon. Kahit hindi ganun kamahal ang pinambili niya para sa kaniya iyon ang pinaka safe at pinakamagandang bahay na nakita niya. "Magkano ba ang kailangan mo?" tanong niya dito.
"Hindi kokailangan ng pera dahil masmalaking pera ang makukuha ko kung maipapatayo ko ang gusto kung negosyo dito." nakatalikod na si Lawrence sa kaniya.
"Hindi ako makakapayag!" pagmamatigas niya.
"Wala ka ng magagawa." ibinaba na nito ang tasa sa center table. "Iyon ang sadya ko sa iyo. I'll give you one week para lumipat sa bahay ko." pinal niyang sabi at akmang aalis na ito.
"No way, Lawrence! Kahit mahiga na ako sa daan, hinding hindi ako titira sa bahay mo!" sigaw niya rito. Bigla itong humarap sa kaniya, pero nasa may pintuan na ito.
''Then I'll give you another option sweetheart." pause. "Be my woman, at hindi ko kukunin ang bahay mo." nakangisi nitong sabi.
Ano daw? Bastos pala talaga ang lalakeng ito e. Maniac pa!
"I hate you Lawrence Saavedra! Kahit kailan hindi mangyayari ang gusto mo, bastard!" galit na galit niyang sigaw dito. Nakalabas na ito pero sumilip muli mula sa pinto.
"Oh, by the way Sam, iyong clinic mo, pagmamay-ari ko rin." sinara na niya ang pinto. Bigla nalang niyang naibato ang hawak niyang baso sa sobrang gigil niya.
''I hate you!" napaupo siya at napasabunot ng buhok. Gusto niyang umiyak sa galit sa lalakeng iyon. Bakit ba siya ang ginugulo nito. Tahimik ang buhay niya pero ginugulo ni Lawrence."Oh! I hate him!"
Naisip niya ang binigay nitong option. Dalawang option pero walang pagkakaiba. Kahit anong piliin niya talo siya. Sa kaniya narin ang clinic niya. Saan na siya pupulutin ngayon? Ang walanghiyang lalakeng iyon! Pineperhwisyo ang tahimik niyang buhay.
Lalong hindi siya nakatulog sa gabing iyon. Para sa kaniya isa iyong bangungot habang siya'y gising! I realy hate him!
______________________________________
Ano po kaya ang pipiliin ni Samantha?
Thank you po:)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise