MM 7

24.1K 515 7
                                    

Nakasakay sila kay Mystic na nagpunta sa talon. Kung dati nasa likod siya nito ngayo'y nasa harap na siya ng binata. Ang sweet nila. Parang hindi one-sided-love ang namamagitan sa kanila ng binata. Nasa harap sila ng talon, wala pa rin itong pinagbago. Sobrang ganda at linis parin doon. 

"Sana sa ganitong lugar ako makapag patayo ng clinic ko." bigla niyang nawika.

"Bakit sa ganitong lugar?" baling ni Lance sa kaniya.

"Gusto kung maging mas healthy ang mga aalagaan kung hayop at angga wild animals ay mas gusto sa ganitong lugar." paliwanag niya.

"Gusto mo ding mag-alaga ng mababangis na hayop?" di makapaniwalang tanong ng binata.

"Yes! Lahat ng mababangis na klase ng hayop." nakangiti nitong sagot."May mga hayop kasi na mabangis at nakakatakot ang itsura nila pero ang totoo harmless naman sila." dugtong niya.

"Sabagay. Sa tao nga ganoon din." si Lance. Tiningnan niya ito.

"Tama ka. Kaya ako, kahit gaano man kabangis ang hayop na aalagaan ko gusto sa akin lang ito magiging maamo." may double meaning ang binitawan niyang mga salita.

"Nagawa mo na." mahina pero dinig niya ang sinabi ng binata. Lihim siyang napangiti.

***
Halos isang linggo na silang nag stay sa lugar na iyon. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Halos hindi na sila lumabas ng cottage. Lagi kasing naglalambing si Lance sa kaniya. Ayaw niyang isiping mahal na siya ng binata, ayaw niyang mag expect.

Katatapos lang ng mainit nilang love-making. Nakapikit si Lance at nakatulog na yata ito sa pagod. Napakagwapo niya. He is a God! Hinaplos niya ang mga labi nito.

"Lance, hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang " mahal kita" kahit araw arawin kung pag initin ang katawan mo?" mahina nitong sabi. Gusto niyang sabihin iyon, kaso wala siyang lakas ng loon. Diba nga, iyon lang ang wala sa mga rason ng binata ng pakasalan siya nito. "Kahit iyon din naman ang nag-iisa kung rason kung bakit ako pumayag na pakasal sayo. Because I love you."

Ayaw niyang isipin na matatapos din ang sandaling iyon.

Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi niya.

****
Nagising siya na parang may nakatingin sa kaniya. Nang buksan niya ang mga mata niya, nakita niya si Lance na nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa kaniya. Nginitian niya ito.

"Morning." bati niya dito.

"Morning." with his husky voice.

"Bakit ang aga mo naman yatang bumangon." dati rati kasi halos tanghaliin sila kung babangon.

"Tumawag ang sekretarya ko, may problema daw sa office." ramdam niya ang pagkainis nito."Kaya bumangon ka na diyan, kung ayaw mong magsara ang kompanya ko mahal na prinsesa."

"Sige na po mahal kong prinsepeng masungit!" bumangon na siya, dederetso na sana siya sa banyo ng bigla siyang hinila ni Lance pabalik sa kama.

"Where's my kiss?" at walang pasabing hinalikan siya nito. "Babalik din tayo dito pagkatapos kung maayos ang problema sa kompaniya."

"Opo." sabi nito at pinisil niya ito sa ilong. Tumayo na siya ulit. Nang tinawag siya ni Lance.

"Trish." tawag nito. Liningon naman niya ito, saktong papasok na kasi siya sa banyo.

"Yes?" ngumiti siya rito.

"I- ah, never mind. Sige na magbihis ka na." at lumabas na ito sa kwarto.

Siya naman ay nagkibit balikat nalang.

***
"Manang ano po iyang niluluto niyo?" bumabaliktad kasi ang sikmura niya. Ilang araw na din siyang nakakaramdam ng ganoon, nahihilo pa siya lagi.

"Paksiw ineng. Paborito mo ito diba?" napasimangot siya. Hindi naman niya masabing nababahuan siya sa amoy nito. Hindi na niya natiis at lumabas na siya sa loob ng bahay. Kailangan niya ng fresh na hangin para guminhawa naman ang pakiramdam niya.

Umupo siya sa may garden.

Namimiss na niya si Lance. Halos isang buwan na itong hindi umuuwi. Kahit halos gabi gabi siya nitong tinatawagan ay miss na miss padkn niya ito. Hindi pa daw kasi niya naayos ang problema nito sa trabaho.

Lagi niyang hawak ang cellphone niya para pag tumawag ito ay masasagot niya agad. Nangangati na nga ang daliri niyang tawagan ito. Sobrang namimiss na niya kasi ito. Nahihiya kasi siyang siya unang tumatawag dito.

Pero, lunch break naman siguro nila. Kaya tinipa niya ang numero ng binata at tinawagan ito. Ilang ring bago nito sinagot.

"Hello." bati niya.

"Yes? Sino ito?" nagulat siya.

Boses ng babae? Hindi kaya ang sekretarya nito?

"Sino ito?" gusto muna niyang alamin kung sino ang nasa kabilang linya bago siya magpakilala.

"Ako unang nagtanong. Pero sige, ako ang girlfriend ni Lawrence." sagot nito sa kaniya. Halos mabitawan niya ang hawak niyang cellphone. Pamilyar sa kaniya ang boses ng babae. Hindi siya pwedeng magkamali, si Belinda iyon. Bakit magkasama sila ng asawa niya?

"Hello?" narinig niya muli ang boses sa kabilang linya.

"Si Lance?" napalunok siya. Ayaw niyang mag-isip ng masama.

"Naliligo siya. Oh, is this Patricia? The pretend-wife?" tumawa pa ito ng nakakainsulto.

"Belinda?" gusto niyang makumpirma.

"Yes dear. I'm with Lance. Nasa condo niya ako ngayon, katatapos lang naming- oh! alam mo na." sabay hagikhik. "Nasa shower siya ngayon kaya hindi mo siya makakausap. Buti at napatawag ka, bakit hindi ka pa umalis sa buhay ni Lance? Ganun na ba siya kasarap sa kama at hindi mo maiwan? I'll tell you pareho lang tayo ang posisyon sa buhay niya, ang sayk lang pinakasalan ka niya pero ako nag mahal niya. Alam kung hindi kayang sabihin ni Lance sa iyo ang mga katagang iyon, dahil para lang sababaeng mahal niya sasabihin iyon. At ako un! Kaya kung ikaw-.." pinatayan na niya ito. Ayaw na kasi niyang marinig ang iba pa nitong sasabihin.

Tumulo ang luha sa mga mata niya.  Masahol pa kayo sa hayop! Nasasaktan siya. Umasa pa naman siya. Pero kailangan niyang maging matatag, lalo na sa kalagayan nia ngayon. Ayaw niyang madamay ang dinadala niya.

Yes. She's four weeks pregnant. Nagpacheck up siya kahapon at sobrang saya niya ng malaman niyang nagdadalang tao siya. Pero hindi pa niya nasasabi kay Lance. At sa mga sandaling iyon ay nagdadalawang isip na niyang ipaalam dito.

Napaiyak siya. Hinaplos niya ang ipis pa niyang tiyan at kinausap ang di pa nabubuog baby niya.

"Baby, nandito lang si Mommy. Kahit hindi tayo mahal ni Daddy mo. Ako mahal na mahal kita." napahagulhol na siya.

Sobrang sakit pala na lagi ka ng umaasa. Iyong wala ka ng magawa kundi nagmamahal lang at kahit nasasaktan ka na ng sobra ay nagmamahal ka parin.

______________________________________
Thanks....

May dalawang chapter pa ang MM.

Salamat po ulit.








My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon