Nagising si Samantha. Wala na siyang naririnig na kulog at buhos ng ulan. Maliwanag na rin ang paligid. Bigla niyang naalalang wala pala siya sa bahay niya. Tiningnan niya ang sarili niya. Napa-Oh pa siya. Wala pala siyang ibang suot maliban sa bathrobe. Nagmadali siyang pumunta sa banyo at hinanap ang suot niyang damit kagabi. Hindi naman pwedeng tatawid siya sa daang naka-bathrobe lang baka may biglang magdaan na tao. Nakakahiya, baryo pa naman doon. Ano nalang ang isipin nila. Basa pa ang damit niya. Kahit na. Kaysa itong bathrobe. Mabilis siyang nagpalit at lumabas na. Magpapaalam muna siya sa binata. Gising na kaya siya? Saan kaya ang kwarto niya dito? Tanong niya sa sarili niya habang naglalakad sa may tapat ng tabing kwarto ng tinulugan niya. Tatlo kasi ang kwarto sa taas. Kinatok niya ang unang pinto. Bukas iyon kaya sumilip siya. Nagulat siya at biglang napasigaw.
"Aiiiii!!!"tili niya.
"What the-!" napaharap bigla si Lance sa pagkagulat.
"Aiiii! Bastos!" tinakpan niya ang mga mata niya habang nagtitili. Greysyus! Ikaw ba naman makakita ng hubad na likod. As in wala siyang saplot habang pinupunasan nito ang buhok nito, katatapos lang nito maligo. Okay na sana kung iyong likod lang niya, makaka get-over pa siya. Pero humarap pa kasi. Ohlahlah! Ayaw na niyang isipin. Sobrang nakakatakot! God, Samantha. Swerte mo, nakita mo na iyong bagay na hindi mo pa nakikita sa buong buhay mo.
"Ba't ka ba nagtitili diyan." si Lawrence. Nasa harap na niya ito pero hindi parin niya inaalis ang kamay niya na nakatakip sa mga mata niya. Mahirap na baka kung ano ang makita niya sa malapitan pa. Parang mahihimatay siya. Naku!
"Hindi mo naman siguro first time makakita ng lalakeng hubad." si Lance
"Wala ka ng pakialam doon!" ano bang pakialam ng lalakeng ito. Kung first time nga niya iyon.
"Then open your eyes babe." sabi ulit ni Lance, malapit sa tenga niya. Para itong nang-aakit. Lalo niyang hindi mawari ang nararamdaman niya.
"Manyak ka Lawrence!" itinulak niya ito at nagtatakbo pababa sa hagdan. Dinig niya ang malakas na tawa ng binata. Lalo siyang nainis dito. Imbes na magpaalam siya at magpasalamat, hindi na niya ginawa. Umalis nalang siya basta. Ramdam niya ang panginginig ng kalamnan niya at kakaibang init na dumadaloy sa katawan niya. I hate him! Bakit ba niya ginagawa sa akin ito!
Lalo siyang pinagsukluban ng langit at lupa ng mabungaran niya ang nangyari sa bahay niya. Sobrang makalat ang paligid, ilang yero na ang nabaklas sa bubong niya at may sangang malaki pang bumagsak sa bubong ng kusina niya. Gusto niyang maiyak sa sinapit ng bahay niya. Wala na! Wala na ang ipinaglalaban niya sa lalakeng iyon! Saan na siya titira ngayon!
******
Nadatnan siya ng binata na nakaupo sa may basang sofa. Wala na halos tuyo na gamit niya. Buti nalang si chichay ay di napahamak. Sobra siyang nanlumo. Madaming gumugulo sa isip niya sa mga sandaling iyon. Isa na doon ang pag-alok ni Lawrence sa kaniyang tumira sa bahay nito. Iniisip niya kung senyalea ba ito at si Lord na ang gumawa ng paraan para pumayag na siya sa sinasabi ng binata. No! Ang manyak na ito? Never, akong titira sa bahay niya."Ayosin mo na ang mga gamit mo para makalipat ka na." sabi sa kaniya ni Lance.
"Hindi." maikli niyang pagtanggi.
"Huwag matigas ang ulo mo Samantha." nakakunot ang noo ni Lance."Wala ka nang ibang tutulogan." pasubali niya dito.
"Sa clinic." doon muna siya pansamantala habang ipapaayos niya ang bahay niya.
"Well, ang isang old house at isang old clinic ay isa lang ang kahihinatnan pag dumating ang malakas na bagyo." pasaring nito.
"What do you mean?" tanong niya dito.

BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise