"Lawrence." mahina niyang tapik sa pisngi ng binata. Hinayaan muna niyang matulog ito habang nagluluto siya. Ilang minuto din niyang itong tinitigan bago siya nagdesisyong gisingin ito. Pero malalim ang tulog nito kaya di pa nagigising. Pinagsawa niya ang mga mata niyang nakatitig sa gwapong mukha ng binata. Nakatutok ang mga mata niya sa mga labi ng binata na ilang ulit na rin niyang nahalikan. Hindi niya namalayang lumalapit na palang ang mukha niya sa mukha nito na para bang namamagneto.
"Are you going to pay me now?" nagulat siya ng nagsalita si Lawrence pero nakapikit parin ito. Bigla siyang napaurong at inayos ang tayo niya.
"Bumangon ka na diyan at kakain na tayo." sabi lang niya. Nagmulat ito at tumitig sa kaniya. Matiim ang titig nito. Para siyang matutunaw.
"Huwag mo akong titigan ng ganiyan. Baka di ako makapagpigil at hilahin kita sa kwarto ngayon." pagbabanta nito sa kaniya. Namula siya sa sinabi nito.
"Hindi kita tinititigan no." tanggi niya. "Bumangon ka na kasi diyan, nakaluto na ako." sabi niya at nagmamadaling nagpunta na siya sa kusina.
Ilang minuto lang ay sumunod na ang binata sa kaniya. Umupo ito sa harap niya at nagsimula ng kumain. Mabagal itong kumain at tinitigan lang siya. Halos hindi na siya makapagsubo dahil nako-concious sa sa titig ng binata.
"Hindi ba masarap iyang pagkain?" natanong niya.
"Masarap." sagot ng binata. "Actually, may bigla lang akong naalala." dugtong nito.
"Ano?" kaya pala natitigilan ito. Baka nasasarapan ng sobra sa luto niya at may naalala pa siya. Napangiti siya sa isiping iyon. Talagang ibinigay niya ang best niya para pasarapin ang linuto niya.
"She's the best cook." sabi nitong nakatitig sa kaniya.
Ouch! As in Aray!Hindi pala "Ano?" kundi "Sino?". Nakaka hurt naman. Naalala niya sa akin ang ibang babae? Parang biglang di niya malunok ang kinakain niya. Parang bumara lahat sa lalamunan niya. Bigla siyang napainom ng tubig, parang di na kasi siya makahinga.
"Re-really? Wh-Sino?" nagawa niyang sabihin sa kabila ng kondisyon ng lalamunan at puso niya. Yes. May kirot sa puso niya.
"Wala." nakita niyang ngumiti ito. So? Masaya siyang naalala si ''She"?
"Girlfriend?" eh ano kung gusto niyang tanongin? Hindi kasi mapakali ang puso't isipan niya kung hindi niya malalaman kung sino si "She" ni Lawrence. Ngayon pa na may feelings na siya sa binata. Gusto niyang malaman habang maaga pa kung may pag-asa ba silang dalawa o kailangan na niyang mag-move on agad.
"I don't know if we had that kind of relationship before. Kung natawag ko ba siyang girlfriend dati. Basta ang alam ko, she's special someone, that I can't forget until now." paliwanag ng binata.
Durog na durog ang puso niya sa narinig. Why? Sana. "Yes" nalang ang sinagot nito sa tanong niya. Atleast mas hindi pa siguro siya masasaktan. Kaysa marinig pa niya na special parin ito sa kaniya hanggang ngayon at hindi pa rin niya ito nakakalimutan.
"Where is she?" para lang niyang binubudburan ng asin ang sugat ng puso niya ng tanongin niya iyon.
"Why that sudden interest babe?" nakangisi nitong tanong.
"Wala!" medyo napalakas ang boses niya. Omg! Nagpapahalata ka Samantha."Tinatanong ko lang. Bawal ko bang kilalanin ang kasama ko sa bahay? And beside, ayoko namang pangalan mo lang ang alam ko." nasabi lang niya. Baka sakaling lumusot. Pero may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata ng binata.
"Malapit lang siya." sagot ng binata. Okay. Ayaw na niyang magtanong dahil baka may malaman siyang dahilan pa ng ikamamatay niya. Tama na iyong sakit. "Pero kinalimutan na niya ako." mapait ang ngiting sumilay sa mga labi nito.
Biglang nawala iyong selos na nararamdaman niya sa babaeng tinutukoy ng binata. Hindi ito nararapat kay Lawrence. Ramdam niya ang pagmamahal ng binata sa taong iyon, pero sinayang lang nito. Sana siya nalang. Siya nalang ang minahal ng binata. Hindi niya ito kakalimutan. Dahil sa sandali palang nilang magkakilala ay minahal na niya ito.At ang feelings niya para dito ay lalong lumalalim.
"I'm sorry." humingi siya ng paumanhin.
'Don't be sorry.It's not you're fault." sabi nito.
"What I mean is, sorry kasi naalala mo siya ng dahil sa akin."
"I can never forget her, kahit siguro hindi tayo nagkakilala.Hindi na siya mawawala sa puso't isip ko." sabi ng binata."Kaya, wala kang kasalanan okay?"
"Okay." ayaw na niyang sumagot at magtanong pa. Ang gusto lang niya ay matapos na siyang kumain. Parang hindi na kaya ng damdamin niya, baka bigla siyang mapaluha sa harap ng binata.
Nang matapos na silang kumain ay, nag-urong na siya ng pinagkainan nila. Tinulungan siya ng binata. Ang sweet nila, para silang magkasintahan na may "one sided love." at iyong side na may love ay iyong side lang niya. Nakakalungkot na isipin pero iyon ang totoo.
Pagkatapos nilang mag-urong ay pumanhik na sila sa mga kwarto nila. Agad siyang nagshower at nahiga na. Hindi nanaman siya nakatulog agad sa kaiisip sa binata. Iniisip niya kung ano ang gagawin niya para mahalin siya ng binata. Kung paano niya mabubura si "She" sa puso at isipan nito.Little by little ay magagawa rin niya iyon.. Hanggang sa nahiya na siya sa sarili niyang hindi makatulog dahil mag aalas tres na ng madaling araw.
****
Nakapikit pa siya habang humababa sa hagdan. Dalawang oras lang amg tulog niya. Puyat na puyat pa siya. Ayaw pa sana niyang bumangon pero ipagluluto pa niya ang binata. Nagdesisyon siyang itlog at hotdog lang ihanda niya. Ayaw niyang magluto ng ibang putahe baka maalala lang niya lalo iyong "babaeng-di-makalimutan"."Goodmorning." nagulat siya ng may yumakap sa may likuran niya.Si Lawrence, nalanghap niyang bagomg ligo ito.Nahiya tuloy siya sa amoy niya.
"Hey! Alis ka nga. Nagluluto ako e." pilit niyang kumakalas mula rito pero lalong humigpit ang yakap nito sa kaniya.
"Ang sarap naman ng niluluto mo." pritong itlog at hotdog. Masarap talaga walang katulad ang lasa e.
"Lawrence, tigilan mo nga yan." nakikiliti siya ng maramdaman ang mga labi nito sa punong tenga niya. Oh gosh! Nanayo ang mga balahibo niya. Gusto niyang humarap dito at salubungin ang mga labi nito. Pinipigilan lang niya. Napapikit siya habang dinadama ang kiliti na dulot ng ginagawa ng binata sa kaniya.
"Sir Lawrence! Tao po!" may sumisigaw sa labas ng bahay.
Walang nagawa si Lawrence kundi ang bitiwan siya pero bago iyon mabilis siyang hinapit paharap at hinalikan siya sa mga labi.
"Morning again babe." nakangiti niyang sabi bago umalis upang tingnan ang tao sa labas. Siya naman ay di parin makagalaw sa pagkabigla. Paano kung hindi lang halik ang ibigay ng binata sa kaniya baka ang maging side effect nito ay maparalize na ang buo niyang katawan.
Ilang minuto pa ay bumalik si Lawrence at nakahain na rin siya sa mesa.
"Sino iyon?" tanong niya.
"Si Mang Pilo." may inilapag siya sa mesa. Isang invitation."Ikakasal daw ang panganay niya at inimbitahan niya tayo." sabi nito at umupo na rin. Inabot niya ang invitation. Napangiti siya ng makita ang nakasulat doon.
You are invited :
Mr and Mrs. Lawrence Saavedra______________________________________
Pa follow po..Thank you:)
BINABASA MO ANG
My Despicable Prince (COMPLETED) #WATTYS2017
RomanceSPG (Lot of bed scenes) "Hindi mo parin ba kayang sabihin ang salitang "mahal kita", kahit araw-arawin kung pag-initin ka sa kama mo?" -Patricia Louise